No video

ANG PAGHAHARI NG KASAMAAN SA MUNDO / SPOKEN BIBLE VERSE :MGA AWIT 73

  Рет қаралды 3,988

Ben Filio

Ben Filio

Күн бұрын

SPOKEN BIBLE VERSE: MGA AWIT 73
Sa ating mundo ngayon, ang isang mananampalatayang patuloy na lumalakad sa liwanag ni Hesu Kristo at nagsusumikap maging matuwid, ay nakakaranas ng Kapighatiang at kahirapan sa mga masasamang tao ng mundong ito. At ito ay dahil sa ating pagnanais na sundin sundin ang halimbawa at utos ni Hesu Kristo na maging mapag mahal sa ating kapwa gaya ng ating pagmamahal sa ating sarili. At sa pamamagitan nito ay ating maihayag sa kanila ang kaligtasang nagmumula lamang sa Kanya.
Pero, sigurado po ako, sa ating pagmamasid sa ating kapaligiran, ay iyong itinatanong, BAKIT MAS SUMASAGANA ANG MGA MASASAMANG TAO SA MUNDO? Na tila ant mga taong ito ay paunlad ng paunlad Ang kanilang mga buhay, kahit na puro sa kasamaan nagmumula ang kanilang tinatamasa.
Ano Ang isinasaad ng Biblia Ukol dito? Meron bang katapusan ang kanilang masasamang gawa? At ano ang kahihinatnan nila ayon sa Biblia?
Ang atin pong talatang pagbubulay bulayan ay tatalakayin ang mga katanungang ito at ihahayag ang katotohang ang Dios Ama Ang Siyang maghuhusga sa lahat ng mga gawa ng tao. Ito may masama o mabuti, Ang Kanyang hustisya ay makatarungan.
Nawa ang patnubay ng Banal Na Espiritu ang Siyang sumaatin, sa ating pakikinig at pag basa ng Kanyang Banal Na Salita.
Mga Awit 73
Ang Biblia, 2001
IKATLONG AKLAT
Awit ni Asaf.
1 Tunay na ang Diyos ay mabuti sa Israel,
sa mga taong ang puso'y malilinis.
2 Ngunit tungkol sa akin, ang mga paa ko'y halos natisod,
ang mga hakbang ko'y muntik nang nadulas.
3 Sapagkat ako'y nainggit sa palalo;
aking nakita ang kaginhawahan ng masama.
4 Sapagkat walang mga hapdi ang kanilang kamatayan,
at ang kanilang katawan ay matataba.
5 Sila'y wala sa kaguluhan na gaya ng ibang mga tao;
hindi sila nagdurusa na gaya ng ibang mga tao.
6 Kaya't ang kanilang kuwintas ay kapalaluan,
ang kara hasan ay tumatakip sa kanila bilang bihisan.
7 Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan,
ang kanilang mga puso ay umaapaw sa kahangalan.
8 Sila'y nanlilibak at nagsasalita na may kasamaan,
sila'y nagsasalita mula sa kaitaasan.
9 Kanilang inilagay ang kanilang mga bibig sa mga langit,
at ang kanilang dila ay nagpapagala-gala sa ibabaw ng lupa.
10 Kaya't bumabalik dito ang kanyang bayan,
at tubig ng kasaganaan ay iniinom nila.
11 At kanilang sinasabi, “Paanong nalalaman ng Diyos?
May kaalaman ba sa Kataas-taasan?”
12 Narito, ang mga ito ang masasama;
laging tiwasay, sa kayamanan ay sumasagana.
13 Sa walang kabuluhan ay pinanatili kong malinis ang aking puso,
at ang aking mga kamay sa kawalang-sala ay hinuhugasan ko.
14 Sapagkat buong araw ako ay pinahihirapan,
at tuwing umaga ay napaparusahan.
15 Kung aking sinabi, “Ako'y magsasalita ng ganito;”
ako'y hindi magiging tapat sa salinlahi ng mga anak mo.
16 Ngunit nang aking isipin kung paano ito uunawain,
sa akin ay parang napakahirap na gawain,
17 hanggang sa ako'y pumasok sa santuwaryo ng Diyos,
saka ko naunawaan ang kanilang katapusan.
18 Tunay na sa madudulas na dako sila'y iyong inilalagay,
iyong ibinabagsak sila sa kapahamakan.
19 Gaya na lamang ang pagkawasak nila sa isang iglap,
tinatangay na lubusan ng mga sindak!
20 Sila'y gaya ng panaginip kapag nagigising ang isang tao,
sa pagkagising ang kanilang larawan ay hinahamak mo.
21 Nang ang aking kaluluwa ay nagdamdam,
nang ang kalooban ko'y nasaktan,
22 ako'y naging hangal at mangmang;
ako'y naging gaya ng hayop sa harapan mo.
23 Gayunman ako'y kasama mong palagian,
inaalalayan mo ang aking kanang kamay.
24 Sa iyong payo ako'y iyong pinapatnubayan,
at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian.
25 Anong mayroon ako sa langit kundi ikaw?
at liban sa iyo'y wala akong anumang ninanasa sa lupa.
26 Ang aking laman at ang aking puso ay maaaring manghina,
ngunit ang Diyos ang lakas ng aking puso at bahagi ko magpakailanman.
27 Sapagkat narito, malilipol silang malayo sa iyo;
ang lahat na hindi tapat sa iyo ay winakasan mo.
28 Ngunit para sa akin, ang pagiging malapit ng Diyos ay aking kabutihan;
ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Diyos,
upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa.

