Рет қаралды 304
5th GAWAD KOMFIL: “SAPALARAN” ni Vince Cedrick Kent Frilles | Full Episode
Sa direksyon ni Heirald King Celestino, ating tunghayan ang kuwento nina Benedict, Ban, at Andres-isang estudyante, isang clerk, at isang chef mula sa Bacoor, Cavite. Sa dokumentaryong ito, kanilang ibinabahagi ang mga karanasan sa pagsusugal na humantong sa mga panghihinayang at pagsisisi. Panoorin ang kanilang makabuluhang kwento na tiyak na mag-iiwan ng aral sa bawat manonood.
Ang “Sapalaran” ang opisyal na dokumentaryong handog ng ikalawang pangkat mula sa BSHM 3-6 ng Cavite State University - Main Campus para sa nalalapit na 5th GAWAD KOMFIL na may temang “Kuwentong KOMFIL: Istoryang Mapagbago, Para sa Lipunang Pilipino”.
Abangan kung anu-ano ang mga magwawaging dokumentaryo sa nasabing parangal ngayong Biyernes, ika-10 ng Enero 2025!
Disclaimer: Ang bawat tauhan sa nasabing dokumentaryo ay may buong pahintulot na mailahad ang kanilang karanasan at istorya. Mangyaring iwasan ang pagkuha ng larawan o screenshot na kasama ang mga mukha o larawan ng mga tauhan sa dokumentaryo para sa ibang layunin nang walang pahintulot ng kinauukulan. #sapalaran #gawadkomfil