Рет қаралды 61,053
#aklatng1cronica
1 CRONICA 1
Mga Lahi Mula kay Adan Hanggang sa mga Anak ni Noe
(Gen. 5:1-32; 10:1-32; 11:1-26)
1 Ang mga lahi ni Adan ay sina Set, Enosh, 2Kenan, Mahalalel, Jared, 3Enoc, Metusela, Lamec at Noe. 4Ang mga anak na lalaki ni Noe ay sina Shem, Ham at Jafet.
Ang Lahi ni Jafet
5Ang mga anak na lalaki ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras. 6Si Gomer ay may mga anak din na lalaki na sina Ashkenaz, Rifat, at Togarma. 7Ang mga anak na lalaki ni Javan ay sina Elisha, Tarshish, Kitim at Rodanim.
Ang Lahi ni Ham
8Ang mga anak na lalaki ni Ham ay sina Cush, Mizraim, Put, at Canaan. 9Si Cush ay may mga anak ding lalaki na sina Sheba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak na lalaki ni Raama ay sina Sheba at Dedan. 10May isa pang anak si Cush na ang pangalan ay Nimrod na naging magiting na sundalo sa mundo.
11Si Mizraim ang pinagmulan ng mga Ludeo, Anameo, Lehabeo, Naftu, 12Patruseo, Caslu, at mga Caftoreo na siyang pinagmulan ng mga Filisteo.
13Si Canaan ang ama nina Sidon at Het. Si Sidon ang panganay. 14Si Canaan ang siya ring pinagmulan ng mga Jebuseo, Amoreo, Girgaseo, 15Hiveo, Arkeo, Sineo, 16Arvadeo, Zemareo at Hamateo.
Ang Lahi ni Shem
17Ang mga anak na lalaki ni Shem: sina Elam, Ashur, Arfaxad, Lud at Aram. Ang mga anak na lalaki ni Aram ay sina, Uz, Hul, Geter at Meshec. 18Si Arfaxad ang ama ni Shela, at si Shela ang ama ni Eber. 19May dalawang anak na lalaki si Eber: ang isa ay pinangalanang Peleg, dahil noong panahon niya, ang mga tao sa mundo ay nagkahati-hati; ang pangalan naman ng kanyang kapatid ay Joktan. 20Si Joktan ang ama nina Almodad, Shelef, Hazarmavet, Jera, 21Hadoram, Uzal, Dikla, 22Obal, Abimael, Sheba, 23Ofir, Havila at Jobab. Silang lahat ay anak na lalaki ni Joktan.
24 Ito ang lahi na mula kay Shem: sina Arfaxad, Shela, 25Eber, Peleg, Reu 26Serug, Nahor, Tera, 27at si Abram na siya ring si Abraham.
Ang Lahi ni Abraham
(Gen. 25:1-4, 12-16)
28Ang mga anak na lalaki ni Abraham ay sina Isaac at Ishmael. 29Ang mga anak na lalaki ni Ishmael ay sina Nebayot (ang panganay), Kedar, Adbeel, Mibsam, 30Mishma, Duma, Masa, Hadad, Tema, 31Jetur, Nafis at Kedema. Sila ang mga anak na lalaki ni Ishmael. 32Ang mga anak na lalaki ni Ketura na isa pang asawa ni Abraham ay sina Zimran, Jokshan, Medan, Midian, Ishbak at Shua. Ang mga anak na lalaki ni Jokshan ay sina Sheba at Dedan. 33Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Efa, Efer, Hanoc, Abida at Eldaa. Silang lahat ang angkan ni Ketura.
Ang Lahi ni Esau
(Gen. 36:1-19)
34Si Abraham ang ama ni Isaac. Ang mga anak ni Isaac ay sina Esau at Israel. 35Ang mga anak na lalaki ni Esau ay sina Elifaz, Reuel, Jeush, Jalam at Kora. 36Ang mga anak na lalaki ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo, Gatam, Kenaz at Amalek. Si Amalek ay anak niya kay Timna. 37Ang mga anak na lalaki ni Reuel ay sina Nahat, Zera, Shama at Miza.