Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 5 Oct 2024 7a.m.

  Рет қаралды 11,374

Catholic Mass Today Live (CMTL)

Catholic Mass Today Live (CMTL)

Күн бұрын

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins
Sabado ng Ika-26 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. October 05, 2024
Paggunita kay Santa Maria Faustina Kowalska
UNANG PAGBASA
Job 42, 1-3. 5-6. 12-16
Pagbasa mula sa aklat ni Job
Ang sagot ni Job sa Panginoon:
“Alam kong magagawa mo ang lahat ng bagay,
anumang balakin mo’y walang makahahadlang.
‘Sinong nagsasalita nang walang nalalaman?’
Kaya ako ay humatol nang walang katuturan,
na hindi ko alam ang lahat ng mga bagay.
Nakilala kita sa balita lamang,
ngunit ngayo’y akin nang namasdan.
Kaya ako’y nagsisisi nang buong taimtim.
At ang sarili ko’y aking itinatakwil.”
Ang mga huling araw ni Job ay higit na pinagpala ng Panginoon. Binigyan niya ito ng labing apat na libong tupa, anim na libong kamelyo, dalawanlibong baka at sanlibong inahing asno. Nagkaanak pa si Job ng pitong lalaki at tatlong babae, na ang mga pangala’y Jemima, Kesia, Keren-hapuc. Sa buong lupain ay wala silang katulad sa ganda. Pinamanahan din niya sila, tulad ng mga anak na lalaki. Si Job ay nabuhay pa nang sandaa’t apatnapung taon. Nakabuhayan pa niya ang kanyang mga apo sa ikaapat na salinlahi bago siya namatay.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 66. 71. 75. 91. 125. 130
Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.
Ako’y bigyan mo ng dunong, ng tunay na karunungan,
yamang ako’y nagtiwala sa utos mong ibinigay.
Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.
Sa akin ay nakabuti ang parusang iyong dulot,
pagkat aking naunawang mahalaga ang ‘yong utos.
Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.
Nababatid ko, O Poon, matuwid ang iyong batas,
kahit ako’y pagdusahin, nananatili kang tapat.
Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.
Hanggang ngayon ay matatag, pagkat ikaw ang nag-utos,
alipin mo silang lahat sa iyo’y naglilingkod.
Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.
Bigyan mo ng pang-unawa itong iyong abang lingkod,
upang aking maunawa ang aral mo’t mga utos.
Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.
Ang liwanag ng turo mo’y nagsisilbing isang tanglaw,
nagbibigay dunong ito sa wala pang karanasan.
Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.
ALELUYA
Mateo 11, 25
Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba!
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 10, 17-24
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, bumalik na tuwang-tuwa ang pitumpu’t dalawa. “Panginoon,” sabi nila, “kahit po ang mga demonyo ay sumusunod kapag inutusan namin, sa ngalan ninyo.” Sumagot si Hesus, “Nakita ko ang pagkahulog ni Satanas mula sa langit - parang kidlat. Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tumapak sa mga ahas at mga alakdan, at yumurak sa kapangyarihan ng kaaway. Walang makapipinsala sa inyo. Gayunman, magalak kayo, hindi dahil sa suko sa inyo ang masasamang espiritu kundi dahil sa nakatala sa langit ang pangalan ninyo.”
Nang oras ding iyon, si Hesus ay napuspos ng galak ng Espiritu Santo. At sinabi niya, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo sa marurunong at pantas ang mga bagay na ito at inihayag mo sa mga taong ang kalooba’y tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayun ang ikinalulugod mo.”
“Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.”
Humarap si Hesus sa mga alagad at sinabi, na di naririnig ng iba: “Mapalad kayo, sapagkat nakita ninyo ang inyong nakikita ngayon! Sinasabi ko sa inyo maraming propeta at mga hari ang nagnasang makakita ng inyong nakikita ngunit hindi nila nakita. Hinangad din nilang mapakinggan ang inyong naririnig ngunit hindi nila napakinggan.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
#onlinemass #livestreammass #padrepiomass
Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL)
Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas

