No video

ANG DIOS ANG AKING TANGGULAN SA PANAHON NG KAPIGHATIAN ! / SPOKEN BIBLE VERSE: MGA AWIT 56

  Рет қаралды 1,437

Ben Filio

Ben Filio

Күн бұрын

SPOKEN BIBLE VERSE:
MGA AWIT 56
Naranasan mo na ba, na habang ikaw ay lumalakad sa liwanag at katuwiran ni Hesu Kristo, ay marami ang mga taong kumalaban sa yo? Na patuloy ka nilang inaapi at niyuyurakan. At ang kanilang galit sa yo ay hindi mo maunawaan.
Na sa pagsusumikap mong sundin ang mga kautusan at tagubilin ni Hesu Kristo na mamumuhay sa katuwiran, ay mas lalong sumisidhi ang kanilang galit at nagbibigay sila yo ng mga kapighatian.
At kapag tayo ay dumadanas ng mga ibat ibang paghihirap at kapighatian, bilang mananampalataya ni Hesu Kristo, saan mo kukunin ang iyong lakas upang manatili sa pananampalataya?
Ang ating talatang pagbubulay bulayan ay magmumula muli sa aklat ng Mga Awit talatang 56. Ito ay isa sa mga awit ni David sa panahong siya ay huhulihin ng mga Filisteo sa Gat. Sa panahong siya humaharap sa pang-aapi, pang aaway at pagyurak ng kanyang mga kaaway.
Pinapakita ang patuloy na pagtitiwala niya sa Dios at kanyang pagsusumamo sa Kanyang pagliligtas. Na sa kanyang pagharap sa persekusyon ng kanyang mga kaaway, ay nananatiling ang Dios ang kanyang tanggulan at kalakasan. Patuloy niyang pinupuri ang Dios sa gitna ng kanyang paghihirap at walang takot siyang nadarama sapagkat sa Kanya lang siya nagtitiwala. “Ano ang magagawa ng tao kung ang Dios ang iyong sandigan!
Nawa ang mga talatang ito ay magbigay sa atin ng kalasang harapin ang mga kapighatian. At ating ihayag sa sangkatauhan na ang Dios ang ating tanggulan at sa Kanya mananatili ang ating pagtitiwala.
Ang pagpapala nawa ng Dios Ama, Dios Anak, at Dios Espiritu Santo ang Siyang sumaatin.
Mga Awit 56
1 Maawa ka sa akin, O Diyos ko, sapagkat niyuyurakan ako ng mga tao; buong araw na pag-aaway, inaapi niya ako,
2 sa buong araw ay niyuyurakan ako ng mga kaaway, sapagkat marami ang may kapalaluang sa akin ay lumalaban.
3 Kapag natatakot ako, aking inilalagak ang tiwala ko sa iyo.
4 Sa Diyos na pinupuri ko ang Salita, sa Diyos ay inilagay ko ang aking tiwala, ang laman sa akin ay ano ang magagawa?
5 Buong araw ay sinisikap nilang saktan ang aking kalagayan, lahat ng kanilang mga pag-iisip ay laban sa aking ikasasama.
6 Sila'y nagsama-sama, sila'y nagsisipagkubli, binabantayan nila ang aking mga hakbang, gaya ng kanilang pag-aabang sa aking buhay.
7 Kaya't gantihan mo sila sa kanilang kasamaan;
sa galit ay ilugmok mo, O Diyos, ang mga bayan!
8 Iyong ibinilang ang aking mga paglalakbay, ilagay mo ang aking mga luha sa botelya mo! Wala ba sila sa aklat mo?
9 Kung magkagayo'y tatalikod ang aking mga kaaway sa araw na ako'y tumawag. Ito'y nalalaman ko, sapagkat ang Diyos ay kakampi ko.
10 Sa Diyos, na ang mga salita ay aking pinupuri, sa Panginoon, na ang mga salita ay aking pinupuri,
11 sa Diyos ay walang takot na nagtitiwala ako. Anong magagawa sa akin ng tao?
12 Ang iyong mga panata ay sa akin, O Diyos,
ako'y mag-aalay ng mga handog ng pasasalamat sa iyo.
13 Sapagkat iniligtas mo sa kamatayan ang aking kaluluwa,
at sa pagkahulog ang aking mga paa,
upang ako'y makalakad sa harapan ng Diyos
sa liwanag ng buhay.

Пікірлер: 12
@catherinekilario2981
@catherinekilario2981 2 жыл бұрын
Praise god halleluya kay paninoong jesus lamang matatagpuan ang dalisay at tapat na pagmamahal amen👏👏👏👏👏👏😍😍😍😍
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Purihin ang Dios sa kaitaasan Catherine. God bless
@edelentera8585
@edelentera8585 Жыл бұрын
Praise the Lord God almighty.
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production Жыл бұрын
Sa Dios ang lahat ng papuri Kaibigan. God bless
@lilly6278
@lilly6278 2 жыл бұрын
Purihin ang Diyos ❤️Sa Diyos ang Lahat ng Papuri. Maraming Salamat po Panginoong Jesus❤️😊
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Sa Dios Ang lahat ng papuri Lily. God bless
@fashionthread807
@fashionthread807 2 жыл бұрын
Ang Diyos lang ang Tangi kong Kalakasan😔😊 Bawat Araw ang Diyos ang aking pag asa at Buhay. Salamat sa Diyos.
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Purihin ang Dios sa kaitaasan Kaibigan. God bless
@kenperez3380
@kenperez3380 2 жыл бұрын
Amen.
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Sa Dios Ang lahat ng papuri Ken. God bless
@marivicmarivic8065
@marivicmarivic8065 Жыл бұрын
Humihingi po ako ng tulong sayo kapatid tulungan nyo po ako manalangin sa hirap ng kalooban na nararamdaman ko. Gayun pa man patuloy akong magpupuri sa Diyossa Diyos ang lahat ng Papuri at pasasalamat❤️ In Jesus Name. amen
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production Жыл бұрын
Ang Dios po Ang patuloy na magbigay sa iyo ng kapayapaan sa pamamagitan ng Banal Na Espiritu na nagpapatotoo sa kaluwalhatian ni Hesu Kristo. God bless
7 Days Stranded In A Cave
17:59
MrBeast
Рет қаралды 94 МЛН
Before VS during the CONCERT 🔥 "Aliby" | Andra Gogan
00:13
Andra Gogan
Рет қаралды 10 МЛН
Whoa
01:00
Justin Flom
Рет қаралды 31 МЛН
ROLLING DOWN
00:20
Natan por Aí
Рет қаралды 11 МЛН
*1 HOUR RELAXING HOMILY* PARA SA MGA PAGOD NA SA PROBLEMA II FR. JOWEL JOMARSUS GATUS
1:10:27
Panalangin para sa Proteksyon (Salmo 91) • Psalm 91 Tagalog Prayer for Protection
8:22
Awit at Papuri Communications
Рет қаралды 440 М.
PAGDURUSA BILANG CRISTIANO! / SPOKEN BIBLE VERSE: 1 PEDRO 4
7:58
ANO ANG FREE WILL? / ANO ANG KAUGNAYAN NITO SA AKING KALIGTASAN?
25:02
Psalm 56 - Faith in the Midst of Fear
24:01
David Guzik
Рет қаралды 15 М.
7 Days Stranded In A Cave
17:59
MrBeast
Рет қаралды 94 МЛН