TANGGAPIN MO (Lui Morano/Norman Agatep) KORO: HANAP KITA, O PANGINOON, 'PAGKAT NASA 'YO LAMANG ANG KALIGTASAN NG AKING BUHAY! HANAP KITA, O PANGINOON, 'PAGKAT NASA 'YO LAMANG ANG KALIGTASAN NG AKING BUHAY! Panginoon, pag-asa ka ng buhay ko. Hangad ko ang pagpapatawad mo sa mga pagkukulang ko. Alay sa 'yo katapatan ng loob ko, pangako ko, tanggapin mo, aking pagtalima sa utos mo. (KORO) Panginoon, sandigan ka ng buhay ko. Dalangin kong patatagin mo ang pananampalataya ko. Para sa 'yo: karangalan at yaman ko, handog sa 'yo, tanggapin mo't gamitin ako sa naisin mo. BRIDGE: Dahil ikaw ang pag-ibig, hubugin mo ang aking puso't pag-iisip, upang ako ay umibig, maglingkod sa kapwa, at magdulot ng saya. Tanggapin mo, abang puso ko't isugo ako. (KORO) KODA: Ng aking buhay!