Пікірлер: 53
@leilapena7209
@leilapena7209 14 сағат бұрын
Praise God and glory to You Lord Jesus, i trust in You! Amen❤🙏💙🩷💜
@leilapena7209
@leilapena7209 14 сағат бұрын
Thanks be to God, salamat Panginoon sa lahat ng Biyaya at patnubay, gabay mo sa akin ganun din sa aking mga anak at apo...keep them always safe from harm, in good health to be good in school, in all this thru Jesus name i pervently PRAY❤🙏💙🩷💜🤗😘AMEN
@elisagravador8722
@elisagravador8722 4 сағат бұрын
Lord Jesus Christ, Padre Pio, You Are My Light, My Strength, My Hope, And My Salvation, Please Help Me And My Daughter Amen 🙏
@AmeliaTan-eu9zi
@AmeliaTan-eu9zi 13 сағат бұрын
Santo Padre Pio thank you for everything and please keep us always healthy and good protect us from dangers and illnesses.Amen ☀️☀️
@elisagravador8722
@elisagravador8722 4 сағат бұрын
Saint Padre Pio Be Centre Of Our Life Amen 🙏 Thank You For The Gift Of Our Life Amen 🙏
@einatomalutz4659
@einatomalutz4659 5 сағат бұрын
🙏 Prayer for healing, guidance, protection, wisdom, strength, peace of mind, freedom, safety, forgiveness, understanding, and love in Jesus name, Amen. 🙏
@elisagravador8722
@elisagravador8722 4 сағат бұрын
Saint Padre Pio Thank You For Everything You Given To Us, Please Pray For Us My Children My Grandchildren Protect Guide All Of Us, Forgive Our Sins We Commit Amen 🙏 Please Pray For My Son To Rebuild His Self And Family, Guide Protect Keep Him Safety, Padre Pio Please Help Me To My Children My Family To Be Together Again, Padre Pio Please Hear My Prayers And My Intention Amen 🙏 Padre Pio Please Bless All Of Us Amen 🙏
@elisagravador8722
@elisagravador8722 4 сағат бұрын
Saint Padre Pio Please Guide My Daughter Amen 🙏 Enlighten Her Heart And Mind, Erase All Hatered And Her Mind And Heart, Thank You Mama Mary Please Heal Her Amen 🙏 Please Help Me Back My Daughter To Us, Padre Pio Please Guide Me Give Strength And Hope Amen 🙏
@ImeldaErmita-ed3tg
@ImeldaErmita-ed3tg 4 сағат бұрын
Thank you Lord for all the blessings. graces, guidance & protection we’re receiving everyday amen 🙏
@irmat561
@irmat561 13 сағат бұрын
Thank you God for always answering our prayers. Thank you for all the blessings and the love ❤ to God be the Glory.
@concepcionbesana-raglon9094
@concepcionbesana-raglon9094 3 сағат бұрын
For the good health of all my sisters amen to that God bless concepcion
@vilmaarmado928
@vilmaarmado928 13 сағат бұрын
Padre pio Thanks be to god pls help guide bless us me and my familys everyday pls padre pio answers our prayers amen amen amen 👃👃👃💖💖💖
@pilardechavez2877
@pilardechavez2877 11 сағат бұрын
Thanked you Oh Lord Jesus Christ for all everything Padre Santo Pio Pray for us Amen always ❤🎉
@elizabethsantos7452
@elizabethsantos7452 5 сағат бұрын
Mahal na Sto Padre Pio ipanalangin mo po kami, ang kagalingan ng aming mga sakit, sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesukristo, amen🙏
@elisagravador8722
@elisagravador8722 4 сағат бұрын
Panginoon,Tumanglaw Ka Sa Lingkod Mo At Pagpapalain Mo Ako Amen 🙏
@soledadabila7607
@soledadabila7607 11 сағат бұрын
Mapalad po ako dahil lagi Ninyo akong napapangiti at napapatawa sa mga Pagninilay Ninyo. Maraming maraming SALAMAT po.
@prayingtherosaryJM
@prayingtherosaryJM 5 сағат бұрын
God, provide shelter for the homeless. Lead them to safe, secure places where they can rest and rebuild their lives
@dantemondano9210
@dantemondano9210 4 сағат бұрын
Mahal na St Padre PIO dingging mo Ang aming panalangin kaawaan mo kami
@concepcionbesana-raglon9094
@concepcionbesana-raglon9094 3 сағат бұрын