Пікірлер: 75
@noblebernardo8501
@noblebernardo8501 2 жыл бұрын
Maging mapaghanap tayo ng kabutihan hindi maging makasarili sa pag unawa
@noblebernardo8501
@noblebernardo8501 2 жыл бұрын
Wag tayo maging mapaghanap ng masama sa iba dahil lahat meron kabutihan at nagsusumikap mapabuti ang lahat.kung meron man nagkamali ipaunawa ang pagkaka mali nya pero kahit sya ay nahihirapan unawain ang kabutihan kaya ituru nalang sa taong nagkamali kung ano ang dapat at wag nalang pagmukain masama ito bagamat mali dios lang ang magpapatunay ng lahat ng mga bagay tukol sa isang tao.wag natin husgahan nalang o toldukan ang isang tao sa pagiging masama konde unawain ito ng meron kabutihan ito nagawa kahit sa sarili nya lang.pero kung mapag hanap tayo ng mali tayo lang ang magiging makasalanan.pero hanapin natin ang kabutihan itinuturu sa atin at wag masamain at kilalanin natin ang kabutihan natin lahat tayo meron non totoo yon godbless po sating lahat...
@noblebernardo8501
@noblebernardo8501 2 жыл бұрын
Maging mubuti sa tayo at mapagkumbaba at maunawain at walang imasama.lalo na sa mga kabataan.
@noblebernardo8501
@noblebernardo8501 2 жыл бұрын
Godbless po sating lahat♥️🙏♥️🙏
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Sa Dios Ang lahat ng papuri Noble. Salamat sa pagbisita. God bless
@williambernido338
@williambernido338 2 жыл бұрын
Amen
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Sa Dios Ang lahat ng papuri William. God bless
@mhaevinbunion4268
@mhaevinbunion4268 2 жыл бұрын
Amen po
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Sa Dios Ang lahat ng papuri Mhaevin. Salamat sa pagbisita. God bless
@eiddearevir3560
@eiddearevir3560 2 жыл бұрын
Kayong mga humanista magsisi na kayo. Tama ang aral ng kasulatan na pupuksain ang masasama.
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Purihin ang Dios sa kaitaasan. God bless
@jimmanib3868
@jimmanib3868 2 жыл бұрын
first viewer
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Salamat sa pagtangkilik Jim. Sa Dios Ang lahat ng papuri. God bless
@noblebernardo8501
@noblebernardo8501 2 жыл бұрын
Wag mo silang husgahan na masama sila.dahil sa kakahusga natin na masama sila pansinin nyo ng mabuti diba tayo lang ang nagiging masama.umaangat sila kase umpisa palang meron na sila o pamana ng pamilya nila maging mapaghanap sana tayo ng mabuti sa iba.
@eiddearevir3560
@eiddearevir3560 2 жыл бұрын
Toink ..
@noblebernardo8501
@noblebernardo8501 2 жыл бұрын
Tayo ang masusunod sa buhay natin kung magiging ano tayo sa dios.kaya sana maging mapaghanap tayo ng kabutihan at tayo rin naman ang aani non at ang mga susunod satin lalo na ang mga kabataan.
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
God is Sovereign over all His creations. Tanging Ang sovereign will ng Dios Ang masusunod. God bless
@noblebernardo8501
@noblebernardo8501 2 жыл бұрын
