AP05L31: Mga Naunang Pag-aalsa ng mga Makabayang Pilipino (Mga Pag-aalsa sa Visayas at Mindanao)

  Рет қаралды 12,597

Academ-e

Academ-e

Күн бұрын

MGA LAYUNIN
1. Nasusuri ang mga naunang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino
2. Natatalakay ang mga pag-aalsang naganap sa Visayas at Mindanao
3. Natatalakay ang sanhi at bunga ng mga rebelyon, at iba pang reaksiyon ng
mga Pilipino sa kolonyalismo
KINAKAILANGANG PAUNANG ARALIN
Mga Naunang Pag-aalsa ng mga Makabayang Pilipino (Mga Pag-aalsa sa Luzon)
NILALAMAN NG ARALIN
Mga Pag-aalsa sa Visayas
Pag-aalsa ni Tamblot (1621)
 Pinangunahan ni Baylon Tamblot, na isang katutubong pari o babaylan, ang
pag-aalsa sa Bohol dahil sa kanilang pakikipaglaban na talikdan ang relihiyong Katolisismo at bumalik sa paniniwalang itinuro sa kanila ng kanilang mga ninuno. Hinimok niya ang kanyang mga kababayan na kalimutan ang relihiyong ipinakilala ng mga mananakop. Ipinasunog niya ang mga simbahan at maging ang mga sagradong bagay na matatagpuan dito. Marami ring mga tao ang naniniwala at sumuporta sa kanyang pakikipaglaban, ngunit tumagal lamang ng ilang buwan ang kanyang pag-aalsa dahil na rin sa kakulangan nila ng gamit at armas para labanan ang mga mananakop.
Pag-aalsa ni Bancao/Bankaw (1622)
 Si Bankaw ang namuno sa pag-aalsa sa Leyte. Tinalikdan niya ang pagiging Kristiyano at ninais niyang ibalik ang paganismo sa kanyang mga nasasakupan, at kumalat ito sa buong Leyte. Nahinto ang pag-aalsa nito dahil na rin sa puwersa ni Kapitan Juan de Alcarazo na siya ring pumigil sa pag-aalsa ni Tamblot.
Pag-aalsa ni Sumuroy (1649)
 Si Juan Ponce Sumuroy ay nanguna sa pag-aalsa sa Samar nang sapilitang ipadala ni Gobernador-Heneral Diego Fajardo ang kanyang mga kababayan sa Cavite upang gumawa ng mga galyon at barkong pandigma ng mga Espanyol. Sa kanilang pakikipaglaban, pinatay nila ang kura ng bayan at mga namumunong Espanyol. Mabilis na lumaganap ang kanilang pakikipaglaban sa mga lalawigan ng Cebu, Zamboanga, at maging sa Hilagang Mindanao. Nagapi si Sumuroy dahil sa mga Pilipinong nagtaksil, sapagkat sila ay nabayaran ng mga Espanyol na ituro ang lugar kung saan siya naroroon. Namatay man si Sumuroy ngunit hindi malilimutan ang kanyang labis na pagmamahal at pagpapahalaga sa kanyang mga kababayan.
Pag-aalsa ni Tapar (1663)
 Sa lugar ng Oton, Iloilo (Panay) sinimulan ang isang pag-aalsa sa pamumuno ni Tapar. Ninais niyang magtatag ng relihiyon. Pinasimulan niya ang kakaibang anyo ng Kristiyanismo na kaagad pinaniwalaan ng mga panatikong Ilonggo. Kanyang ipinahayag na siya ang “Diyos Ama,” at ang kanyang mga kasama bilang si “Kristo at Birheng Maria.” Tinutulan ng paring Espanyol ang kilusang panrelihiyon, at hinikayat ni Padre Francisco de Mesa na bumalik sa Kristiyanismo ang mga tao, ngunit kalaunan ay napatay siya. Sinunog ang bahay nito, maging ang simbahan. Nagpadala ng tropa ang mga sundalong Espanyol at bayarang tagapaslang sa Oton. Nahuli si Tapar at kaagad hinatulan ng kamatayan, kasama ang mga tagasunod nito.
Pag-aalsa ni Dagohoy (1744)
 Ang pag-aalsa ni Francisco Dagohoy sa Bohol ang itinuturing na pinakamatagal na pakikipaglaban na nangyari sa bansa na tumagal ng 85 taon, mula 1744 hanggang 1829. Ang hindi pagkakaloob ng isang Kristiyanong libing para sa kanyang kapatid ang pangunahing sanhi ng pag-aalsa ni Dagohoy. Dahil sa kanyang galit ay pinatay niya ang pari, at hinimok niya ang mga mamamayan ng Bohol na lumaban sa mga Espanyol. Sa kanilang pakikipaglaban, sila ay namundok at nakapagtatag ng isang malayang pamahalaan. Naging malakas ang puwersa ni Dagohoy at walang Espanyol na nakatalo sa kanila.
 Halos 20 gobernador-heneral ang nagtangkang supilin ang pag-aalsa, subalit hindi sila nagtagumpay. Dahil sa katandaan, pumanaw si Dagohoy sa kanyang kampo sa kabundukan. Ipinagpatuloy pa rin ng mga Boholano ang pag-aalsa, subalit unti-unti silang nasupil ng mga Espanyol. Noong 1829, hinikayat ni Gobernador-Heneral Mariano Ricafort na sumuko ang lahat ng mga rebelde at hahayaan silang mamuhay nang tahimik sa kani-kanilang bayan.
Mga Pag-aalsa sa Mindanao
 Ang Mindanao ay sinasabing hindi kailanman lubusang napasailalim sa
kapangyarihan ng mga mananakop.
 Nakipaglaban ang mga Pilipinong Muslim upang mapanatili ang kanilang kalayaan sa pananakop ng mga Espanyol. Pakikipaglaban ni Sultan Kudarat
 Ang pinakakilalang bayani sa Mindanao na matapang na nanguna sa pag-aalsa ay si Sultan Kudarat, ang kilalang sultan ng Maguindanao mula 1619 hanggang 1671. Nagkaroon siya ng malawak na kapangyarihan nang maitatag niya nang matagumpay ang kumpederasyon ng mga sultan sa lalawigang ito, na naglalayong palakasin ang kanilang puwersa laban sa mga Espanyol. Magaling siya sa diplomasya, na pinatunayan ng kanyang mga naging kasunduan sa pagitan ng kanyang mga kaaway, maging sa pagitan ng mga dayuhang Olandes.
 Isa sa mga dahilan ng kanilang pag-aalsa ay ang pagpapakilala sa kanila sa relihiyong Kristiyanismo (Katolisismo) bilang tunay na relihiyon, at hindi ang Islam na siyang pangunahing relihiyon sa Mindanao.

