Рет қаралды 502
5th GAWAD KOMFIL: “BUNA DAKO” ni Princess Margareth Aguilar | Full Episode
Sa direksyon ni Mikhaela Marie Bergado, ating tunghayan ang kuwento ng buhay sa kalamay nina Nanay Melita Barrot, Nanay Amorlina Costa, Nanay Imelda Dela Cruz, at Nanay Estralita Gonzales, mga inang may matamis na pangarap para sa kanilang pamilya mula sa Indang, Cavite. Sa Buna Dako, masisilayan ang kanilang walang sawang pagsisikap. Katulad ng malagkit at maingat na hinulmaing kalamay na pinagsasama ng tiyaga, init ng pagpapagal, at siksik na pagmamahal para sa magandang kinabukasan ng kanilang mga mahal sa buhay. Panoorin ang kanilang kuwento sa dokumentaryong ito.
Ang “Buna Dako” ang opisyal na dokumentaryong handog ng ikalawang pangkat mula sa BSCPE 1-2 ng Cavite State University - Main Campus para sa nalalapit na 5th GAWAD KOMFIL na may temang “Kuwentong KOMFIL: Istoryang Mapagbago, Para sa Lipunang Pilipino”.
Abangan kung anu-ano ang mga magwawaging dokumentaryo sa nasabing parangal ngayong Biyernes, ika-10 ng Enero 2025!
Disclaimer: Ang bawat tauhan sa nasabing dokumentaryo ay may buong pahintulot na mailahad ang kanilang karanasan at istorya. Mangyaring iwasan ang pagkuha ng larawan o screenshot na kasama ang mga mukha o larawan ng mga tauhan sa dokumentaryo para sa ibang layunin nang walang pahintulot ng kinauukulan. #bunadako #gawadkomfil