Рет қаралды 380
Mabigat ang kanilang laro ngayon, do-or-die para sa Rain or Shine. Sa mga ganitong laban, ang paglalaro ni James Yap malamang aabangan. Big game eh. Lalo na ang kalaban nina Coach Yeng Guiao ay ang mainit at talentadong koponan ng San Miguel Beermen. Ngunit, ano kaya ang nangyari? #PUSOSports #JamesYap
Isa marahil sa pinakamainit na koponan ngayon ang Elastopainters gawa ng kanilang winning streak late in the eliminations. At sa gabing ito, nandoon sina Caracut, Belga, Datu, at Santillan upang magbigay ng opensa. At sa gabing ito rin, kinilala nga rin ang panandang-bato o milestone na nagawa nitong si Gabe Norwood.
Koponan ni Coach Yeng Guiao yan kaya kahit alam mong dehado, alam mong lalaban yan hanggang dulo. Hindi magbibigay nang madaling panalo sapagkat pride din ang nakataya rito. Tagilid man ang lagay, nanatili silang determinado. Dahil kung mabigo man, makauuwi pa rin naman silang nakataas ang noo.
Kung ikaw ang kalaban ng San Miguel Beermen, sa opensa kaya mo ba talagang makipagsabayan. Hitik sa mga manlalaro ang koponang ito ng mga kayang mag-shoot nang lights out at any given time. Nandoon sina Terrence Romeo, CJ Perez, Jericho Cruz, Chris Ross, at Marcio Lassiter na naasahan ng SMB na magbigay puntos sa guard position.
Anong masasabi ninyo sa combo nina Fajardo at Boatwright? Sakit ulo talaga malamang para sa kanilang mga bantay. Marunong gumawa ng kanilang mga scoring opportunities para sa kanilang mga sarili at marunong ding mamasa kapag bukas ang kakampi. Patunay na nga rito ang kanilang mga dumadagundong na mga dunks na talaga namang walang makasabay.
Kung akala mong one-man show lamang ang San Miguel Beermen at hahayaan na lang ng mga local players na buhatin sila ng kanilang import, doon ka nagkakamali. Dahil kung show lang naman, ito rin naman ang ipinakita nitong si Terrence Romeo. Solido ang mga numero tapos sasamahan pa ng mga handles at crossover na talagang pamoso.
Noong nakaraan nilang laro, mabilis ngang nakapagtahi-tahi ng sunod-sunod na puntos itong si James Yap na tila ba paghahanda sa game nila ngayon kontra Beermen. Gayunpaman, may ibang plano marahil si Coach Yeng Guiao. Ngayong tapos na ang kanilang kampanya, ano sa tingin ninyo ang susunod na yugto para sa idolo ninyo? Tuloy sa Elastopainters? Ibang team? O retire na?
Maaari nga kayang pag-isipang isama itong si Bennie Boatwright sa mga magsusuot ng uniporme ng Gilas sa panghinaharap? Pasok kaya sya sa magiging sistema ng napupusuan ng SBP na maging permanenteng coach ng National Team? Nakabibilib lang din marahil na sa kanyang tatlong laro, nakaka-121 points na siya o halos 40 points per game. Anong masasabi ninyo rito?
__________________________________________________________________________________
Patuloy nating suportahan ang #PBAonOneSports: www.youtube.co...
Manood ng live!
Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
www.spin.ph/ba...
www.spin.ph/ba...
www.spin.ph/ba...
www.spin.ph/ba...
www.spin.ph/ba...
www.pba.ph/recap
www.pba.ph/gal...
Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!