Рет қаралды 94
MGA KAPITBAHAY ‼️ MGA KAPITBAHAY ‼️
Handa na ba kayong mabusog sa tawa at humalakhak sa dulang handog ng Pipit Productions, mula sa orihinal na panulat ni Filomena Colendrino, na pinamagatang “Bakit Babae ang Naghuhugas ng Pinggan?” 🎭
Sa labas ng tahanan ng isang pamilyang nasa laylayan, ano nga ba ang timbangan ng pagiging marangal? Ano nga ba ang kahulugan ng hanapbuhay sa mga taong pinagkaitan ng oportunidad na makahanap ng kabuhayan?
Pagpatak ng alas siete ng gabi at nakauwi na mula sa ‘trabaho’ ang lahat, sino ba ang dapat na mag-asikaso ng hapag-kainan? Kung sinong mas pagod, o sino ang nakasanayan? Bakit nga ba ang babae ang naghuhugas ng pinggan? 🍽
Sapat na ba ang naturingang ‘hanapbuhay’ bilang rason upang matakbuhan ang responsibilidad sa paghuhugas ng pinggan?
Sa direksyon nina Sofia Grace Suaiso at Gabriel Michael Manjares, halina't tunghayan ang "Bakit Babae ang Naghuhugas ng Pinggan?" 🎭🍽