Пікірлер: 4
@achillachill5520
@achillachill5520 6 ай бұрын
thank you po, this was a life saver
@buhaynipedrovlog136
@buhaynipedrovlog136 8 ай бұрын
Bakit po pinapatay ang mga pare
@ElshaunLovesRamyeon
@ElshaunLovesRamyeon 8 ай бұрын
Dahil nilalabanan po nila😅😂
@hrts4uu.
@hrts4uu. 9 ай бұрын
Τηανκσ
黑天使只对C罗有感觉#short #angel #clown
00:39
Super Beauty team
Рет қаралды 36 МЛН
Try this prank with your friends 😂 @karina-kola
00:18
Andrey Grechka
Рет қаралды 9 МЛН
Mom Hack for Cooking Solo with a Little One! 🍳👶
00:15
5-Minute Crafts HOUSE
Рет қаралды 23 МЛН
Rizal Without the Overcoat
21:57
Areté Ateneo
Рет қаралды 126 М.
AP5 Unit 4 Aralin 14 - Pag-aalsa ni Pule noong 1840-1841
4:20
Kto12 Lessons
Рет қаралды 44 М.
What is Nationalism and How Did it Spread? | World History Project
11:32
Срочно! План США по Украине готов. Мир через силу. Прорвемся! /№897/ Швец
48:35
Pre-Algebra Final Exam Review
1:56:08
The Organic Chemistry Tutor
Рет қаралды 335 М.
Sukses (2022) | Bahasa Inggeris: Kertas 2 (Writing)
45:21
ntv7malaysia
Рет қаралды 28 М.
History of Israel-Palestine Conflict
10:56
History on Maps
Рет қаралды 13 МЛН
黑天使只对C罗有感觉#short #angel #clown
00:39
Super Beauty team
Рет қаралды 36 МЛН