Рет қаралды 8,596
SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG SA PAG AAPPLY SA TRI-BUREAU
1. Ano ang mga qualification sa pag aapply sa TRI BUREAU?
kelangan graduate ng any 4-5 years course sa college, with eligibility. Kung graduate ka ng 3 years, pwede pa rin kung Bachelor Degree ang natapos mo, may mga school kasi na program nila yun kagaya sa PUP, 3 year course tri-sem, - BACHELOR DEGREE. Search nyo sa google yung iba pang requirements.
2. Ano ano ang mga uri ng eligibility ?
CS Professional/ 2nd Level Eligibility
Civil Service passer
-Board Passer (Bar or Board passer)
Latin Honor with certificate from CSC
3. Pwede ba mag apply ang Senior High School Graduate, 2years Vocational graduate o Undergraduate sa college?
HINDI PWEDE, College graduate dapat
4. Ilang taon pwedeng mag apply ?
21-30 years old
31-35 years ay need na ng Age Waiver (search nyo nalang pano process)
5. Ilan dapat ang height ng isang aplikante sa BFP?
Female - 1.52m or 5'0
Male - 1.57 or 5'2
6. Pano pag hindi umabot ang height sa height requirement?
Need po kumuha ng Height Waiver ( search nalang pano ang process)
7. Effective na ba ang Bill na 5" for female at 5'2" for male na naipasa sa Senado? Yung panukala ni Bato ?
-Yes po 🙂
8. Pwede po ba mag apply kahit may anak o married na ?
Yes, basta nasa 21-30 years old ka pa rin.
9. Kahit anong course po ba sa BFP, PNP at BJMP ?
Yes kahit anong course ang natapos basta may eligibility.
10. Bawal po ba ang may tattoo ?
Yes
11. Bawal po ba may deperensya sa mata,ngipin, o kahit saang parte ng katawan?
May medical phase po ang recuitment, kung may deperensya at alam nilang di ka applicable, di ka po papayagan. Kung maliit na bagay lang kagaya ng pagpapapasta o pagpapapustiso, need mong gawin yun for your dental health. Kung pwede pang maagapan o gawan ng paraan pwede nman po, Subukan pa rin pong mag apply.
12. Magkano gastos sa pag aapply ?
-Nakadepende sayo ang gastos, lalo na sa pag aayos ng requirements.
#bjmp #bfp #pnp #applicant #officer #publicservant #enlex #jailofficer #neuro #jail #tribureua