Рет қаралды 155
Noong ika-apat na baitang, natutunan mo ang kahalagahan ng pambansang pagkakakilanlan at mga kontribusyon ng bawat rehiyon sa kultura at pag-unlad ng bansa. Ngayon, ating tatalakayin kung paano may kinalaman ang heograpiya sa paghubog ng kasaysayan.
Ang lokasyon ng isang lugar ay nakaaapekto sa kultura, pamahalaan, ekonomiya, at maging sa hinaharap ng mga tao. Ang mga rehiyong nasa baybayin ay naging sentro ng kalakalan, habang ang mga nasa kabundukan ay napanatili ang kanilang natatanging tradisyon.
Sa pag-aaral ng heograpiya, mas nauunawaan natin kung paano hinuhubog ng lokasyon ang kasaysayan. Ikaw, bilang mag-aaral, ay inaasahang makapagpaliwanag ng kaugnayan ng lokasyon sa paghubog ng ating kasaysayan.
---
LAYUNIN:
Ang mag-aaral ay… naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa kasanayang pangheograpiya, ang mga teorya sa pinagmulan ng lahing Pilipino upangmapahahalagahan ang konteksto ng lipunan/pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at angkanilang ambag sa pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas
Ang mag-aaral ay…naipamamalas angpagmamalaki sa nabuong
kabihasnan ng mga sinaunang Pilipinogamit ang kaalaman sa kasanayang
pangheograpikal at mahahalagang kontekstong kasaysayan ng lipunan
at bansa kabilang ang mga teorya ng pinagmulan at pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino
MELC Naipaliliwanag ang kaugnayan nglokasyon sa paghubog ng kasaysayan