Рет қаралды 60
Matagumpay na nagtapos sa kanilang kursong Housekeeping NC II at Security Services NC II ang 50 na estudyante ng Siargao Island Institute of Technology (SIIT) sa ilalim ng BPI Tech-Voc Training Program ng BPI Foundation at Bayan Academy, sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Dumalo sa pagtatapos sina Mr. Owen L. Cammayo, ang Executive Director ng @bpifoundation2410 at Prof. Francisco M. Bernardo III, ang Chairman at Presidente ng Bayan Academy, kasama sina Ms. Catalina O. Tacubao, ang Provincial Director ng TESDA Surigao Del Norte, Hon. Mayor Sol F. Matugas, ang Presidente sa nasabing institusyon, at Former Board Member Simeon Castrence, ang tagapagsalita ni Surigao Del Norte 1 st District Representative Cong. Bingo Matugas. Ang mga kagalang-galang na mga panauhin na ito ang siyang nagbigay ng Sertipikasyon sa mga nagtapos ng kurso na Housekeeping at Security Services.
Sa nasabing graduation, isa- isang nagpasalamat sa mga benefactor ang mga estudyante para sa oportunidad na makapagtapos sa nasabing mga kurso. sa kanilang mga sanaysay, taos puso silang nagpapasalamat sa BPI Tech-Voc Training Program sa pagbibigay sa kanila nito ng pag-asa na muling bumangon pagkatapos ng mga unos dulot ng pagsalanta ng bagyong Odette sa isla ng Siargao.
Ang BPI Tech-Voc Training Program, sa pakikipag tulungan ng BPI Foundation at Bayan Academy, ay naglalayon na matulungan ang ating lipunan, kabilang na ang nasa marginalized sector katulad ng mga kabataan, kababaihan, biktima ng kalamidad, mga walang trabaho, at ang iba pang naghahanap ng dagdag na kita.
Ang programang ito ay nagsisilbing tulay sa mga employers at mangagawa upang matugunan ang mga pangagailangan ng industriya sa isang komunidad.
Visit our Social Media Accounts👇👇👇👇
Kumu: app.kumu.ph/siargao_tv
Facebook: / siargaotv
Instagram: / siargaotv
Twitter: / siargaotv
Website: siargao.tv/
#siargao
#bestislandinasia
#SIARGAOTV