Рет қаралды 47,187
APAT (4 ) NA URI NG TAO NA NAKIKINIG NG SALITA NG DIYOS, AYON SA MATEO 13:19-23.
1. NAKIKINIG PERO HINDI INUUNAWA.
NOTE 1: Ito ang Binhing nahasik sa tabing daan sabi ni Jesus.....
Mateo 13:4,19
[4]Sa kanyang paghahasik ay may mga binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon.
[19]Kapag ang isang tao ay dumirinig ng mensahe tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi naman niya iyon inuunawa, siya ay katulad ng binhing nalaglag sa daan. Dumarating ang Masama at agad inaalis sa kanyang isip ang mensaheng kanyang napakinggan.
NOTE: ANO ANG DISADVANTAGE NG ISANG BUTIL NA NAHASIK SA TABING DAAN?
1. Mabilis makita ng mga ibon, or salampati, maging ang mga manok...
2. Posibling, madaanan at maapakan .
3. Puweding paglaruan ng mga bata.
4. Walang katiyakan kung makakuha ka ng magandang produkto...
Note: May mga tao na ang kanyang puso ay Parang nasa tabing daan, Sabi ng Bible kapatid na ang Pusong parang tabing daan, pagnahasikan ng salita ng Diyos hindi rin maganda ang epekto bakit?
1. Ang sabi ng Bible, nakikinig piro hindi inuunawa..
2. Natutuka, nananakaw, naalis, nakukuha ni satanas ang salita ng Diyos na nahasik sa isip at puso mo na parang ibon..
NOTE: ANO ANG SIGN NA HINDI NAKAKAUNAWA NG SALITA NG DIYOS ANG ISANG TAO?
1. Hindi maka pamuhay ng karapatdapat o kalugodlugod sa Diyos. (Number 1 diyan ang Bisyo, susundan ng bad atttitube, at mga pagmumura)
2. Hindi sasagana sa lahat ng mabubuting mga gawain. (Ito ang patay na faith, walang christian living)
3. Hindi lalawak ang pagkakilala sa Panginoon..(Akala mo kay Lord ok na yang ginagawa mo, dahil God is love...piro justice din siya)
4. Walang value ang ministry o ang paglilingkod. (Parang fake na gold)
5. Umaasa lang sa pakiramdam o nararamdaman. (Pa Moood mood lang, Example: Wordhip leader ni pas lemuel)
NAKIKINIG PIRO HINDI INUUNAWA.