Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 28 Jun 2023. 7a.m.

  Рет қаралды 37,171

Catholic Mass Today Live (CMTL)

Catholic Mass Today Live (CMTL)

Жыл бұрын

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Online
Miyerkules sa Ika-12 na Linggo ng Karaniwang Panahon June 28, 2023
Paggunita kay San Ireneo, obispo at martir
Wednesday of the 12th Week in Ordinary Time.
UNANG PAGBASA
Genesis 15, 1-12. 17-18
Pagbasa mula sa aklat ng Genesis
Noong mga araw na iyon, narinig ni Abram na sinabi sa kanya ng Panginoon:
“Abram, h’wag kang matatakot ni mangangamba man,
kalasag mo ako, kita’y iingatan at ikaw ay aking gagantimpalaan.”
Ngunit sinabi ni Abram, “Panginoon, ano pong gantimpala ang ibibigay mo sa akin? Wala naman akong anak! Wala akong tagapagmana kundi si Eliezer na taga-Damasco. Hindi mo ako pinagkalooban ng anak, kaya isa kong alipin ang magmamana ng aking ari-arian.”
Sinabi ng Panginoon, “Hindi alipin ang magmamana ng iyong ari-arian; anak mo ang magmamana ng iyong ari-arian; anak mo ang magmamana.” At inilabas siya nito at sinabi sa kanya: “Masdan mo ang mga bituin! Mabibilang mo ba iyan? Ganyan karami ang magiging anak mo at apo.” Nanalig si Abram, at dahil dito’y kinalugdan siya ng Panginoon.
Sinabi pa ng Panginoon kay Abram, “Ako ang kumuha sa iyo sa Ur ng Caldea upang ibigay sa iyo ang lupaing ito.” Itinanong naman ni Abram, “Panginoon, aking Diyos, paano ko malalamang ito’y magiging akin?”
Sinabi sa kanya, “Dalhan mo ako ng isang baka, isang kambing, at isang tupa, bawat isa’y tatlong taon ang gulang. Magdala ka rin ng isang kalapati at isang batubato.” Dinala nga ni Abram ang lahat ng iyon at biniyak ang bawat isa maliban sa mga ibon. Inihanay niyang magkakatapat ang pinaghating hayop. Bumaba ang mga buwitre upang kanin ito, ngunit itinaboy sila ni Abram.
Nang kumikiling na ang araw, nakatulog nang mahimbing si Abram, at nagkaroon ng isang nakatatakot na pangitain.
Pagkalubog ng araw at laganap na ang dilim, biglang may lumitaw na palayok na umuusok, at maningas na sulo na dumaan sa pagitan ng pinatay na mga hayop. At nang araw na yaon, nakipagtipan ang Panginoon kay Abram, wika niya: “Nangangako ako na ibibigay sa lahi mo ang lupaing ito, mula sa hanggahan ng Egipto hanggang sa Ilog Eufrates.”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9
Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.
o kaya: Aleluya.
Dapat na ang Diyos, itong Panginoon, ay pasalamatan,
ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa’y dapat ipaalam.
Siya ay purihin, suubin ng awit, ating papurihan,
ang kahanga-hangang mga gawa niya’y dapat na isaysay.
Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.
Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya,
ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila,
lahat ng may nais maglingkod sa Poon, dapat na magsaya.
Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan,
siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.
Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.
Ito’y nasaksihan ng mga alipi’t anak ni Abraham,
gayun din ang lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.
Ang Panginoong Diyos ay ang Panginoon, siya ang ating Diyos,
sa kanyang paghatol ay ang nasasaklaw, buong sansinukob.
Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.
Ang tipang pangako’y laging nasa isip niya kailanman,
ang mga pangakong kanyang binitiwan sa lahat ng angkan.
Ang tipan ng Diyos ay unang ginawa niya kay Abraham,
at may pangako ring ginawa kay Isaac na lingkod na mahal.
Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.
ALELUYA
Juan 15, 4a. 5b
Aleluya! Aleluya!
