Рет қаралды 7,699
Bahagi ito ng plaka (vinyl LP), "Landasin sa Panulaang Tagalog," na ginawa ni Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan, noong 1970 sa pagtataguyod ni Dr. Mona Highley ng Taliba ng Inang Wika (TANIW). Kahanga-hangang proyekto ito noon at mapaghahanguan ng inspirasyon hanggang ngayon ng mga guro at manggagawang pangkultura sa pagsisikap na mailapit sa puso ng madla, lalo na ng mga kabataan, ang panitikan. Kung nagawa ito noon, lalong magagawa ito ngayon na may higit na abansadong teknolohiya na mapapakinabangan.
Sa bahaging ito, marubdob na binasa ni Doktor Lumbera ang "Panata sa Kalayaan," ang isa sa pinakadakila at di-malilimutang tula ni Amado V. Hernandez, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan.
#PLAKA
#AmadoHernandez
#BienvenidoLumbera
#PanataSaKalayaan