Рет қаралды 48
Bitukang Manok sa Pagbilao Quezon
Ang Quezon National Forest Park o mas kilala na Bitukang Manok ay isa sa mga challenging daanan kung bibiyahe kayo papuntang Bicol at Visayas. Pero ito ang bahagi ng biyahe na memorable dahil unang beses kong makadaan dito.
Dito ko naisip na sobrang mahalaga ang BLOWBAGETS bago bumiyahe dahil pedeng magkaaberya kung may napabayaan ka sa kahit isa man lang dito.
Sa mga nagbibiyahe ng malayo, palaging maging handa sa mga biyahe lalo na kung luma ang gagamitin na sasakyan.
Siyanga pala, kapag dumaan kayo dito, huwag kayong magtataka o mag-aalala kung bakit may mga tao sa matarik na daan. Mga nagbabantay sila sa daan. Pede niyo silang abutan ng kaunting tulong kapag dumaan bilang pasasalamat sa kanilang pagbabantay sa kalsada.
Enjoy lang po sa biyahe at laging maging mapagpasensiya.