Kami ay isang samahan ng mga laykong Katoliko (The Philippine Crusade for the Defense of Christian Civilization, Inc.) na nagpulong at nagpasiya na isulong ang kilalang debosyon kay Padre Pio, isa sa mga pinakatanyag na Kristiyanong pigura noong ika-20 siglo.
Tayo ay di kailanman na pinapabayaan ng Diyos at walang anumang panahon na di nagkaroon ng santo. Si Padre Pio ay itinakda upang mabuhay sa ating panahon upang maging isang halimbawa para sa kaparian at sa ating mga mananampalataya.
Milyun-milyong mga tao ang dumulog sa kanya noong siya'y nabubuhay pa at matapos ng pagkamatay niya noong 1968 ay patuloy na nakatanggap ng kamangha-manghang espirituwal na tulong at biyaya mula sa kanya.
Ang pakay ng Ang Tinig Ni Padre Pio ay upang lalo pang makilala si Padre Pio sa Pilipinas at hikayatin ang mga tao na magtiwala dito upang maging taimtim sa kanilang pananampalataya sa Diyos.
San Padre Pio, ipanalangin mo po kami!
Ang aming e-mail:
[email protected]