Рет қаралды 3,327
BACK TO BASIC! 💚 our FOURTH time in Bag-Angan Farm Resort!🍃 Sabi nga nila, pag gusto mo tahimik na lugar at maka pag unwind, dito kana sa Farm Resort. napakarelaxing ng paligid. Mag-eenjoy talaga ang mga pupunta dito dahil Back to Basic ang tema ng lugar. Malayo sa siyudad, maaliwalas ang paligid, iwas sa mga toxic na tao at dito mo ulit maeexperience mamuhay sa bundok/probinsya.
Pagdating mo sa lugar kumpleto na, kitchen,livingroom, comfortroom, and ang pangmalakasang running water na private pool.May volleyball at Basketball court din sila. para kang may sariling RestHouse. wala kang gagawin kundi magpapahinga nalang. :)
Magagamit mo ang kanilang bahay kubo na pang pamilya, barkada, katrabaho, kasintahan, atbp at tanging lampara ang gamit na ilaw sa gabi. Ito ang lugar na makakapagbonding talaga kayo kasi bukod sa maraming pwedeng gawin, pansamantalang makakaiwas ka sa mundo ng teknolohiya. dahil sa bundok ang lugar medyo magina ang signal.
Napakafriendly ng may ari ng resort na si Kuya Arnel at kanyang staffs/drivers. Incase na may kulang kayo sa baon nyo may mini Sari-Sari Store din sila.
1.5 hours travel from Daet. and 15-20mins going to Farm Resort from the Highway of Guisican (using truck/jeep/habal-habal)
📍BAG-ANGAN FARM RESORT
Brgy. Guisican Labo, Camarines Norte
#GoCamNorte #CamNorteTourism #BagAnganFarmResort
#GoCamNorte #BagAnganFarmResort #EcoFriendlyResort #CamNorteTourism