Kalungkutan Sa bawat pagpatak ng ulan Nadarama ang kalungkutan Luha'y biglang nagsipatakan Dahil saking nararamdaman. Kailan ba ito titila Itong hapis na nadarama Ayaw kong ito'y maalala pa Hindi ko na ito kaya pa! Kailan ba ako lalabas Sa bawat baha na umagos Pagkalimot ay hindi hangos Napatulala pagkatapos. Kalangitan at dumidilim Sabay na rin ang pagkulimlim Pinipilit ko na ilihim Ang iniisip ko'y malalim. Sana sumikat na ang araw Nang lungkot kong ito matunaw Gusto ko na ito matanaw Sariling pighati ay manaw. - 7/23/2022