Рет қаралды 3,485
Napakaganda na mayroon ng kalsada sa bawat liblib at malayong baryo. Napakalaking tulong nito, mula sa pag-aaral ng mga kabataan, kabuhayan at lalong lalo na sa kalusugan.
Noong una, na wala pang kalsada sa kanila, karamihan ng kabataan ay hanggang elementary lang an natapos dahil ang Mataas na Paaralan ay nasa bayan pa, kailangan pang maglakad ng ilang kilometro, o kailangan pang gumastos ng malaki para lamang makapag-aral lamang.
Ang kanilang mga produkto katulad ng copras, abaka at gulay ay mahal ang pamasahe para maibenta sa bayan.
Ang mga buntis o may sakit
ay mahirap madala sa bayan para ipagamot.
Kaya napakalaking tulong ng mga kalsada. Sana lahat ng malalayong lugar o liblib ay maabot ng farm to market road.