PBA players need to start winning international games to restore the fans' confidence in them. If Filipino basketball enthusiasts realize they are watching high-quality basketball capable of winning on the international stage, they will come in droves.
@MNLQC Жыл бұрын
Nalulugi na PBA dati 5k yung ticket nila sa VIP ngayon 1k nalang
@MNLQC Жыл бұрын
Gen Ad nga 50 pesos nalang eh 😂
@keebtoys5355 Жыл бұрын
dati din akong isang avid fan ng PBA, naging admin pa ko ng isang team na nanonood mismo sa arena, pero ngayon wala nang gana, kahit sa tv di na din nanonood, tamang highlights na lang. and yes isang malaking factor ang kawalan ng balanse sa liga, unfair trades at bias officiating, hindi man sa lahat ng laro, pero maraming nangyayaring ganyan. ilang teams na lang ang malakas naiipon ang magagaling na players sa iisang company lang (kasi afford nila mag pasahod ng maraming magagaling na player) yung ibang teams, pamparami lang at nagiging farm na lang ng SMC at MVP. hanggat ganyan ang systema hindi na makakabawi ang PBA.
@karlomagnoguadalupe48435 ай бұрын
Dati masarap panoorin Purefoods, Shell, Sta.Lucia, San Mig, Ginebra at Alaska medyo competitive pa dati pero ngayon rinig ko San Miguel na lang o Ginebra 😅
@karaski Жыл бұрын
May 5-6yrs na kong subscriber ni WGPH. Halos every year, may 1 or 2 videos na ginagawa si WGPH about dito. Ramdam ko ang concern n'ya sa pinakamamahal nating liga, na masakit mang aminin, ay palubog ang trend. :(
@monchzaw4383 Жыл бұрын
mag upgrade na dapat pba parang kbl at japan b league ganun ang gayahin nila.para sa fans hindi para sa kapakanan lang
@karaski Жыл бұрын
@@monchzaw4383 tama po kayo sir. Oras na para magkaron ng mga bagong format, rules, or anything na makapagbabalik sa interest ng fans. Tulad nga ng sabi ng ibang team owners at coaches, reporma din sa salary cap at player contracts ang kailangan. Parang 2001 pa yata yang 420-450k na max contract sa PBA. One and done sa college players, number of imports at ang sahod nila, etc. dapat repasuhin na din.
@mavz....9076 Жыл бұрын
@@monchzaw4383 malabonyan .d approved yan ng smc at mvp..ayaw nila malamangan ..kulelat nga sila sa ibang liga
@karaski Жыл бұрын
@@mavz....9076 tama ulit, at isa pa yang sa mga malungkot na katotohanan.
@lincubus25 Жыл бұрын
The problem is already seen during games, Farming and Imbalance sa Teams. Kaya yung mga young prospects natin would rather play abroad.. I'm Happy that Alaska left kasi alam nila what was coming..
@nicosangalang8056 Жыл бұрын
Magsabe ka ng ligang balanse ang mga teams. Wait ko sagot mong kengkoy ka.
@caloyp44748 ай бұрын
best comment by far. no other big reason but this one.
@joberteulatriz634 Жыл бұрын
Mas maganda pa panoorin MPBL... Laos na panoorin pba .. alam naman natin kung sino sinong team ang papasok sa final...
@Trivia-ph Жыл бұрын
ulit ulit nalang e HAHAHAHA
@yuangaming3783 Жыл бұрын
Hindi rin. Sakit sa mata laro sa mpbl
@jcjarerbing Жыл бұрын
Ah talaga laos? Peronnonood ka pa din
@edwinvibar981 Жыл бұрын
😂😂😂😂😂
@NobodysExist Жыл бұрын
Mpbl seriously? Parang inter. Brgy lng Naman laruan dun ehh. Kaya puro NBA pinapanood ko. Para iwas sakit sa mata.😅
@BAZINGA1724 Жыл бұрын
if PBA like this *home and away format (magnolia laguna hotshots) *transparency salary *balance trade *1 season (2023-24) *no height limit imports *atleast 2 imports *asian imports *naturalized player as a local *add teams *2 division (south and north) *foreign coach
@EugeneRizCrispo Жыл бұрын
Useless ang asian imports mas mabuti foreign coach.
@BAZINGA1724 Жыл бұрын
@@EugeneRizCrispo yun papala foreign coach
@BAZINGA1724 Жыл бұрын
@@EugeneRizCrispo asian import for marketing strat. lng
@EugeneRizCrispo Жыл бұрын
@@BAZINGA1724 magiging useless pre. Mas mahusay homegrown natin. At ung mga mahuhusay talaga na foreign asian players d yan ata pupunta sa atin
@BAZINGA1724 Жыл бұрын
@@EugeneRizCrispo sa ngayun oo di tlaga sila magkakainterest lalo ang ganda ng mga liga nila compare dito pero malay natin pag naging ganto yung PBA katulad nung mga sinabi ko sa taas
@overseasfilipinoballers6655 Жыл бұрын
PBA has the same business model as the NBA. The products are the "superstars" You come to watch live because of the "stars" like Big game James, Mark the Spark, the Captain Alvin Patrimonio, the Flying A, Kraken, the Beast, TR7 and many more. Since lahat ng stars kinuha ng iilang team lang sa PBA dun lang din napupunta ung interes ng manunuod, at medyo nadidismaya naman ang iba dahil hindi rin maganda na magkakasama sila sa isang puder. Kaya it makes sense na madami pa din nanunuod Ginebra vs these other teams like Magnolia, SMB and TNT kasi ung tatlong yan may "star" power pa din. Imagine if Terrence was still with Globalport/Northport franchise, for sure madami pupunta to watch their games live. or these other stars na bigla nalang pinitas. Pero since wala at nahihirapan sila maka create ng winning environment, hindi nalang din sila sineseryoso ng mga fans, kaya walang fanbase. No fanbase = low gate attendance and syempre other factors pa as to why nalulugmok ang PBA.
@trekz2418 Жыл бұрын
MPBL is the best league of the Philippines.. PBA is the business..
@tars8275 Жыл бұрын
May point ka naman.. Pero sa NBA kahit yung pinaka-mahinang team ay marami pa rin nanonood kapag homecourt nila. Malaking factor sa gate attendance yung "homecourt advantage" sa NBA. Yun ang isa sa wala ng PBA.
@overseasfilipinoballers6655 Жыл бұрын
@@tars8275 Kasi nakapag build na nga ng "fanbase" kaya may loyal supporters na din aside from homecourt representation. Detroit Pistons for example, minsan may games na mababa attendance nila pero syempre dahil nagkaron narin sila success kaya may loyal pa din na supporters. Pero etong mga farm teams hindi nila magagawa talaga yan kung panay rebuild. Walang nagiging fanbase ang panay rebuild.
@nestpaul356 Жыл бұрын
@@tars8275hindi lang gate attendance. Lahat ng team may kanya kanyang tv rights sa local city, advertisement at product sales kaya malaki talaga kitaan sa NBA per team.
