Lyrics: [HOOK]: Kung sinabi mo lang na ako Edi sana di ako lumayo Wala nang ibang ginusto Iba pakiramdam ko sayo Ikaw lang nagparamdam Ng pagmamahal Na hinanap ko, nang kay tagal Sana maitama lahat At hindi pa huli ang lahat Hindi pa huli ang lahat At hindi pa huli ang lahat Hindi pa huli ang lahat [KROEVENYAA Verse]: Nung tayo'y nagkasama Sa puso ko pumahna Pakiramdam ko sakin ikaw ang nakatadhana Ikaw yung mga sana at hiling ko kay bathala Pero di ko sigurado kung ito pa ba ay tama Kasi magkaiba takbo ng mga buhay natin Wala kong mabibida sa kalsada lang nanggaling Wala kong salapi sa kada tayo ay kakain Habang yung pumuporma sayo ay naka McLaren Sa isip ko palagi ano bang laban ko jan? Wala akong ganyan mga magarang sasakyan Ang sabi mo sakin di mo kailangan ng ganyan Habang yung mga biro ko lang gusto mong sakyan Pero di ko sigurado kung makakaya ko bang Pangitiin ka lagi at puro lamang saya Ayokong yung oras mo saakin maaksaya Lalayo nalang siguro kasi nga mahal kita. [HOOK]: Kung sinabi mo lang na ako Edi sana di ako lumayo Wala nang ibang ginusto Iba pakiramdam ko sayo Ikaw lang nagparamdam Ng pagmamahal Na hinanap ko, nang kay tagal Sana maitama lahat At hindi pa huli ang lahat Hindi pa huli ang lahat At hindi pa huli ang lahat Hindi pa huli ang lahat [Floi Verse]: Di ko parin sukat akalain Na nahulog sa isang alipin Ang maharlika na tulad mo kung iisipin Kulang parin kahit ibigay ko pa ng todo Mga nagkakagusto sayo nakamotor at nakauto (yuh) Pero ang trato mo saken ay di iba Pinaparamdam mo lagi na di ako magisa Sumasama ka parin talaga sakin kahit na Angkas angkas lamang kita sa bisikleta kong dala Pasensiya na di kita kayang dalhin sa kainang magarbo Mulat na sa kalsada buhay ko ang aking kargo Sayo lang nadama buhay ng isang panalo Ikaw lang ang hangarin Gabi gabi kong panalangin Ikaw ang hahanapin Gusto kong makasama at yakapin [HOOK]: Kung sinabi mo lang na ako Edi sana di ako lumayo Wala nang ibang ginusto Iba pakiramdam ko sayo Ikaw lang nagparamdam Ng pagmamahal Na hinanap ko, nang kay tagal Sana maitama lahat At hindi pa huli ang lahat Hindi pa huli ang lahat At hindi pa huli ang lahat Hindi pa huli ang lahat