Calvin Abueva, NAMBULABOG ba AGAD?! | SINALPAKAN ni Justin Arana! | Jio Jalalon, IMPORT AY NILARO!

  Рет қаралды 1,104

PUSO Sports

PUSO Sports

Күн бұрын

Nasa tuktok ng standings ang Magnolia Hotshots samantalang ang Converge FiberXers ay mistulang nangungulelat. Pero malay natin, ang maliit nga nakapupuwing pa rin. Malay natin at baka sa gabing ito ay biglang mayroong makasilat. Ngunit, hahayaan na lang ba ito nina Jio at Calvin Abueva na kababalik lamang? Halika at tayo ay magbalik-tanaw. #PUSOSports #CalvinAbueva
Maganda ang naging simula ng koponan ni Coach Aldin Ayo. Tulong-tulong ang kanyang buong koponan sa pagtatangkang madagdagan ang kanilang panalo ngayong Commissioner's Cup. Nandoon sina Jamil Wilson, Alec Stockton, Aljun Melecio, pati na rij si Justin Arana na noong nakahanap ng open lane ay di nag-atubiling sumalpak.
Ito nga ang unang pagkakataong makapaglalaro ang The Beast matapos ang matagal na panahon. Anong klaseng Abueva ba ang tinging ninyong sa gabing ito ay nagpakita? Nandoon ang kanyang isang solidong supalpal sa kalaban. Nahulaan nyo ba ang kanyang sinabi matapos ang fastbreak layup nya bago sya tila nagdasal?
Daig ni Jio Jalalon sina Aljun at Alec ngayon. Daig din ni Jio ang ibang mga manlalarong higit na matangkad sa kanya dahil kahit pa sa paningin ng iba ay tila isa lamang siyang bulilit, malaki ang naging ambag nya sa resulta ng laban ngayon ng Magnolia. Malulupit nga ang mga pasa, mahusay humawak ng bola, tapos pumapasok kahit minsan alahoy pa ang tira.
Iyon marahil siguro talaga ang istorya ng Converge ngayong kumperensiya - nakakapag-compete sila sa umpisa ngunit walang panapos. Yung tipong crucial tapos doon minsan bumibitaw at nawawalan ng signal. Hawak na nila ang kalamangan noong first half ngunit wala silang naging sagot sa 14-0 run ng kalaban noong ikaapat na quarter. Kaya naman sa gabing ito, ang Magnolia Hotshots ang nag-uwi ng panalo.
__________________________________________________________________________________
Patuloy nating suportahan ang #PBAonOneSports: www.youtube.co...
Manood ng live!
Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
www.spin.ph/ba...
www.pba.ph/recap
www.pba.ph/gal...
Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!

Пікірлер
The Joker wanted to stand at the front, but unexpectedly was beaten up by Officer Rabbit
00:12
АЗАРТНИК 4 |СЕЗОН 3 Серия
30:50
Inter Production
Рет қаралды 1 МЛН
MV Junmar 2 From Danao City Port to Camotes Island🙏
2:40
Mymy Ordilla
Рет қаралды 5 М.
Mga plays nag BEAST MODE si Calvin Abueva
8:35
Panis!
Рет қаралды 706 М.
Calvin Abueva Hindi papatalo sa ibang lahi | Walang takot mag laro
11:59
Pinoy Step Basketball
Рет қаралды 800 М.