@SK4RMM Жыл бұрын
HAHAHAHAHA PATAWA @@trekz2418
@makii2991 Жыл бұрын
Solusyon dito is magkaroon ng designated provinces ang bawat team. Home/Away format. Ang MPBL hindi naman ganun kasikat at di naman ganun kakilala mga players madami pa din nanonood sa mismong venue. Kahit karamihan ng mga nanonood di kilala mga players. Kase nandun yung excitement eh. Yung team ng probinsya ko (let say) is naglalaro malapit lang samin. Who knows di ba magkaroon na talaga ng solid fan base ang bawat team sa future. Kahit mga di kilalang teams magkaroon ng mga fans. Lets say sabihin na nating magastos ang ganung format. Kahit naman sabihin natin yun pwede namang dito lang muna sa luzon yung mga teams. Tapos kapag pumatok sa taong bayan yung ganong format and sa future makapag generate ng malaking profit ang PBA, mag expand sila sa visayas at mindanao. Kahit central luzon to BICOL region lang mga teams diba. pero ang PBA sa tagal tagal nang nandyan, pera pera na lang talaga. Kase sa tagal tagal ng PBA wala pa din pagbabago.... SMB at MVP lang ang kumikita
@rigel6592 Жыл бұрын
Tama, ang sarap pakingggan, Barcelona vs Real Madrid, Boston vs Los Angeles, Fenerbahce vs Galatasaray, or Davao vs Manila. Sa PBA, Talk nText vs San mMiguel, ano ipaglalaban ng fans, sim at inumin?
@jeseryllbranzuela7076 Жыл бұрын
Di rin cguro ganun ka dali pag home and away games na ang PBA medyo mabusisi cguro yan,pero posible namn cguro.
@yeonwooshusband6086 Жыл бұрын
@@jeseryllbranzuela7076pero bat kaya ng mpbl? subsidized ba yung liga na yun?
@cadimarucut7724 Жыл бұрын
@@yeonwooshusband6086 Back up by Politicians and Bussinessman ang mga nasa likod ng teams and Provinces and city mismo politicians ang may ari.
@yeonwooshusband6086 Жыл бұрын
@@cadimarucut7724 ah kaya pala
@rsnald Жыл бұрын
i used to watch PBA regularly from my high school days -- witnessed the toyota-crispa dynasty, to great taste, purefoods, tanduay, then alaska, swift, etc... naputol lang for a while then got back again nung petron days, magnolia, and even rain or shine dahil gusto ko yung dog mentality nila... palaban kahit wala masyado superstars. but lately, nawalan nako ng interest sa PBA. mag gusto ko pa manood ng amateurs like UAAP and NCAA. mas exciting.. mas unpredictable. yung kulelat na team nakaka silat pa din ng top teams, and parang full throttle lagi ang pace, pero pahirapan maka score. raw talent and courage -- siguro dahil mga bata pa yung mga players and theyve got nothing to loose kaya all out sila. plus the pride of playing for their respective schools no matter the odds. sana ibalik sa PBA yung rule na madistribute yung mga stars among the teams. yung di pwede masyado madaming superstars sa isang team. para medyo mabalanse. and sana i-modernize yung system of play... napag iiwanan na tayo sa play system. pilit nating ginagaya NBA style eh ang liliit natin. and most importantly, sana eh ma improve yung grassroots program ng basketball overall either thur SPB or with the help of the PBA team owners. start early, sa elementary schools pa lang. para maka generate tayo ng players na magiging competitive sa international competition and pati na rin para sa local leagues, be it the PBA, MPBL, or PSL.
@Linkcast12 Жыл бұрын
Proud SMB fan ako simula nung late 80s pa. Idol ko si Don Ramon... pero lately hindi na din ako nanunuod ng games kahit sa TV. Maraming factors ang rason at tama ka sa mga nabaggit mo, maidagdag ko lang, nung araw mga binatilyo kagaya namin wala pang phone... Basketball ang pasttime... kaya nung nagkatrabaho ako natuto nako manuod sa Cuneta Astrodome pa nga nun, sa Ynarez at syempre Araneta... fast forward... marami na pinagkaka abalahan mga bagets... ndi na priority sports sa labas ng bahay. Then... internally sa Liga mismo... huling panuod ko na naffeel ko pa excitement tuwing naalala ko is yung Beeracle... Bittersweet un kasi bago nun may Petronobela... Akala ko masasayahan na ako nasa amin na malalakas na players pero... ang mindset ko tuloy... tsaka na lang ako manunuod pag semis or fnals na tutal papasok naman sila sigurado... hanggang eto hindi na talaga ako nakakapanuod.
@adrianbangod14710 ай бұрын
Nag champion Kasi smb mo Kasi lAhat player all-star smb vs Lakers tignan natin Kaya bang manalo team mo
@gilbertvalerio5950 Жыл бұрын
1. Lopsided trades kaya hindi na balance ang liga. 2. Hindi nasusunod ang salary cap 3. Dapat tanggalin na ang farm teams na Terrafirma Blackwater at Northport 4. Mag invite ng mga foreign teams like Bay Area Dragons at iba pa sana. 5. Magdagdag ng maraming independent teams kagaya sa MPBL parang NBA style ang format may Eastern Division at Western Division. 4. Magkaroon ng out of town games. 5. Fair officiating sana
@MasterKelvs Жыл бұрын
Nawala din kase yung mga solid Gatas Republic 💔
@potatomaster-jj1or Жыл бұрын
Politika sumisira sa liga. Dami kailangan ayusin sa PBA. imbis maayos mas lumalala yung problema sa PBA kaya nawalan ng gana manood mga tao. Bat ka nga naman gagastos ng pera kung alam mo na smc or mvp teams nanaman maglalaban sa finals at mag chachampion. Kya mga tao na nagsawa sa nangyayare sa PBA paulet ulet lang. bulag bulagan officials ng PBA. alam nilang nabubulok na paunti unti yung liga. Kaso wala sila magawa kase magagalit mga boss nila pag pinigilan mga unfair trades, pag lipat ng mga star players sa mga super team. Yung PBA umiikot nalang sa SMC at MVP teams. May mga sister teams na nga sila may mga farm team pa🤦👎 kawawa mga independent team nasasayang pagod at gastos nila. Napag iwanan na yung liga nawalan pa ng suporta sa mga fans. Ginebra fans nalang ata masaya sa PBA. dahil palakas ng palakas team nila😂
@defnotsmoj6760 Жыл бұрын
Simula nung kinuha ng smb yung #1 pick na dapat sa global port at yung trade at di rin pabor sa global port. Dun pa lang di na ako nanuod. Ano pa ang point ng competition kung kinukuha ng malalaking kumpanya yung mga na dapat na magbabalance sa liga in terms of talent?
@animepug8159 Жыл бұрын
Siguro hanggang imagination at pangarap nalang makita ang PBA na magkaron ng Home and Away format na kagaya ng sa MPBL. Nakakalungkot lang.