Sa Poon ay manatili
siya’y sa atin lalagi
mamungang maluwalhati.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 7, 15-20
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta; nagsisilapit sila sa inyo na animo’y tupa, ngunit ang totoo’y mababangis na asong-gubat. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Napipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa puno ng aroma? Nagbubunga ng mabuti ang bawat mabuting punongkahoy, subalit nagbubunga ng masama ang masamang punongkahoy. Hindi maaaring magbunga ng masama ang mabuting punongkahoy, ni ng mabuti ang masamang punongkahoy. Ang bawat puno na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy. Kaya nga, makikilala ninyo sa kanilang mga gawa ang mga bulaang propeta.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
#CatholicMass #BanalNaMisa #HolyMass

Пікірлер: 48
@evelyntalanobien5768
@evelyntalanobien5768 Жыл бұрын
Sto. Padre pio pls pray for us help us and heal us my family, children relatives and friends those who are needy, ills and sinners amen
@lenniesilva2564
@lenniesilva2564 Жыл бұрын
Mahal n Padre Pio pray for us Amen please protect always my family and my children Amen Thank you Lord Amen 🙏
@gloriatamayo9834
@gloriatamayo9834 Жыл бұрын
Padre PIO mahal namen San Too tolongan po ninyo ang aking anak na si Jessica na gumaling ang kanyang sakit Amen Lord Jesus
@anchitarivera7632
@anchitarivera7632 11 ай бұрын
Lord, St Padre Pio, thank again for healing and curing me, for everything for all the grace, blessing in our family, forgive our sins, Amen
@elisagravador8722
@elisagravador8722 Жыл бұрын
Happy Feast Day Saint Irenaeus, Bishop And Martyr Pray For Us, And Please Help Heal Us, Be With Us Always Amen.
@robertadier1392
@robertadier1392 Жыл бұрын
Magandqmg gabi po mahal na Santo Padre Pio,naway tulungan po ninyo akong manalangin sa ating Panginoong Hesukristo para aking kagalingan,kaligtasan ng aking mga magulang,pamilya,kaibigan,kakilala at kamag anak..Mqraming maraming salamat po,AMEN..
@elisagravador8722
@elisagravador8722 Жыл бұрын
Saint Padre Pio Please Guide My Daughter, Enlighten Her Heart And Mind, Erase All Hatered And Her Mind And Heart, Thank You Padre Pio Please Heal Her Amen, Please Help Me Back My Daughter To Us, Padre Pio Please Guide Me Give Strength And Hope Amen.
@sallyteodoro6785
@sallyteodoro6785 Жыл бұрын
Maraming Salamat po Santo Padre Pio❤️🙏
@emmamira7917
@emmamira7917 Жыл бұрын
Good morning papa Jesus Christ and mama Mary for everything and giving us good health and safety pray for us Amen Amen Amen
@nenaamorio1057
@nenaamorio1057 11 ай бұрын
Good morning padre pio gabayan mo po kami ang lahat ng buo kong pamilya bigyan mo po kami malakas na pangangatawan. God bless;my family!!!
@emeritaandrade8110
@emeritaandrade8110 11 ай бұрын
Padre Pio gabayan mo lgi ang aking mga apo ko gayon din 2 apo ko sa tuhod sna msubay byan mo lgi sila slmt po Amen .
@elisagravador8722
@elisagravador8722 Жыл бұрын
Saint Padre Pio Please Pray For Me And Help Me To Heal My Skin , Touch Me With Your Hailing Hands Amen, Please Help My Son In Law To His Sickness, Please Pray And Heal My Brothers To His Sickness, Please Pray And Heal Baby Faith, Please Help My Friend To His Eyes, Padre Pio Please Hear All Of Us Amen.
@HerminiaAmper-fw7yq
@HerminiaAmper-fw7yq 3 ай бұрын
Thanks God the Father for the blesssing that you have given to me,us today yesterday and tomorrow sorry God the Father for all my sin for all my life aleluya❤❤❤
@elisagravador8722
@elisagravador8722 Жыл бұрын
Saint Padre Pio Thank You For Everything You Given To Us, Please Pray For Us My Children My Grandchildren Protect Guide All Of Us, Forgive Our Sins We Commit Amen, Please Pray For My Son To Rebuild His Self And Family, Guide Protect Keep Him Safety, Padre Pio Please Help Me To My Children My Family To Be Together Again, Padre Pio Please Hear My Prayers And My Intention, Padre Pio Please Bless All Of Us Amen.
@emeritaandrade8110
@emeritaandrade8110 11 ай бұрын
Slmat po Padre Pio sa banal na messa at nka subay bay ako sa u hialing ko sa u Padre Pio pglingin muna ang aking kramdaman gayon din po ang alarji ko sa paa ko tulongan po nio ako mraming slmat po Amen .
