PANGIT NA ANG CAMILING! . Nag umpisa ang pagpapapangit sa Camiling mula noong pinabayaang putulin ang mga Centuries old na Acacia. Dati’y marami ang ganitong mga puno na nakapaligid sa plaza. Yung butas ng ibang Acacia ay ginagawang stove ng mga nagpapa-karnabal tuwing fiesta. Napakaganda ng plaza noong decada 60s at 70s. Ito’y pasyalan ng mga pamilya, mga kabataan at mga nagliligawan mula pa noong sinaunang panahon hanggang sa decada 1970s kaya’t nakakapanghinayang ang nawalang ganda nito. Ang plaza ay pinaliligiran dati ng mga antigong concreto na pader, kaya lang ay pinalitan ito ng pangit na pader na ating nakikita ngayon. Mula nang naisipan ng ilang mga kababayan natin sa Camiling na gawing parang Luneta ang plaza ay nababoy na ito, mula nang magtayo ng tennis Court. Bakit kinailangan magtayo ng bagong tennis court ay mayroon naman dati sa tapat ng Building 2? Pagkaraan niyan ay sunod-sunod na mga structura na ang itinayo sa plaza at mga tindahan. Magandang alaala noong meron pang Kiosko na tinatawag na Maria Clara Auditorium. Iyon ay Icon ng Camiling, bakit sinira? Dati’y merong antigong archo na may katabing firetree sa tabi ng simbahan- nawala na rin ito. Lahat ng mga ito ay bahagi ng pagka Romantico ng ating bayan. Sana ay ibalik ang lumang anyo ng Camiling. Meron pa namang mga natitirang larawan ang Kiosko para pagbatayan sakaling merong makaisip na ibalik yuong exactong kopya ng dati. Sa unang Chapter ng Noli Me Tangere, ay ipinakilala ni Padre Damaso si Padre Salvi kay Crisostomo Ibarra na mula sa “PARROQUIA DE CAMILING”, patunay lamang na napakahalaga ng ating lumang simbahan. Huwag tayong papayag na gawing Mall ito. Huwag tayong papayag na itulad ang Camiling sa Maynila dahil pangit ang Maynila, magulo, madumi at iba naman yung pakiramdam na ika’y nasa probinsya tulad ng ating mahal na bayang Camiling. Huwag kayong pumayag na mayroong maiingay na tricycle na sadyang tinatanggal ang muffler para magpasikat. Alamin ninyo kung sino-sino ba ang mga naggaling-galingan na mga prominenteng mamamayan ng Camiling na nakipagkasundo kay Cojuangco na magtayo ng bagong simbahan imbes na gamitin ang pondo para sa restorasyon ng lumang Baroque Church? Dapat huwag ninyo tularan ang kanilang kamangmangan! Hindi ba’t sila nga ang dapat na mas nakakaintindi? Di ba’t sila nga ang may impluwensiya at kapangyarihan? Sa mga kabataan ng Camiling: Magkaisa kayo ng inyong mga classmates at kaibigan, magbuo kayo ng grupo ninyo at pag aralan ninyo ang kasaysayan ng Camiling, magtanong kayo sa mga nakatatanda sa nakaraan. Punta kayo sa Archives at mag-research. Kayo ang pag asa para maibalik ang kagandagan ng ating bayan. Imbestigahan ninyo kung sino-sino ang naghikayat kay Cojuangco na magtayo ng bagong simbahan…sayang ang pera na ginamit na lang sana sa restorasyon sa original na Baroque Church na pinagsimbahan ng ating mga ninuno, pinupuntahan ni Rizal at Leonor Rivera, at isa sa pinakamagandang simbahan sa buong Pilipinas. Wala pa ang Kipping House noon; alamin siyasatin ninyo sa mga Lolo at Lola na nakakaalam kung saan sila dati nagtatagpuan dahil iyon ay bahagi ng ating kasaysayan. Mag-protesta kayo kung may hakbang na ibigay o ibenta ng mga pari ang simbahan sa sinomang negosyante. Tandaan ninyo na ang simbahan ay hindi pagaari ng mga pari! Ang simbahan ay pag aari ng mga mamamayan na nagtayo niyan mula pa noong panahon ng mga kastila mula sa kanilang pagod at mga contribusyon. Kayo lang ang makakapigil nito. Malakas ang pwersa ng Kabataan, kayo ang kinatatakutan ng mga hangal na naggagaling-galingan. Kung maghahalal kayo ng mga opisyal ay ihalal ninyo ang may sapat na kaalaman o kaya’y ikampanya ninyo sila sa inyong mga nakatatanda na qualipikado ng bumoto. Sa inyong pagtanda, kapag kayo’y mga magulang na rin, ay madadama ninyo ang pasasalamat ng susunod na henerasyon sa inyong makabayang gawain. Mabuhay kayo! Mabuhay ang Camiling! Mabuhay ang Pilipinas!
@benildabravo3252 Жыл бұрын
requirement sa school enrollment
@jmtvmaster85905 жыл бұрын
Nice vlog lods.. may natutunan ako sa video mo..
@stcqcchannel3173 жыл бұрын
You did not mention Gregorio Brillantes, the author of The Distance to Andromeda, also a son of Camiling.
@supermomchanneltv37436 жыл бұрын
wow! This is my Home Town. I grew up here. I realy miss this place. Thank you for sharing... I have video in the market place of Camiling tarlac...
@JakePortraits6 жыл бұрын
your welcome
@mjfernandez21215 жыл бұрын
gumamaganda na po ang camiling
@edgardosimon70523 жыл бұрын
Pumangit nga po. Inabot ko pa yung dating anyo ng Camiling. Dati ay napakaganda, sayang at nasira dahil sa kapabayaan at walang kaalaman ng mga naggaling-galingan baguhin ang anyo nito at tinawag ito na Modernization! Sana ay maibalik sa dati. Hikayatin po natin ang ating kapwa Camileño lalo na ang mga Kabataan na magtulong-tulong na ibalik ang kagandahan ng lumipas na panahon at nang sila naman ang makinabang.