@ecato307 Жыл бұрын
Pag ng yari yun kaylang bumili/pagawa ng may ari ng team arena nila. Dahil private na liga sila, hindi kaya ng ibang team yun. Hindi mo ren naman man suoortahan yung team pag na nood ka ng live. Kasi base sa sale ng mga products binibili ng mga tao.
@Elpi-q8t Жыл бұрын
@@ecato307why not. Bilyonaryo sila
@RobinNeilOcliaso Жыл бұрын
Di nila gagawin yong home and away Dahil may pinang hahawakan Ang malalaking team na dynasty like smb at bgsm
@blackwingz0910 Жыл бұрын
@@ecato307bat kailangan eh pwede naman nilang upahan yung arena at makipag-partner sila sa mga local government
@JDTheKobe24 Жыл бұрын
@@ecato307 suportado yan ng community tulad ng nba at nbl. pde hati ang local govt at team since makikinabang ang community sa trabaho and economic activity na dala ng team
@cayananyuri5449 Жыл бұрын
grabe we call ourselves the best Basketball Nation/Best Basketball Crowd pero sa sariling liga natin hindi natin maipakita. Dahil nga sa mga dahilang ito. Sana mabago na ito habang hindi pa ganun kalayo ang gap ng ibang liga ang sa sa PH basketball, kundi mapag iiwanan talaga tayo.
@sophiesacaben Жыл бұрын
di naman natin kasalanan un, consumer tayo bakit tayo ang mag aadjust
@RVG2024 Жыл бұрын
Dahil na rin sa social media likes youtube highlights at FB live...sa karamihan mas ok pag manood sa cp kesa manood ng live na matraffic ang venue...at dati Cable tv lang mapapanood lang pag di live...ngayon may social media na... At alam na or predictable na kung sino papasok sa semis at finals...
@ensiel47388 ай бұрын
Very true. Sa NBA naman ganun din pero marami parin nanonood ng live. Siguro dahil mas malaki talaga population sa US kaya marami't marami parin manonood. Higher quality basketball rin in general. Dito mas maliit ang population, traffic po pumunta sa mga venues, financially constricted narin karamihan, and gaya nga ng sabi mo youtube and social media so dun nalang manonood libre pa. Wala na nga talaga halos incentive pumunta sa actual games.
@jasperejercito8639 Жыл бұрын
1. Parity sa liga...kilala natin ang pinoy mahilig sa underdog stories, kaya kung paulit ulit yung team na nananalo at lumalakas at yung bottom teams pahina ng pahina dahil tinetrade yung mga potential player/s na pwede mag angat sana sa kanila ehh lalamya talaga ang fans, kasi predictable yung na yung contenders eh 2. Byahe, kung taga probinsya ka at araneta pa ang game on a weekday, 3pm mostly or 4 ang 1st game tapos 8pm ang 2nd game, babyahe ka matatrapik gagastos pamasahe, sisiksik sa tren o bus, eh talagang di ka na lang manonood sa venue ng live. Lalo na kung papasok ka pa kinabukasan. Kaya madaming live audience ang MPBL, home team syempre malapit sa kanila ang venue tapos libre pa ang tickets madalas tapos minsan hagip ka pa ng camera, or kababayan mo naglalaro or dating pba player. May puliiitiko/celebrity pa.
@jvespelita7497 Жыл бұрын
THIS IS THE RESULT OF NOT LISTENING THE ADUIENCE ANG MALI LANG TALAGA DI NAKIKINIG NG MGA HINAING NG FANS ANG PBA KAYA AYAN NABUBULOK NA 😢
@jeseryllbranzuela7076 Жыл бұрын
Baka later mag disband na yang PBA
@Jakoleroking Жыл бұрын
Pera pera nalang importante sakanila e ginagawang tanga mga fans
@ruitobashi1672 Жыл бұрын
Di naman kasi boss ni comi ang fans kaya wala siyang naririnig
@OnieBoyPlantilla Жыл бұрын
it is the end for the PBA, mali kasi palakad yung nahawak kasi ng PBA e pera lang tinitingnan. Sana sa una pa lang they limit na yung sister team sana sa isang corporation 2 teams lang max. People rather watch MPBL kesa naman PBA na sobrang bias.
@angelheretic2190 Жыл бұрын
Bilang isang professional player at coach dapat alam nila at tanggapin nila na meron talagang malalakas na team kahit sa NBA May ganyan pero uulitin ko bilang isang professional do your best para matalo sila, practice practice practice. Wag ng umiyak
@swishboy Жыл бұрын
Swerte ko at naabutan ko yung kalakasan ng PBA lalo na sa attendance under Comm Noli Eala, balanse at walang lopsided trades na nangyayari. Pati mga commentators, sila late sir Ed Picson at Mico Halili. Nag umpisa kay Narvasa yung nauso na ang farm teams
@alfredolauredo8839 Жыл бұрын
Tama kc c kommi Ngayon tuloy lang sa mga trade khit d nman dapat my Pina paboran ata
@tars8275 Жыл бұрын
Tapos pati mga commentators ngayon sa tv walang buhay. Nakakawalang gana manood. Last ko ginanahan manood dahil sa commentators noong active pa si Magoo Marjon.
@PSXBOX-lz1zq Жыл бұрын
the best parin ang pba of the 90's. lahat may chansang mag champion.
@ReactRight0211 ай бұрын
Suggestion lng po baka makatulong. 1. E abolish nyo na po ang 3 conferences nakaka umay na po. 1 season nlng para yung games my suspense po kasi pag restart ulit nang bagong conference parang back to zero. Try nyo 55 games para my suspense sa fans kng makaka pasok ba sa playoffs ang team nila. 2. Maximum 3 imports sa lowest seed teams to seed teams 2 lng no height limits pero maganda 1 frontcout at 2 backcourt. 3. Invite teams and let the be eligible for awards 4. Pa kuntiin nyo lng po yung fee as of now para yung mga malalaking businesses mka pasok po sa PBA lets say target kayo nang 8 teams pag na hit nyo yung quota nyo abolish sister teams. 5. Back to zero if ever maka buo ang PBA nang 20 local teams. Each team na currently anjan sa PBA they can protect 5 players of their choice tapos yung iba magiging free agent at mag draft ulit. Para my chance yung mga bagong team maging competitive. No hard feelings opinion ko lng po to 😅
@CySalazar-d2q Жыл бұрын
Some of the best talents are also no longer aiming for the PBA and nasa mga ibang bansa na like Japan, Korea, etc. isang factor din na wala ng mga rising young talent na aabangan sa PBA kaya di na kakaexcite kasi nag silaroan na sila overseas which is the best decision para sa career nila sa basketball
@Str8frm Жыл бұрын
Legit , Ginebra fan ako since kangkong days; lagi din akong dumadayo pa sa Cubao, MOA or even Ynares para lang manood ng live. Nawala talaga interest ko sa Team simula nung Stanley Pringle Trade. Biruin nyo, kaka champion lang ng Gins nun vs Balkman & SMB tapos nakakuha pa ng Star Player na kaposition pa ng FMVP (ST) . Tapos sunod-sunod na yung lopsided trades; Art, Chan, Gray, Standhardinger even Malonzo (that time di pa talaga match yung trade). Hanggang sa nawala na yung essence ng team; yung NSD spirit, HALOS lagi na kasi silang surewin haha
@joemarmercado7131 Жыл бұрын
Kakamiss yung panahon na mahirap pumili ng favorite team, lahat palaban
@mjctvdororo9871 Жыл бұрын
Now kse MVP msc company Ayun gingwang mukhang pera mga malalaks na player hahaha para pmunta sa knila
@PinoyThaiFamily Жыл бұрын
Grabe talaga nung 90s.. pag nanunuod kami. Bago makapasok talagang sikuhan. Minsan sa hagdan nalang kami naupo.