@jesusgabionza8235
@jesusgabionza8235 Жыл бұрын
With my prayers and with ur intercession asking our lord jesus to grant my wishes
@normaangeles9774
@normaangeles9774 Жыл бұрын
Papuri sa iyo panginoon Jesu Christo Amen🙏🙏🙏🙏❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
@solherico5697
@solherico5697 11 ай бұрын
Morning padre pio patnobayan mo po ang aking noong pamillia pangalingin mo po ang may mga karamdaman maraming salamat po amen
@agripinasantos9956
@agripinasantos9956 Жыл бұрын
Hiling ko sa iyo mahal na santo Pio bigyan niyo ako ng magandang kalusugan
@agripinasantos9956
@agripinasantos9956 Жыл бұрын
Salamat po panginoon sa gabay mo sa aking pagtulog at ganon din sa maghapon sa aking kalusugan
@sergiolibunao2711
@sergiolibunao2711 11 ай бұрын
Santo Padre Pio pagalingin mo ang ami ng karamdaman. 🙏 🎉❤
@elisagravador8722
@elisagravador8722 Жыл бұрын
Panginoon, Dinggin Mo Po Ang Aming Panalangin Amen.
@HerminiaAmper-fw7yq
@HerminiaAmper-fw7yq 3 ай бұрын
Mapalad tayong lahat may mga Pari na laging nagmimisa sa ating lahat bigyan mo po sila ng good health wealth and protection me too sorry God the Father sa mga kasalanan ko In Jesus nameamen❤❤❤
@elisagravador8722
@elisagravador8722 Жыл бұрын
NASA Isip Ng Maykapal Ang Tipan Niya Kailanman . Amen.
@marissatsukada5029
@marissatsukada5029 11 ай бұрын
Pls pray for us and my family too amen🙏🙏🙏❤️❤️❤️
@marlynmolina5958
@marlynmolina5958 Ай бұрын
Amen
@remybidon5770
@remybidon5770 11 ай бұрын
salamat po padre pio sa magandang panahon
@edelynferreras2872
@edelynferreras2872 11 ай бұрын
Salamat po Santo Padre Pio🙏❤🙏
@agripinasantos9956
@agripinasantos9956 Жыл бұрын
Hiling ko din po bigyan niyo po sana ng baby na ang aking mga anak
@bendiaz2089
@bendiaz2089 Жыл бұрын
May lords and my gods panginoonnko at fios kolo
@normaangeles9774
@normaangeles9774 Жыл бұрын
Salamat sa diyos 🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
@Julia-wo3pz
@Julia-wo3pz Жыл бұрын
Salamat sa Diyos👏👏👏🙏🙏🙏♥️♥️♥️🌹🌹🌹📿📿📿
@remybidon5770
@remybidon5770 11 ай бұрын
panginoon itinataas ko po sainyo sina jona romark lowel n bigyan mopo sila ng kagalingan. salamat po
@elisagravador8722
@elisagravador8722 Жыл бұрын
Saint Padre Pio Be Centre Of Our Life Amen, Thank You For The Gift Of Our Life Amen.
@litta2043
@litta2043 3 ай бұрын
Magandang umaga po sa inyong lahat mahal napanginoon mahal na ina ng laging saklolo mahal napadre pio narito po akong muli at humihingi ng tawad sa lahat ng aking mga kasalanan at kami po ay muling nagpapasalamat at ginising po ninyong kaming muli sa umagang ito iyon ay napakalaking biyaya na ipinagkakaloob ninyo sa amin arawarawkaya po walang hangang pasasalamat naming lahat at muli po akong humihingi sa inyo ng gabay at patnubay sa aming maganak lalo po ako na marami ng nararamdamang sakit sa aking buong katawan kaya hiling ko po na ako ay inyong haplusin ng inyong mapaghimalang mga kamay ng sa gayonpo ay mapalis ang lahat ng sakit na aking nararamdama at ngayon po ako ay muling dumadalagin na ako ay gabay ninyosa aking nalalapit na operasyon na nasa po ay ako makaraos ng maluawalhati at ito po aking companyoay gabayan ninyo rin siya sa kanyang mga sakit pati po aking mga anak manugang apo at lahat ng mahal ko sa buhay pati po itong dalawa kong anak sila ay inihihingi ko rin ng gabay at patnubay sa inyong lahat sa kanilang arawaraw na pagtatrabaho at paglalakbay ng sa gayon sila ay makauwi ng ligtas sa kanilang pamilya at ito pong isa hiling ko pa rin at dalangin sa inyong lahatna siya ay ilayo sa kanyang masamang bisyo ito po ay hiling ng isang ina na nagmamakaawa sa inyo sana po ay aking makamit itong mga hiling kong ito sa inyo marami pong salamat sa inyong lahat at siya ay ilayo rin sa mga taong naglululong sa kanya sa bisyong ito at tungkol po naman sa aking permesso tapos na po ang aking pagtathumark kaya sana po ay aking makamit anghiling ko na maging carta sorgiono na wala po akong hangad kundi ang makamit ko ang lahat ng aking hiling at dalangin sa inyong lahat maraming marami pong salamat
@normaangeles9774
@normaangeles9774 Жыл бұрын
Dakilang Ama 🙏🙏🙏🙏❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
@lrfin.