Hindi naman ang tao ang masama may mga bagay na mali pero nagkamali mansila meron parin mabuting kahulugan yon nagawa nilang mali pero ang tao hindi masama kaya sana huwag natin silang husgahan sa pamamagitan ng pagiging masama kunden hanapin ang mabuti kung bakit nila nagawa yon.at kung tayo man nagkamali humingi ng tawad na walang minamasama.alam ko mabuti tayong lahat.lalo na ang mga kabataan hehe godbless ulit sating lahat🙏♥️🙏.
@noblebernardo8501
@noblebernardo8501 2 жыл бұрын
Kaya gumawa tayo ng mabuti na walang ibang minamasama.diba maganda yon tapos.tayo manghuhusga sa tao kung ano sya basta maging mapaghanap tayo ng mabuti yung naman ang gusto ng dios maging malawak ang kaalamanan natin sa mabuting pag unawa at hindi ito maging makasarili at wala dapat itong imasama na iba at maging bukas ang loob natin sa mga magagandang bagay at mabuting para ang kaluluwa natin ay mas maging kaaya aya sa kanya at ganon din naman sa mga taong wala mas naiintindihan nya ang mga pagkaka mali neto pero hindi sa pinangungu nahan ko ang dios pero ganon din naman sa mga nakakaangat sa buhay kase nagawa nilang makaangat dahil sa mga mabuting at naging pagtiya tiyaga nila o kaya pamana ng pamilya nila kaya walang masama sa mundong to yun ang pagkakaalam ko para saken.kung meron man para maspatibayin lang ang mananampalataya natin sakanya♥️😁🙏.godbless ulit sating lahat🙏♥️🙏
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Salamat Noble sa iyong mga pahayag. Nais ko lamang maunawaan Ang iyong mga kapahayagan. Nais ko lang malaman, sa iyong pananaw maliligtas ba ng mabubuting mga gawa Ang tao mula sa galit at kaparusahan ng Dios? Ano Ang Biblical basis ng iyong kasagutan? God bless
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Salamat muli Noble. Ano po Ang Biblical basis mo upang sabihin na hindi masama Ang tao? Salamat
@alexandersampaga6092
@alexandersampaga6092 Жыл бұрын
Un lang
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production Жыл бұрын
Salamat sa pagbisita Alex. God bless
@alexandersampaga6092
@alexandersampaga6092 Жыл бұрын
@@Ben.Filio.Production thank you din Po sa mga vedio nyo Godbless po
How I Did The SELF BENDING Spoon 😱🥄 #shorts
00:19
Wian
Рет қаралды 37 МЛН
❌Разве такое возможно? #story
01:00
Кэри Найс
Рет қаралды 3,6 МЛН
КАКУЮ ДВЕРЬ ВЫБРАТЬ? 😂 #Shorts
00:45
НУБАСТЕР
Рет қаралды 3,4 МЛН
Чёрная ДЫРА 🕳️ | WICSUR #shorts
00:49
Бискас
Рет қаралды 6 МЛН
Gawa Chapter 16 | Tagalog Audio Bible (Drama)
9:05
Tagalog Audio Bible
Рет қаралды 425
This Bible Story Of Judges 19 Will Leave You SHOCKED AND Speechless!
15:31
Ano Ang Katunayan Na May Paghuhukom? | Daan Ng Buhay
29:53
Iglesia Ni Cristo EVangelical Mission
Рет қаралды 181 М.
If You Wake Up Between 3AM & 5AM, DO THESE 3 THINGS! | C.S Lewis 2024
19:24
C.S. Lewis Legends
Рет қаралды 648 М.
God is the Strength of My Heart (Psalm 73:25-28)
1:01:18
BFDV at LWBC
Рет қаралды 4,9 М.
PAANO NILIKHA NG DIYOS ANG MUNDO | Genesis 1:1-2:7
8:07
Like Maria's Story
Рет қаралды 222 М.
Nawawala Ba Kaligtasan? / "Once Saved Always Saved?"
21:05
Ben Filio
Рет қаралды 6 М.
How I Did The SELF BENDING Spoon 😱🥄 #shorts
00:19
Wian
Рет қаралды 37 МЛН