@pesiganfrancisluisd.1461 Жыл бұрын
Yung 4pm and 8pm gametimes is a joke. Tsaka parity sa competition. Dapat may changes na ang PBA para dun. Solid video Parekoy! PALITAN NA SI MARCIAL, HE'S A DUMB COMISSIONER. Si Jai Reyes nalang comissioner ng PBA.
@tars8275 Жыл бұрын
Kung gagawing one ticket = 2 games baka mas dumami ang manood. Sulit na sulit ang ticket non. Maeenganyo ang tao. Kaso malabo yan kasi "kita muna, bago service sa costumer" policy ng PBA. 😅
@kosamototv163 Жыл бұрын
@@tars8275 ganon naman tlga ah? 1 ticket 2 games, hindi ka pa ba nakapanood ng PBA LIVE kaya di mo alam??
@adcwildriftgameplay Жыл бұрын
@@tars8275hahaha di pa yata nakapanuod si boss ng live hahaha
@pesiganfrancisluisd.1461 Жыл бұрын
@@tars8275Kaya lang applicable ba yan kung 4pm and 8pm ang gametime?
@generaliwunnrbg6855 Жыл бұрын
dapat si yeng yao amg comisioner para ma control yung pag trade ng stars sa malalakas na teams
@mikkodeloyola6286 Жыл бұрын
Mas masarap tlga manuod dati. Nawala kasi ung thrill sa laro. Tulad ko long time ginebra fan. Dati sobrang kabado ako kapag kalaban ng ginebra ang redbull dati. Ganun kalakas ang ibang team dati. Kaya kapag alam mo malakas ang team n kalaban ng team mo mapapanuod ka tlga para sumoporta kasi ayaw mo sila matalo. Ganung thrill ang nawala sa pba ngaun. Pera pera tlga kasi ang malaking dahilan sa lahat ng toh. Nkakahiya tlga ang pba ngaun. Mas masarap p manuod ng mpbl ngaun dahil sobrang daming tao kapag pupunta ka sa venue. Andun kasi ung thrill ung tipong di mo alam kung sinu mananalo. Un kasi ung masarap sa panunuod ng basketball kapag live. Ibang energy tlga. Hayzz pba plss umayos n kau.
@itsejyehey Жыл бұрын
Same! Haha naalala ko sila Tugade at Pennissi haha
@OKHOBROSICLI-ph Жыл бұрын
Solid Parekoy as usual🎉 Para sakin ang hindi balanseng competition talaga parekoy. Sana add ng teams lalo na yong mga malalaking company.
@pats1836 Жыл бұрын
Dati very entertaining at competitive pa ang Liga. Napansin ko lang wala na masyadong players na exciting panoodin dati kasi Dami Samboy, Asaytono, Danny Seigle, Danny ildefonso, Meneses, Duremdes, Marlou Aquino, Caguioa, Helterbrand, Menk, Hatfield, Willie miller, Ali peak, Asi, Arigo, Paras, Limpot, Val David, Locsin, Cariaso, Hontiveros, Velasco, Vic Pablo, Racela, Gary David, Joseph Yeo, Kelly Williams, Alapag, caidic, Jawo, Fernandez, Alvin Patrimonio, Lastimosa, Bong Hawkins, Pingris, Simon, Enrico Villanueva, Junthy Valenzuela, Noy castillo, Tugade, James Yap, Arwind, Pena, Gary David, Ranidel, Kerby Raymundo, Cyrus, Canaleta, Chris Ellis, Jason Castro, Japeth at Tenorio (wala na ksi sila Castro, Japeth at Tenorio sa prime nya)sila ung ilan sa player na malakas humakot ng fans noon ngayon kasi parang konti na lang Fajardo, Romeo, Japeth, Malonzo, Tenorio, CJ Perez, Pringle, Scottie Thompson ang hirap makaisip ng player na madami talagang fans sa ngayon isa Rin siguro sa reason kaya humina Pba nabawasan sila ng mga players na bukod sa mahusay ay malakas charisma sa tao ung exciting panoodin bukod pa sa masyado ng imbalance ang lakas ng bawat team sa Liga dati kasi Dami ngang kaabang abang na players ngayon parang konti talaga e sila Abando, Sotto, Ramos, Kobe Paras, Edu sana e kaso di sila dito naglalaro. Dati pagnanonood ako ng Pba very festive may paki ang tao ngayon may paki na lang tao kung ginebra may laro dun lang tinatao
@kurosan0079 Жыл бұрын
College ball and MPBL are just more fun to watch. Mas ramdam mo yung atmosphere.
@havoc3478 Жыл бұрын
Tama 💯💯 at mas okay sa MPBL at College kasi wala masyadong lutuan
@martini9779 Жыл бұрын
simula ng nagkaroon corruption sa pba di na q fan nila, pinaka nkka disapoint yung mga player na di pinapahiram sa international, ang gulo ng sistema nila syang tlaga games na pwede mka kuha ng gold kung full force
@madaragrey2658 Жыл бұрын
Home and away format talaga
@arnoldlopez2877 Жыл бұрын
Straight to the Point dapat Boss,in short Hinde na kumpetisyon Ang Gusto na PBA. ACTUALLY boss Matagal na issue at problema na yan..Minsan parang niloloko na nga naten ang sarili naten na Okay pren Ang PBA... noong....90's era😢😢😢
@johndhammer4570 Жыл бұрын
lopsided trades, tawagan nang mga corrupt na referee’s, farm teams, may salary cap pero may under the table na bayaran na nangyayari kaya umalis nadin ang alaska dahil sa gonoong kalakaran, ang daming conference plus isa lang yung import na pwede naman 2 or 3, politics sa mga commissioners, politics sa drafts picks, mahal na tickets, may marami Nang league na mas maganda sa asia katulad nang B League sa Japan, kulang yung mga teams sa pba, manipulation sa mga players nang mga team owners and commissioners, walang province na ni re-represent kaya mga tao hindi masyado interested dahil companies name instead sana lagyan ng mga probinsya sa harap na ni re represent katulad sa mpbl. Plus isang kadamakmak na corruption and pamomilitika!😂
@michaelchristianbondad6273 Жыл бұрын
Boss Warren, good pm. Ubsolicited advice, baka pwede kang maging part ng marketing team ng PBA. Naibenta mo nga yong sa channel mo sa KZbin eh, siyempre, possibly matranslate mo iyan sa PBA.
