Рет қаралды 91,694
Ang Ama Ang Magbibigay Ng Kalakasan
Composition by Brother Eugin Magbanua
Orchestration by Brother Jeff Alfonso
Vocals by INC Sanctuary Choir
Minus 1 starts at 04:52
1
May mga pagkakataon sa buhay natin
Na makakaranas tayo ng tiisin,
Ngunit hindi tayo dapat mangamba-
Ang Diyos ay may pangako sa mga hinirang Niya
Na handa Siyang tumulong
Sa tapat Niyang lingkod,
Kaya tatagan, ating loob.
Refrain
Ang Ama ang Siyang magbibigay
Ng ‘di mapasusuko
At hindi makakayang makubkob
Na kalakasan sa Kaniyang bayan.
Kaya huwag tayong mawalan ng pag-asa;
Kaniyang isasaayos ang lahat ng bagay,
Ipipihit sa ikabubuti ng mga lingkod Niya.
2
May mga pagkakataong nalulungkot
At tila mag-isa sa pagharap sa pagsubok,
Ngunit hindi tayo dapat matakot;
Kailanman, hindi tayo dapat panghinaan ng loob;
Lagi tayong manalangin;
Ang Diyos ay handang lunasan
Ang ating suliranin.
Bridge
Kahit na ang mga bundok at mga burol ay gumuho,
Ang pag-ibig ng Diyos sa atin
ay hinding-hindi maglalaho.
Copyright © 2022 Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)
#INCOriginalMusic
#INCChoralMusic
#INCMusic
#INCSongs
#IglesiaNiCristo
#ChurchOfChrist
#ReligiousMusic