Рет қаралды 2,786
Ano ang epekto kapag di nagpapa adjust ng braces?
Mayap a aldo! Matagal din tayo di nakapag vlog. Kumusta na?
Ang topic natin ngayon ay tungkol sa epekto kapag di nagpapa adjust ng braces.
Pagkalagay ng braces ni dentist kailangan pumunta sa iyong sked para maadjust ito.
Kung natatandaan nyo may vlog akong ginawa kung ano ang ginagawa kapag nagpapa adjust ng braces di ba…
• WHAT TO EXPECT ON YOUR...
Di lang naman pagkatapos nilagay ni dentist ang braces ay bigla na lang gaganda na ang ngipin di ba so kailangan pumunta talaga para sa regular appointments na sinabi ni dentist.
Paano naman kung di na sila bumalik para mag pa adjust? Ano ang mangyayari?
Yan ang topic natin ngayon.
So pagkalagay ni dentist matapos ng ilang buwan bigla di ka na nakabalik, kung ano man dahilan eh di na muna natin topic sa vlog, di ka na nakabalik kay dentist. Yung iba di lang months, umaabot pa ng taon. So ano ano ang epekto nito…
1. Maaring mapatid ang rubber elastics, bracket pati na ang wire. Alam naman natin na kapag natanggalan ng bracket, maaring mag resulta ito ng unwanted tooth movements. Kaya imbes na maayos ang ngipin e mag iba iba pang direction ang movement o paggalaw nito lalo na kung pati wire eh wala na. O kung naman ang case mo ay may mga gaps maaring mag open uli ang spaces.
2. Plaque build up na maaring magresulta sa gum problem o tooth decay. Especially yung mga rubber elastics madaling mag ipon ng food debris yan.
3. Sabihin na natin nag diy ka na at pinalitan mo na ang mga rubber elastics, sa tagal na di na check ni dentist maaring magkaroon ng nerve damage sa ngipin dahil sa forces na inaapply mo sa iyong ngipin. Resulta nito ay dead tooth na maaring magkaroon ng infection.
SO bakit kailangan kang regular magpaadjust
- [ ] For proper monitoring ng case mo. Minsan kasi kailangan mag adjust sa treatment plan kapag di favorable ang paggalaw ng ngipin.
- [ ] Para macheck din kung kailangan mong ma clening or may kailangan mapastahan.
- [ ] Para na rin madiscuss ang concerns mo kay dentist.
- [ ] At para maayos agad ang iyong ngipin, matapos ang treatment agad, dahil kung sobrang tagal kang nakabraces may mga complications na nagagnap. Panoorin nyo dun sa vlog na nagawa ko na.
• Possible Risks or Comp...
Disclaimer
The information on this vlog is provided as an information source only and is not to be used or relied on for any diagnostic or treatment purposes. The question and answer portion on the vlog or on the comments section does not create any patient-dentist relationship and should not be used as a substitute for professional diagnosis and treatment.
Lagi ko ngang sinasabi na ang iyong dentista pa rin ang mas nakakaalam ng case/condition mo. Kaya mabuti na pumunta sa iyong dentista nang mapatignan kung ano man ang iyong problema or concern.