@lancepantua8397 Жыл бұрын
Dahil lang nmn sa gins kaya akala ng mga namumuno sa Pba madami pang nanonood
@dxbgaming4813 Жыл бұрын
Naalala ko dati bata palang ako mahilig na ako manood ng PBA, siguro 10 years old pataas sa PBA tutok na ako hanggang sa maka graduate at trabaho, pero ngaun may pamilya na ako wala na ako oras. Ang napansin ko lang ang mga kabataan ngaun di sila talaga nanonood ng PBA, mahilig sila maglaro ng Basketball pero di sila mahilig manood, ang tv at gadgets para maglaro at manood ng kung ano ano.
@MichaelSacamos Жыл бұрын
What if PBA has a Regular Season? Salihin mo ang TOP 2 TEAMS mula sa iba't ibang Liga sa Pilipinas like... Comms/Govs Cup: BRGY. GINEBRA at TNT TROPANG GIGA MPBL: BACOOR CITY STRIKERS at PAMPANGA GIANT LANTERNS PSL: DAVAO OCCIDENTAL TIGERS at CAGAYAN DE ORO HIGALAS VisMin Super Cup: ZAMBOANGA VALIENTES at BOHOL DOLPHINS NBL Pilipinas: TAGUIG GENERALS at LUID KAPAMPANGAN AsiaBasket/FilBasket: AICC MANILA at NUEVA ECIJA CAPITALS SINAG LIGA ASYA: MALOLOS REPUBLIC at DON PACUNDO SEALIONS Ang rules ay DOUBLE ROUND ROBIN (HOME and AWAY ang format), ang PLAYOFFS ay Best of 3 sa Quarter Finals (no TWICE TO BEAT advantage), Best of 5 sa Semi Finals at Best of 7 sa Finals sa huli, yan ang itatanghaling PBA SEASON CHAMPION... 🤔🤔🤔
@iamsupermac5914 Жыл бұрын
almost decade na ko hindi nanunuod ng PBA, sa totoo lng kung magsasabay laro ng Japan o korean league?? mas dun ako manunuod, dahil una may mga pinoy na din naman dun na naglalaro at mas maganda ng di hamak ang sistema nila dun, siguro babalik lang ako manuod ng PBA kung.. magiging balanse na ang lakas ng bawat team, mas dadagdagan ang teams, aalisin ang height limit at dumami ang mga bigman, magpapasok ng maraming mahuhusay na foreign coachs, gawin na din dalawa ang imports sa bawat team, maging local players na ang mga naging naturalized players at pwede lang kunin ng mga independent teams as local player, magkaroon na dn ng mga asian imports😘😘
@smurfaccnt4135 Жыл бұрын
maganda mga point mo idol. bukod sa internal problems ng pba is yung competitor nila sa mga live games ng ibang liga within metro 1. Volleyball 2. UAAP Kahit magkaiba ang time slot kung millennial ako mas pipiliin ko tlga mga ganyang liga. Madami nadin nagnanakaw ng live feed sa liga. na nanlilimos gamit gcash. So hindi na magkaka interes ang tao manood ng live. kase may mapapanood nmn sila sa social media. I hope pba can manage this problem dahil kahit ano pang sabihin natin. sila padin ang pinaka mataas ng liga dito sa pinas pagdating sa Basketball.
@jeffersonrazonable66959 ай бұрын
Mas maganda talaga makipag tandem nayung pba sa mpbl para mas umano pa tao marami nood kasi. Smb genbra tnt lang chachampion kakaumay din paulit ulit na lang chachampion
@moykitheexplorer1017 Жыл бұрын
Nanood ako s TV ng TNT at Terrafirma naawa ako bigla s PBA napuna ko tlga na walang tao s venue. Parang hnd PBA lamang p liga ng barangay.
@tars8275 Жыл бұрын
Buti pa ligang brgy dinudumog e. 😅
@leonelldelacruzleongrinder7899 Жыл бұрын
@PBA sana makinig kayo. Ampanget nga naman tignan mapa TV sets or live maraming bakanteng upuan. Need na mag innovate ng PBA. At tanggalin ang pulitikahan sa pagiging imbalance ng liga
@kzne1213 Жыл бұрын
Dapat na kasi mag merge ung pba teams at saka ung metro city sa buing bandsa para dumami ung crowd like the MBA before. Before kulang sa budget ung MBA kaya nabuwag, eh ngayon kung meron support sa mga mayayaman na may ari ng mga companies eh d mas ok ung game, good business pa sa mga may ari ng teams.
@kreyzee69 Жыл бұрын
IMO ay isinasabay kc ng PBA season sa NBA, ang laki kc ng kaibahan ng panonood sa NBA saka sa PBA in terms of talent. Noong 80's, 90's ay walang masyadong ipinapalabas na mga NBA games, kng meron ay sa Finals lang at pag sa regular NBA season games e delayed telecast pa. Ngaun with technology e any time and any place ay may access tau sa NBA so parang pagdating sa panonood PBA e medyo boring na. Cguro ang magandang gawin ng PBA para bumalik ang viewers ay; 1. Hwag isabay ang PBA season sa NBA season. 2. Ibalanse ang talent ng teams at iwasan ang super team. Kada team ay may superstar para mas marami ang supporters ng kada team. 3. Lipat muna ang PBA sa smaller venue na very accessible sa mga fans at pag semi finals at finals e sa malaking venue sila maglalaro. Mas masarap manood pag mas malapit ka sa court. Karamihan ng fans ay hndi kaya ung presyo ng ticket sa lower box at ringside kaya sa upper box sila pero malayo na sa court so kng malayo sa court e manood nlang sa TV. 4. Pagandahin ang scheduling ng games. Kung 2 games na medyo alam ng lopsided ang resulta ay walang manonood. Noong nag start akng manood ng PBA noong 1985 e parang gusto mng panoorin lahat ng laro kc may kanya kanya silang superstar. Ang Ginebra ay may Jawo at Arnaiz, Great Taste ay may Ric Brown at Manny Vicrorino, Tanduay ay may Abet Guidaben tapos na trade kay Mon Fernandez , Ang Shell ay may Bogs Adornado, kung baga lahat ng teams noon ay may 2 superstars kaya bawat team ay may kanya kanyang silang mga avid followers.
