may mga alak saming sala dalawang mucho ang ubos asawa ko'y di nag yoyosi pero bakit may upos halos buong araw mag kasama walang sawa tumatawa pinag sama mga tama binabasi ni bathala kina'karma pinag'pala nag hinala binalita sa tagal kumilos ng mga manika balisa talangka hinihika sa halip kumita pinili na manira ng imahe para lang masabi pambihira habang ako naman hinirang sa sariling wika di mahina kaya pinigilan aking katangian tas biglang ka nayabangan diko tuloy mapigilan ang kakayanan ng sarili mag labas ng mga salitang nakaka'wili na matalas at matulis ang talim di makita at masuri na'pasipa sa pader malayo na makita sa liwanag malapitan sa dilim ma'aninag to kase magaling umilag sa silab humikab mahirap malaman ang laman ng tyan pinag kasya kinakain sa lamesa nakahain kahit na langawin para gutom hindi palipasin mga hinaing sinalaysay ko sa hangin walang salungat mga pangungusap ay salawikain puputolan ka ng dila walang panini'ra na mahina gamit hangin pero masaya ginagawa ko nasa wisyo gamit palaso pinapasok naka sentro na palasyo di naka basag ng pinggan pero tinaman baso makinang sa kaharian ng mga hari pinakinggan aking dahilan di nag dalawang isip ako pagbigyan dapat di maulit kakulitan may parusang kapalit na masakit ang kalupitan tikman pam'payaso ang atraso niyapos ng mga braso at tinapos na walang kaso kamo 16 bars challenges sparo 'instru"