Рет қаралды 26,168
Video Title: 9 na KATOTOHANAN na KAILANGAN mong malaman upang MALABANAN mo ang mga PAGSUBOK - TAGALOG MOTIVATIONAL SPEECH
Join this channel to get access to perks:
/ @brainpower2177
Umpisahan natin ang videong 'to sa quote na ito: HABANG MAY BUHAY, MAY PAG-ASA. Totoo naman yan, 'di ba? Sinasabi natin 'to ng paulit-ulit na lahat tayo ay nakakaranas ng kahirapan at makakaranas pa ng matinding kahirapan. Ang taong puno ng karunungan, ang taong mapagmahal, ang taong matalino, ang taong positibo sa buhay, lahat ng mga taong 'yan ay nakakaranas ng pagdurusa.
Nakakaranas ng kabiguan. Nakakaranas ng break up. Nakakaranas ng kalungkutan. But the great thing is, these people have found their way out of the depths of their own despair. These people have experienced many ups and downs, and have gained an appreciation, a sensitivity, and an understanding of life. Kaya't ito ang dahilan kung bakit sila ang mas nakakaunawa sa mga taong nabibigo rin. Sila ang nakakaintindi dahil nakakaranas na sila niyan. At sila din ang marunong magmahal dahil nasubukan na nilang masaktan. At alam mo ba, na ang mga taong 'yan ay hindi isinilang na ganyan na agad ang ugali. Habang lumalaki sila mula sa pagiging negatibo ay unti-unting nagbago ang kanilang buhay dahil sa hatid na mga aral ng mga pagsubok.
Marami na akong nakausap na mga taong nawawala sa kanilang landas. Mga taong walang alam kung paano tatratuhin ang kanilang sarili. Mga taong takot sa matinding problema. At sinabihan ko sila, na ang mga pagsubok na 'yon ay magpapalakas sa kanila. Magpapalakas sa ating lahat. We are living in this crazy world. Pati ako binabangga ng maraming pagsubok. Ilang beses na rin akong LUMUHOD, HUMIGA, NADAPA, UMIYAK. Minsan nga may mga araw na kinikwestyon ko ang Diyos kung bakit hinayaan Niya lang akong nahirapan. At normal lang lahat 'yon. May gusto akong ibahagi sa inyo na Bible verse na may taong nahihirapan ng sobra at kinikwestyon niya ang Diyos. Basahin nga natin ang Habakuk 1: 2, 3
“O aking Diyos, hanggang kailan ako hihingi ng saklolo at hindi mo diringgin? Hanggang kailan ako makikiusap na iligtas mo ako sa karahasan at hindi ka kikilos?”
“Bakit mo ipinapakita sa akin ang kasamaan? At bakit mo hinahayaan ang pang-aapi? Bakit nasa harap ko ang pagkawasak at karahasan? At bakit laganap ang pag-aaway at labanan?”
Kita mo 'yan? Hindi lang tayo ngayon ang nahihirapan. Simula pa noong unang panahon pero mas lalo lang tumitindi ang mga problema ngayon. But here's the thing: Sa katotohanan lang tayo, kapag tinamaan tayo ng mahihirap na sitwasyon, y'ong sitwasyon na mahirap talagang banggain, ikaw lang ang magdedesisyon, magpapatalo ka na lang ba o gagamitin mo ito upang mas lalo kang tumatag? The choice is yours to make. Kaya ngayon, gusto kong ipaalala sa 'yo, na may magagawa ka pa kahit sobrang nahihirapan ka na at gusto mo ng sumuko.
NUMBER 1 ANG KALIGAYAHAN AT KALUNGKUTAN AY PARTE NG ATING BUHAY
Tandaan mo 'yan. It helps you GROW. Marami kasing mga tao na humihiling na sana'y parang rosas at paru-paro na lang ang buhay araw-araw. Y'ong magandang buhay. Tama nga naman. Humiling ka ng rosas, pero hindi mo ba napansin na ang rosas ay may mga TINIK rin? Ang paru-paro ay maikli lang ang LIFE SPAN. 'Yan kasi tayo e. Gusto nating MADALI lang lahat. 'Yan ang dahilan kung bakit mas lalo tayong nahihirapan, wala kasi tayong matutunan sa madaling bagay. So many of us are AFRAID of OURSELVES. AFRAID of our OWN TRUTH and AFRAID of OUR FEELINGS. We talk about how great the concepts of LIFE and LOVE are but then we HIDE from REAL LIFE and TRUE LOVE everyday. Palagi na lang tayong nagtatago sa tunay nating katauhan. Kasi ayaw nating tanggapin na ang buhay ay HINDI MADALI. Na masasaktan tayo. How can we ever deal with REAL LIFE and TRUE LOVE if we are AFRAID to feel what we really feel?
TRANSCRIPT: bit.ly/3ET1iVz
▶ Free HD videos - no copyright
Magical Forest | Drone Aerial View | Royalty Free | Stock Footage | No Copyright Videos
Video Link: • Magical Forest | Drone...
▶ Infraction - No Copyright Music
Epic Action Trailer by Infraction [No Copyright Music] / Battle
Music Link: • Epic Action Trailer by...
--------------------------------------------------------------------------------------------
Hi everybody I write and speak all of the speeches myself, so if you need some material or want to do some sort of collaboration, feel free to contact me: junbal2177@gmail.com
--------------------------------------------------------------------------------------------
Speaker:
Brain Power
/ brainpower2177
Facebook Page: / brainpower2177
Instagram: @junbal2177
Twitter: @BrainPower2177
If you find my content helpful, click subscribe and the notification bell - / brainpower2177
----------------------------------------------------------------------------------------------
#9Truths #Hardships #BrainPower2177