@lrfin. Жыл бұрын
Padre Pio,Mama Mary,Nuestro Padre Jesus Nazareno thank you for always listening to my prayers..... praying for guidance and protection, blessings for all of us -All my Loved Ones -esp my Mom for her continuous recovery,happiness&long life, please protect all of us & all my loved ones from illness and danger and may God continue to bless us abundantly🙏in Jesus name Amen
@leilapena7209
@leilapena7209 Жыл бұрын
Praise to you O' Lord Jesus Christ, I trust in You! ❤️🙏🩷💜💖💞😊Amen
@leilapena7209
@leilapena7209 Жыл бұрын
Salamat santo padre Pio, sa patnubay at gabay mo sakin at sa aking mga anak, at apo..keep them safe from harm..all in Jesus name I Pray🙏
@evelyntalanobien5768
@evelyntalanobien5768 Жыл бұрын
Prayer for the repose souls of margarita, emilio sr., Amador Sr., Encarnation, victorino,, braulia, gregorio and 1:08:08
@normaangeles9774
@normaangeles9774 Жыл бұрын
Amen ❤❤❤
@amiealiser3199
@amiealiser3199 Жыл бұрын
Amen 🙏🙏🙏
@meleniafrondoso2293
@meleniafrondoso2293 Жыл бұрын
❤❤❤ Padre PIO please include me in your Mass intentions for my quickly recovery 🥰🥰🥰 and for the family unity of Doctor Vincenzo Scarpato ❤❤❤❤ From Italy 😇😇😇
@dionisiobueno3867
@dionisiobueno3867 11 ай бұрын
Amen...
@leticiavallejo6560
@leticiavallejo6560 Жыл бұрын
Lord salamat po sa lahat ng blessing at pag gabay samen sa araw araw ilayo mo po kami sa lahat ng masasama at ipagkaloob mo po samin ang kabutihan ng aming mga puso at isipan na laging magpakumbaba sa lahat amin ❤️
@Julia-wo3pz
@Julia-wo3pz Жыл бұрын
Salamat po Mahal na St. Padre Pio sa mga biyaya at pagpapala at sa paggabay at pagpatnubay mo sa amin ng buong pamilya ko AMEN🙏🙏🙏♥️♥️♥️🌹🌹🌹📿📿📿
@HerminiaAmper-fw7yq
@HerminiaAmper-fw7yq 3 ай бұрын
Mapalad sina Ariel at Aries na may good health wealth and protection sorry God the Father sa mga kasalanan nile
@elisagravador8722
@elisagravador8722 Жыл бұрын
Lord Jesus Christ, Padre Pio, You Are My Light, My Strength, My Hope, And My Salvation, Please Help Me And My Daughter Amen.
Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  1 Jul  2024  7a.m.
58:58
Catholic Mass Today Live (CMTL)
Рет қаралды 10 М.
CATHOLIC MASS  OUR LADY OF MANAOAG CHURCH LIVE MASS TODAY Jul 1, 2024  5:40a.m. Holy Rosary
1:18:14
The day of the sea 🌊 🤣❤️ #demariki
00:22
Demariki
Рет қаралды 91 МЛН
Frontline sa Umaga Rewind | July 1, 2024 #FrontlineRewindFSU FULL
26:12
“What can we do on our toxic behaviors?”
21:37
ASF Radio Station 91.9 FM
Рет қаралды 30 М.
TV Patrol Weekend Livestream | June 30, 2024 Full Episode Replay
29:36
Rosaryo para sa Kaluluwa ng Yumao • Tagalog Prayer for the Dead
32:51
Awit at Papuri Communications
Рет қаралды 59 М.
Store up riches for yourselves in heaven | (1st Jul 2024)
23:05
Divine Mercy Konkani Charismatic Group Bandra East
Рет қаралды 24 М.
WAITING AND BECOMING - An Advent Recollection with Fr. Dave Concepcion on Dec. 2, 2023
1:09:26
Fr. Dave Concepcion, EVERYTHING IS GRACE
Рет қаралды 209 М.
CATHOLIC MASS  OUR LADY OF MANAOAG CHURCH LIVE MASS TODAY Jun 1, 2024  5:40a.m. Holy Rosary
1:56:41