Рет қаралды 120,915
AKALA KO IKAW NA
By: Jessica Bula
Produced By : MERCY BLESS
Hindi ko alam kung ano ang kahahantungan.
Ng tulang ikaw ang tanging laman.
May salitang nais bigkasin ang bibig.
Hindi ko alam kung papano sasabihing ika'y iniibig.
Nagsimula akong mangarap ng malapelikulang buhay.
Ng dumating ka at mundo'y binigyan mo ng kulay.
Nakilala ka sa panahong kailanman diko inasahan.
Na nakaya kung kalimutan ang madilim kung nakaraan.
Sa bawat pagdilat ng aking mga mata sa umaga.
Ramdam ko ang saya dahil sayong pagpapahalaga.
Na hindi ko naranasan sa iba o kaninoman.
At sa isang iglap napagtanto ko ang tunay kung nararamdaman.
Nakahanda na akong sumugal kahit walang kasigiraduhan.
Gusto ko ng isuko ang puso kung dating sugatan.
Dahil nakilala ka, pagmamahal na tunay aking naranasan.
Animo'y nakalutang sa alapa-ap dahil sa sobrang saya't kagalakan.
Ngunit dalawang salita ang dumurog sa puso kung unti unti mong binuo.
Bakit dika nagsabi na may "siya na" na tanging mundo mo.
Na may ibang laman ang puso mo at hindi ako.
Di sana nakapaghanda ako para hindi ako nahulog ng tudo sayo.
Akala ko ikaw na ang una't huli ko.
Peru ikaw pala ang taong unang dudurog ng puso ko.
Tinanong ka ng paulit ulit kung ano ang tangi mong dahilan.
Peru dika sumagot at hinayaan mo akong lumisan ng luhaan.
Mabigat ang dibdib at pinilit ang mga paang ihakbang.
Sa madilim na daan nakakubli ang mukhang luhaan.
At unti unting bumalik ang mga ala ala sa nakaraan.
Kung saan mag-isa nanaman akong gagamot sa puso kung sugatan.