Naglabas na ng resulta ng imbestigasyon ang MGB. Ang resulta, slumping dahil sa 4 days na halos walang tigil na pag-ulan 2 or 3 says prior to the incident. Sobrang na-saturate ng rainwater ang ilalim ng lupa kaya nag-collapse ito. Halos similar sa landslide or considered as a form of landslide, ang slumping ay paggalaw o pagcollapse ng layer ng lupa ng short distance lang at makikita na parang buo o bloke ng kalupaan ang gumalaw. Although nasira ang mga istruktura sa ibabaw ng gumalaw na lupa, mapapansin na nakatayo pa rin ang mga puno, maayos pa rin ang mga damuhan at kung hindi mo papansinin ang mga nasirang bahay, aakalain mo na walang nangyari dahil malaking bloke ng kalupaan ang gumalaw nang buo unlike ng typical landslide na gumugulong ang mga loose soil and rocks/boulders at natatabunan ang mga dinaanan nito. Yung nakitang mga bitak, posibleng yun naman ang kasunod na layer o bahagi na magko-collapse. Kung titingnan sa malayo, puwedeng parang hagdan, yung may magkakasunod na steps ang layers na nag-collapse o magko-collapse.
@ImmanSupremoScoutRanger15921 күн бұрын
Thank u. I will include this sa update
@emmanuelflorido713519 күн бұрын
Lumalambot lupa a thru time. Kaya nag iistart mag land slide