@asdfghjkl9254 Жыл бұрын
Ito halatang hater talaga ng pba. Sige isipin mo nalang yung mga games ng pba dalhin mo sa mga venue kung saan naglalaro ang mga mpbl teams sa tingin mo di magkaka interesado manood ang mga tao? Pag talaga wala pang nanood jan doon natin pwede sabihin nawala na ang interest ng mga tao sa pba, di yung puro hate kalang sa pba. Tsaka tignan mo nalang views ng mga highlights sa youtube wala bang views? Tapos sabihin mo nawala interest manood
@michaelchristianbondad6273 Жыл бұрын
Personally, nagustuhan ko na Phoenix dahil kay tio, encho serrano kaso nawala si encho. Need ng PBA ng mga ganong players para may iroot kaming mga fans. Haha Kaso sila RJ nasa Ibang liga. Haha.
@Jamal129Ameen Жыл бұрын
Nakakalungkot talaga mas tinatangkilik ng karamihan ang mga liga sa ibang bansa gaya ng nba at kbl, kesa sa. Sariling atin. Kahit papanu naman cguro may maiiambag at maitutulong sa ekonomiya ng bansa kung marami ang nanonood ng mg laro live.
@alexcajes2291 Жыл бұрын
gawin kasing area-based ang liga para may pride talaga na paglalabanan. napakalaik kasi ng Pilipinas para sa iisa o dadalawng lugar lang yung mga laro. gaya ba ng ginagawa ng MPBL. Ilapit sa mga tao yung liga. At minsan din sana makinig din ang liga sa hinaing ng mga fans, kasi aside sa mga ads from the network kung saan ipapalabas ang mga laro, kumikita din sila sa mga fans.
@oeldave Жыл бұрын
Puro filam ba naman, at saka wala pang pumalit kila James Yap at Caguioa as “face of the league” - Need ulit nila ng guest team like Bay Area - Or yung champion sa MPBL invite nyo sa all filipino
@mlmagz Жыл бұрын
Baguhin ang PBA, reset at wag na yung may sister teams sa liga di nakakatulong yan. Ayusin yung mga trades hindi yung lopsided kasi nakakawalang gana para sa independent teams masaya lang yung fans ng lumalakas na teams. Transparent din sana yung mga sweldo ng players kasi yung ibang teams sobra sobra na kasi nga mayayaman halimaw na sa mga top picks kukunin na lahat kaya imbalance talaga mga teams nakakasawa na tingnan kasi schedule pa lang titingnan alam na sino mananalo hayyystttt. Proud pa ba team nila na champion? Eh predictable naman na nasa SMC or MVP ang mananalo ng championship. Baguhin a lang liga SMC vs MVP tig sampong teams gawin nila marami naman sila pera padamihan ng championship... #resetPBA
@sophiesacaben Жыл бұрын
Opinyon ko lang naman... Ginawa nyo kasing teleserye ang PBA, parang Ginebra lang ang team. tapos ung iba kalaban na, kontrabida kumbaga.. pati mga announcer halatang pabor sa Ginebra, nkakaumay. Mas pinagkagastusan ko pa magsubscribe sa NBA League Pass kesa sa mga local players. Dati fan na fan ako ng TNT Alapag & Taulava time, kaso waley na... Wala man lang homecourt advantage, dapat kasi ginawa nyo na lang na per lugar, para nakakaproud naman sa homecourt, parang NBA lang.. palubog na ng palubog yung PBA. kakaumay na actually, gawa na lang kayo ng teleserye yung mala batang quiapo, tapos bida lahat ng players ng ginebra HAHAHHHAHAHAHHAHAHAHHAHA
@armandobandola862 Жыл бұрын
Iba talaga ang atmosphere MBA noon Kung hindi lang yun na wala napaka saya sana ng basketball sa buong Pilipinas
@extrarisers Жыл бұрын
nung nauso yung binibigay ng mga mahihinang team nila yung star player nila sa malalakas na team dun nagumpisa ang pagkawalang gana ko manuod ng pba, saka halata naman na pera pera lang kasi kung ikaw nagpapalakad sa pba hahayaan moba na yung star player ng mahinang team e ittrade sa malakas na team, san na ang kumpetisyon dun. good old days yung nagchachampion red bull, sta lucia, alaska at nakapasok pa dati air 21 sa finals, ginebra fan ako pero mas basketball fan ako, competition is always good, yung mga fans nakikita nila yung competitive spirit ng mga players, kaya kung nakakakita sila ng intensity mas gaganahan manood pero dahil wala ngang competition wala na din gana manood mga tao.
@techbhoy121 Жыл бұрын
nawawala yong excitement pag alam mo na kung sino naglalaban sa dulo, walang balanse kasi, nagsawa na din d gaya noon talagang sikat pba
@donstv6071 Жыл бұрын
isa ring factor eh yung venue, luma na at hindi nakaka aliw ang venue lalo na yung sasaya ang tao lalo na pag half time break, walang mga L.E.D screen ang paligid ng venue para masaya ang environment ng games.
@BSEDSSLorenaMichaelA Жыл бұрын
Hope for PBA-MPBL merger pra magkaisa at magkaroon na ng homecourt plus more sponsors at buwagin na ang farm team. Rules na kda company isang team lang pra wlang bias.
@gonzalesdohnrryhrc Жыл бұрын
Home and away court (sa probinsya o mga city ilagay) Atsaka yung oras... sino ba naman ang nag tatrabaho (working) na makakapanood ng live ng 3pm or 4pm ng hapon.. maganda i-adjust kahit 6pm first game para may makapanood!
@MarGwaffingzz Жыл бұрын
Gawan nila ng promo yung mga ticket lalo na kapag di sikat yung team.Itie up nila sa produkto or services na inioffer ng mga companies! Ifree na nila ang general admission at pwede ba, wag o.a. ang presyo ng pagkain sa loob🤦♂️ yun yun eh kaya ayaw manood ng mga tao! ginto presyo ng pagkian sa loob😅 Free entrance gen admission ewan ko lang kung di dayuhin yan. pag wala pa ring nanood, yung commisioner na may problema dyan😅
@danalvin29 Жыл бұрын
Para sakin Di na talaga ganun Ka worth it manood sa venue ngayon Ng PBA Di Lang dahil sa oras, layo at schedule. Pag regular game Kasi lalo na Ng mga independent teams alam mo wala masyadong star players. Mas convenient na din manood online. Pati napaka panget na talaga Ng sister team system sa Liga, pasahan Lang sila Ng magagaling na player at sa kanila na pupunta mga best young talents din after Di na Kaya bayaran Ng nag draft na team or gusto talaga sa SMC team lumipat
@psychodepth4636 Жыл бұрын
sana may tour sila luz to mindanao para maraming manood. isipin naman nila mga fans na malalayo na gusto makakita sa knila live.
