Рет қаралды 49,757
#News5OnTape I ‘WALANG KAPLANO-PLANO PERO MAY PERA NA’
Kinuwestiyon ng mga Senador sa gitna ng pagdinig kaugnay ng umano’y suhulan sa People’s Initiative ang anila’y “magical project” na Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development #DSWD na nagkakahalaga ng P26.7 bilyon.
Giit ng mga Senador, hindi sila pamilyar sa programa na ayon kay Sen. Imee Marcos ay “unnamed, unfamiliar, with no guidelines and no target beneficiaries,” pero may bilyon-bilyon nang nakalaan na pondo.
Aminado naman ang ahensya na hindi nila ni-request ang naturang programa, pero inaayos na ang mga regulasyon o guidelines kaugnay nito.
“Parang baliktad naman ata ‘yung buhay natin. Ngayon mag-iimbento ng dahilan, magde-design ng project, pupuntirya [ng] mga beneficiary pero in the meantime, nilagyan muna ng bilyon-bilyon,” saad pa ng Senadora. #News5 I via Maeanne Los Baños
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
/ news5everywhere
/ news5ph
/ news5everywhere
/ news5everywhere
🌐 www.news5.com.ph