Ang Alamat ng Unggoy

  Рет қаралды 25,885

MJ Mejia TV

MJ Mejia TV

Күн бұрын

"Anak, itanim mo sana sa isip ang mga sinasabi ko. Tumulong ka naman sa mga gawaing-bahay," malumanay na pakiusap ni Aling Tinang.
Tumingin lang si Ogoy sa ina at nagpatuloy sa pagkain. Halos wala siyang itirang pagkain sa ina. Sadyang matigas ang loob ng anak.
“Bukas ay dalhin mo ang mga hinog na saging kina Aling Mameng. Papalitan niya ito ng bigas para may maisaing tayo”, ang bilin ng ina sa anak bago sila matulog."Sige po, dadalhin ko sa kanila ang hinog na saging bukas," sagot ni Ogoy.
Kinabukasan nga ay kinuha ni Ogoy ang isang buwig ng mga hinog na saging para dalhin kina Aling Mameng. Malayo-layo ang bahay nina Aling Mameng kaya nang mapagod ay ibinaba muna ang buhat-buhat niya at saka nagsabi sa sarili, "ang bango ng hinog na saging. Titikim nga ako ng isa."
Wala nang saging na nakarating kina Aling Mameng dahil ang tinikmang isa ay naging dalawa, naging tatlo, hanggang sa hindi namamalayan ni Ogoy na mga balat na lang ang natira sa isang buwig ng saging.
"Nasaan ang bigas na kapalit ng saging, Ogoy?" tanong ni Aling Tinang sa anak pagkauwi niya galing sa bukid.
''Nay, may nasalubong akong mga bata sa daan. Pilit nilang kinuha sa akin ang mga saging," ang pagsisinungaling ni Ogoy sa ina.
Wala nang nagawa si Aling Tinang kundi maglaga na lang ng kamoteng kahoy dahil wala silang bigas. Tatawa-tawa lang si Ogoy. Hindi man lang siya nakaramdam ng pagsisisi sa ginawa niyang pag-ubos sa hing na saging at pagsisinungaling sa kanyang ina.
Isang araw habang pauwi mula sa bukid ay inabutan ng napakalakas na ulan si Aling Tinang, Pagod siya sa maghapong paggawa sa bukid at nabasa ng ulan kaya paggising niya kinabukasan ay inaapoy siya ng lagnat. "Ogoy! Ogoy! Tulungan mo ako, Anak. Magpainit ka ng tubig para makainom ako ng salabat,” ang sabi niya sa anak na noon ay tulog na tulog pa kahit tanghali na.
Hindi tuminag si Ogoy. Nagpatuloy lang siya sa pagtulog. Walang nagawa ang kaawa-awang ina kundi tumayo at magpunta sa lutuan para magpainit ng tubig at maghanda ng amusal.
Nang maramdaman ni Ogoy na nakaluto na ang ina ay agad siyang bumangon at tulad ng dati ay halos ubusin ang pagkaing nakahanda. Pagkakain ay akmang lalabas na naman si Ogoy nang sabihan siya ng kanyang ina. "Ogoy, masama ang pakiramdam ko, anak. Puwede bang ikaw na ang magligpit sa ating pinagkainan?" pakiusap niya sa anak.
Pero nagtaingang-kawali lang si Ogoy. Sa halip na sundin ang ina ay mabilis siyang tumakbong palabas ng kanilang kubo. Dito hindi na nakapagtimpi ang ina. "Napakasama mong anak! Wala kang malasakit at pagmamahal sa iyong sariling ina!" sigaw ni Aling Tinang.
Sa labis na galit, ang noo'y hawak-hawak niyang sandok na gawa sa kininis na kawayan ay inihagis niya sa anak. At anong himala! Sa isang kisap-mata ay kumapit ang sandok sa puwitan ni Ogoy at naging mahabang buntot. Unti-unti ring tumubo ang mahahaba at maiitim na balahibo sa buo niyang katawan. Nagbago rin ang kanyang mukha. Lumiit ito at napuno ng maitim na balahibo.
Sa takot ni Ogoy sa nangyayari sa kanya ay nagtatakbo siya at mabilis na umakyat at nagpalipat-lipat sa mga baging ng puno. "Ogoy! Ogoy! Bumalik ka!" ang nagmamakaawang sabing ina. Subalit hindi na siya narinig ng anak.
Hindi na nakabalik sa dating anyo si Ogoy. Mula sa pangalang "Ogoy" kalauna'y tinawag siyang "Unggoy." Sa kanya nagsimula ang mga unang lahi ng mga unggoy.
#angalamatngunggoy
#alamatngunggoy
#legendofmonkey
#titsermjtv
#TitserMJTV
Thank you for watching !
For business inquiries and collaboration, message me on my Facebook Page: / iamtitsermjtv
Support me and become a member:
/ @mjmejiatv

Пікірлер
Alamat ng Mangga
8:43
Starry Nights Tales and Stories
Рет қаралды 26 М.
The Lost World: Living Room Edition
0:46
Daniel LaBelle
Рет қаралды 27 МЛН
УНО Реверс в Амонг Ас : игра на выбывание
0:19
Фани Хани
Рет қаралды 1,3 МЛН
Bon Bon Making Colorful Popcorn
12:00
Animal HT
Рет қаралды 41 МЛН
TOM VE JERRY | Çifte Sorun | #YENİ Çizgi Film | @CartoonitoTurkiye
23:28
Cartoonito Türkiye
Рет қаралды 226 МЛН
Ang Tambuli ni Ilig
17:32
MJ Mejia TV
Рет қаралды 18 М.
Si Buwan, si Araw at ang mga Bituin
6:34
MJ Mejia TV
Рет қаралды 10 М.
Ang Kalapati at ang Agila
8:03
MJ Mejia TV
Рет қаралды 7 М.
Kwentong Alamat: Ang Alamat ng Saging
7:29
Okaoka Stories PH
Рет қаралды 95 М.