@jackymamansag8401 Жыл бұрын
Congrats sa 1M subs idol!! I'm watchinh since below 100k
@robo-james2330 Жыл бұрын
Ang problema talaga na nakita ko sa PBA is low stakes na yung finals, hindi katulad dati na dumadagundong talaga yung arena kahit semis at quarterfinals pa lang kasi may stake yung nilalaro nila, at well dispersed yung mga superstars sa kada team. Isipin mo sa isang taon 3 seasons meaning 3 champions, di katulad sa NBA 1 year, 1 champion, kaya high stake and every game may meaning. At saka parang walang ingenuity and creativity, feeling nila maaakit pa rin nila yung fans sa same strategy and format ng liga nila. Mag-iba sila ng rules, magdagdag sila ng teams, damihan nila yung games, mag home court format sila. Ang conservative ng PBA, nakakainis lang na as a fan dati and sobrang enthusiastic ko sa PBA, kabang-kaba ako lagi every game. Ngayon kahit pilitin ko sarili kong manood kahit sa arena parang ayoko na kasi walang sense manood, amboring.
@pioserrano9085 Жыл бұрын
Isa pang problem pare koy yung mga dapat magiging superstar sa PBA eh napupunta sa Abroad like KBL and B leauge. Nababawasan abg excited nmin manood ng pba kapag ganyan ng ganyan. We love to watch the new player of course not new only but probaby being a PBA Superstar someday. Sana magawan ng PBA yan.
@jamesilumin6624 Жыл бұрын
True, and the fact na nagpaka-sad boi pa sila at pumunta sa Japan para lang sabihin na nakaka-apekto raw eto sa liga
@rldabomb33 Жыл бұрын
Need to bring the games to the provinces like Cavite and Laguna
@Veedejesus Жыл бұрын
If I were PBA para ma balik yung interest ng crowd I’d go for a home and away format. Each teams will represent a city in Metro Manila, QC, Pasay, and mtm. Then allow nila yung mga FSA sa college after graduating via draft to play as local imports para may challege din para sa mga local bigs, sadly PBA always fails to listen to its fans because “mataas” parin yung revenue ng liga but idk lng sa long term
@dendiRTZ-xg5wb Жыл бұрын
Pero dapat malayo sa mga politiko delikado
@beautifullife7402 Жыл бұрын
Anong sinabi ni coach yeng?
@georgedorandomshit Жыл бұрын
Gawing home and away ang format ng liga kasi madami paring fans nasa probinsya at malalayong lugar lang at mas astig din kasi may mga loyal crowd ang bawat team 👍👍
@MichaelSacamos21 күн бұрын
3:27 😂😂😂
@Modernilargitiovenator Жыл бұрын
THE RISE AND THE FALL OF THE PHILIPPINE BASKETBALL IN ASIA. 🔥
@buddypumstv9807 Жыл бұрын
Maraming rason: 1. E-GAMES: Mas marami ng nahuhumaling, nawawala na yung eagerness sa panonood ng basketball. 2. KZbin: kesa manood ng live, pwede nman online. 3. Dynasty: hanggat hindi i impliment ang 1 team per Coy, SMB at MVP lang ang mananalasa sa PBA. 4. Different league: dumarami na ang liga sa bansa na mas pinapanood ng Pinoy. 5. Basketball Vlogger: nahuhumaling na ang mga Pinoy sa mga basketball vlogger like MAVS. 6. Officiating at ruling sa PBA: Nagiging low quality mga referee, minsan, sila pa yung nagpapa panalo sa isang team sa bad calls.
@shauncerezo Жыл бұрын
Sana nga tuluyan na malugi at bumagsak ang PBA hindi man ngayon pero sa mga susunod. Para maRESET na din yung pambansang liga sa pilipinas kahit di na mismo PBA yun kahit iba liga na nakakaumay kasi systema ng PBA parang niloloko nalang nila mga sarili nila eh
@michaelumuso1972 Жыл бұрын
90's early2000's naabutan Kong kalakasan ng liga. Dami Lage nanunuod...daming factors na Kase like, unbalance,unfairtrades, dagdag mo pa Yung my socmed na...nuod kayo b.league Marami nanunuod..5 imports pa Sila each team grabe..b league na Ngayon Yung #1league in Asia ffolwd by China... Sa Taiwan nga 3 imports...PBA the only league in Asia that has a single import...Iwan na Iwan na
@Freethinkerfranceofficial Жыл бұрын
I have been a long time PBA fan since 90's pero ngayon kahit highlights sa online di ko na pinapanood! Mas maganda pa panoorin ang MPBL eh! 😂😂😂
@rigel6592 Жыл бұрын
Pinakamalaking sports leagues by revenue: No.3. NBA No.21. CBA(China) No.26. EuroLeague No.41. B1 League(Japan) No.59. Liga ACB(Spain) No 64. Basketball Bundesliga(Germany) No.70. LNB Pro A(France/Monaco) No.86. WNBA
@kend.arbasa7034 Жыл бұрын
Para mag bago to kasi super fan ako ng pba dati. Para may magbago kailangan wala talaga manuod kailangan wala na silang kitain para magising sila. Nalilimutan ata nilang entertainment sila yun ang pinaka rason nila maging entertaining kung hindi na edi ano pang dahilan para panoorin sila
@edlaoyeah Жыл бұрын
i think one reason for people no longer attending these games is because the attention of the people have already been split up between many multimedia outlets na wala dati, kagaya ng netflix, disney plus and ngayon marami ng videos sa yt na pinapanood ng mga tao, at isa pang entertainment factor is video games, mas pinalawak na ang paglalaro ngayon ng mga tao lalo nat mas sumisikat pa rito ang ibang ol games like ml, lol, codm. andami ng kasiyahan ang mga tao ngayon at satingin ko isa to sa main reasons bakit lumiliit ang fanbase ng pba
@belwilliamurbano724 Жыл бұрын
Balance of players sa liga. Dapat maging 16 teams na ang lumalaro sa liga para magkaroon ng fair competition. Si Junemar, Scottie, Abueva, Castro na lang ang mga superstar na binebenta nila. Dapat mabenta nila ng maayos sila Oftana, Malonzo, Munzon, at marami pa. Add Foreign Student Athlete(Kouame, Orizu, Ikeh, Adeogun, Tankoua) as locals na tapos na sa college na mostly may more than 5 years na sa pinas. Pati na rin yung mga naturalized players tulad ni Brownlee and Blatche para naman magkaroon ng competition yung mga locals. Homecourt system. Kahit base lang dito sa NCR or sa mga kalapit na provinces. Para dayuhin sila with cheaper ticket selling prices.
@bestkept1135 Жыл бұрын
Dapat bumagsak muna ng todo ang PBA bago nila ayusin yan. Hanggat may nakikita sila bright spot sa financials ng liga tuloy lang. ako tagal ko na di nanood ng isang full PBA game kahit championship. Kakatamad na kasi talaga.
@jessoncumla7640 Жыл бұрын
ung mga team na malakas lalo pang lumalakas.. hindi na balanse. sana ung magaling na player pumunta sa mahinang team ng mapatunayan nya ung kanyang galing..😊
@rjaytv4953 Жыл бұрын
Ilagay nyo sa mga probinsya ang mga team sa PBA, parang KBL sponsor pa din pero kadikit ang City/ Province. At gawing Home/Away format kada game, Sure ako mapupuno yan or kung hindi man e atleast may crowd palagi sa Venue
@kavinramos6008 Жыл бұрын
Mukang malabo na makabalik yung dating PBA sa totoo lang. Hangga’t mas mayaman ang SMC at MVP or si Ramon Ang at Manny Pangilinan sa commissioner ng PBA, hindi magbabago ang takbo ng PBA.
@alvindanica Жыл бұрын
Nun 90's, tanda ko yun shell (sina Paras) malaki ang fan base dame nanonood sa kanila. Sa alaska (abarientos) eh sobrang dame din. Then team nina meneses, duremdes, at others ay may sari sariling hatak ng fans. Meron kasi silang Star player per team na kaabang abang panoorin makipag compete sa other team. Now kasi wala eh. Kumpulan na lang sa iilang team na may budget. Ewan ko ba, kumikita pa ba talaga ang PBA? Or pag Ginebra game lang? Hehe
@anneclaire837 Жыл бұрын
-pangit ng manuod ng PBA ngaun khit s tv😢ang mlalakas n player ay nsa SMC or MVP lng😢mas gus2 q ng pnuorin ngaun ang MPBL❤unti-unti n clang nkilala🎉ska mrmi n rin nmang mga former PBA players ang nglipat n s MPBL kya mganda ng pnuorin, iba kc ung labanan ng mga Cities at Provinces❤mrming nanunuod kc nga cnusuportahan nila ang home team nila🎉❤wla n yang PBA n yan pabagsak n😂.
@basicallytroll2705 Жыл бұрын
Dumami narin siguro kasi nanunuod NBA due to easy coverage these days, mga pag upload nila ng highlights sa YT and such. Sobrang sakit sa mata ng laro sa PBA pag nasanay ka unti unti manuod ng NBA 😅
@JT28. Жыл бұрын
Sa mga nag sasabi na mas better ang mpbl sa pba. Most common reason nila is kesyo sa pba daw kase alam mo na kung sino mag cchampion. Sa mpbl din naman, from the start of the season expected na yung 3 sa north na San Juan, Nueva Ecija at Pampanga ang papasok sa finals. Sa South naman is Bacoor, Zamboanga, Batangas, Gensan naman. My point is kahit saang sports naman expected na yung team na mayaman ang mag champion, since they can afford to build the best team and have the best players.
@jptv6711 Жыл бұрын
Idol puso mo. Medyo may kunting anghang tong Topic mo ngayon. Pero 100% fact 🔥🔥
@pipsunited5504 Жыл бұрын
Isa padin sa rason is yung hindi balance na team ..naalala ko nung time na pumasok ang powerade tigers sa finals nun . Na independent team and nabuo ung big three lassiter casio and david dumami ang fans ng powerade . It means kapag may team na may napapatunayan sa liga nag kakaroon ng fans . But sad to say after nung run ng powerade binuwag sila . So ang ending lagpak nanaman dami nagalit na fans sa mga trade etc. etc. that why napunta na pba sa gantong sitwasyon . Sa daming lopsided trade .
@MacGioStaAna Жыл бұрын
baka din po pag bibili ka sa ticketnet online ng ticket namamahalan sa 150 na convenience fee. dinaig pa ewallet eh
@Michael-xs6rj Жыл бұрын
Ito lang sagot jan. Mahina ang mga nasa position. Masyado kasi silang nag stay sa nakasanayan na. Ayaw nila sundin ang gusto ng mga manonood nila. Kung talaga fans ang priority nila, dapat makinig sila sa gusto ng mga fans.
@nicosangalang8056 Жыл бұрын
Ang best na gawin ng PBA ay dagdagan ang teams at itaas ang salary cap. Masisisi niyo ba ang isang star player na pumunta sa other teams na mas mataas ang kayang ioffer na salary? Kung itaas nila ang salary cap mababawasan ang mga FA star players na lumipat ng team. Lopsided trades? kahit sa ibang liga nangyayare yan kahit sa NBA. Walang liga sa mundo na lahat ng teams pantay-pantay. Sa KBL at Japan familiar teams din ang pumapasok sa playoffs kahit sa Euroleague. Ang pagkakaiba lang nila sa PBA, wala silang mga TOXIC na fans at sports writer/content creator.
@masterpogi3217 Жыл бұрын
ang rason jan kasi may social media na, pde mo mapanood ng replay. or pde mo mapanood online ang laban, bakit k pa magtyatyaga sa matrapik at hirap magcommute.
@GagandeepSingh-ph7fo Жыл бұрын
Fan ako ng pba before, from the time of Marc pingris, tim cone, san mig coffee, air21, jimmy alapag. In my opinion, ung advertising kasi dati sa pba madami. After nung nanalo si pinas kay china nung 2015 sa fiba, sa sobrang excited ko, di na ako nanood the next season since na busy na sa pagpasok sa college. After nun nag transition na ako sa nba. After grad. active padin ako ngayun sa nba, ang na realise ko lng is, kulang sa advertising si pba, parang wala silang ginagawang improvement. Mas interesting pa konti ngayun manood ng uaap despite na 8 teams lng sila dun.
@ariel4828 Жыл бұрын
Kung gagawin lang talaga nila na everyteam ay tulad ng MBA babalik mga manood, hwag lang pahawak sa mga local goverment dapat company parin baka mas magkaka interes ang mga tao. At sana gawin din nila maging active sila sa social media every team, gawa sila ng vlog nila at yung innovation ng venue nila gawing attractive gaya sa Taiwan , China league. At pinakahuli kahit lipat nalang sila ng TV station yung abot kahit saan tulad dati nilang channel tulad ng TV4 , chanel 9 o 13😊....
@romyolarte Жыл бұрын
Isa sa magandang solution para sa akin ay dagdagan ang team at nakakasawa na ng sila-sila na lang. Damihan din ang provincial game schedule.
@naturalmystic1262 Жыл бұрын
PBA fan since 80s ako. Napansin ko lang na wala na kasing EXCITEMENT manood ng LIVE ngayon hindi katulad dati. Boring na rin mga GAMEPLAY.. puro tira sa labas nlng. Wala na yung sumasalaksak na katulad ni Samboy, Caguioa, Meneses, last na yata si Pringle na naging exciting player.. Tsaka madami nang pinagkaka abalahan ngayon mga tao tsaka meron namang replay hindi katulad dati na kpag namiss mo yung laro wala kanang replay na mapapanood
@SauceXYZ Жыл бұрын
Me personally it really was never about the lackluster games or maybe the favored officiating that puts me off para manood ng live, honestly ang babaw ko man pakinggan pero ang dahilan ko lang ay un traffic especially from me na manggagaling pa sa San Mateo Rizal.
@earltv5785 Жыл бұрын
Marketing strategy lang kailangan nila dyan boss pera maraming manunuod na mga fans kasi nalulugi sila ng social media bilang libangan ng mga Tao