For my healing and peace of mind amen thank you lord Amen God bless concepcion and gary for all your blessing lord and remove all our trials in our life amen thank you lord Amen God bless concepcion and gary for all your blessing lord and remove all our trials in our life amen thank you lord Amen God bless concepcion and gary 🙏
@imeldamediavillo8634
@imeldamediavillo8634 12 сағат бұрын
Thank you our loving lord god for all the love blessings and mercy, amen.
@raymundadame
@raymundadame 5 сағат бұрын
PINUPURI AT PINASASALAMATAN PO NAMEN KAYO MAHAL NA PANGINOONG HESUKRISTO AMEN❤❤❤
@concepcionbesana-raglon9094
@concepcionbesana-raglon9094 3 сағат бұрын
Lord forgive all my sins and thank you for your blessing amen and amen to that God bless concepcion and gary for all your blessing lord and remove all our trials in our life amen thank you lord Amen God bless concepcion and gary
@rosanaromasoc1411
@rosanaromasoc1411 6 сағат бұрын
Mahal naming St Padre PIO muli yakapin po ninyo kami ng inyong mapagpalang panalangin at pagmamahal tungo sa aming kagalingan kalakasan kaligtasan kapanatagan ng aming katawan puso isipan at kaluluwa ipamagitan po ninyo kami sa ating Panginoong Hesukristo Our Divine Healer and Physician salamat po St Padre PIO salamat po, sa pangalan ni Jesus amen po amen ❤️🙏❤️
@vilmaarmado928
@vilmaarmado928 14 сағат бұрын
Pzdre pio thanks giving mass for me michael jerry cox erik angela ellamae elisea logan thanks for all the blessing you give to us good health guidance safety protection healing all our sickness bless our home everyday amen
@einatomalutz4659
@einatomalutz4659 5 сағат бұрын
🙏 Prayer of thanksgiving in Jesus name, Amen. 🙏
@elisagravador8722
@elisagravador8722 4 сағат бұрын
Saint Padre Pio Please Pray For Me And Help Me To Heal My Whole Body, Touch Me With Your Hailing Hands Amen 🙏 Please Help My Son In Law To His Sickness Amen 🙏 Please Pray And Heal My Brothers Sister To There Sickness, Please Pray And Heal Baby Faith And Gigi Nowen And Nene, Please Help My Friend And Ray To There Eyes, Padre Pio Please Heal All Of Us Amen 🙏
@vilmaarmado928
@vilmaarmado928 13 сағат бұрын
Padre pio pls help us pagalingin mo po lahat ng aming karamdaman me and my familys mawala na po kidney stone ni erik pain shouder niya paa kamay ko po manhid padre pio tulugan mo po ako makalakad ng nodmal amen
@eduardrivera1851
@eduardrivera1851 14 сағат бұрын
Maraming salamat po mahal naming Panginoon Hesus Cristo Nazareno pinupuri ka po namin Panginoon Diyos holy Mama Mary of Manaoag Mother of God, Saint Joseph, Saint Padre Pio ipanalangin nyo po kami at ilayu sa kapahamakan at mga sakit at gabayan araw araw at pagpalain nyo po kami Amen Aleluya lord 🙏 ❤️ 💛 🙏
@bellatrinidad9710
@bellatrinidad9710 14 сағат бұрын
Padre PIO thanks you po Lord sa lahat lahat ikaw ang manguna sa bawat isa sa amin lagi mu gabayan subaybayan ang anak ku apo manugang ku mga kapatid at inay tulungan mu rin po ako n maging matatag upang magampanan ko lahat ng obligation ku sa lahat lahat ng mahal ku sa buhay Amen 💞❤️❤️❤️❤️🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏
@user-dv4rv3tj6x
@user-dv4rv3tj6x 14 сағат бұрын
Father Pio salamat po sa patiloy nyong oag dinig sa mga pangangailsng namen ng mga mahal ko sa buhay sa oatuloy den po nyong paghinhi ng paggaling karamdaman ng aking mga namen ng mga nahal ko sa buhay sa aming mga dinaramdam . Salsnat po 🙏Anen😊
@elisagravador8722
@elisagravador8722 4 сағат бұрын
Panginoon, Dinggin Mo Po Ang Aming Panalangin Amen 🙏
@vilmaarmado928
@vilmaarmado928 14 сағат бұрын
Padre pio pls help guide bless us me my son michael erik to solve our financial problem tulugan mo po kami padre pio matapusan namin ito financial na ito gabayan mo po kami amin
@elizabethsantos7452
@elizabethsantos7452 5 сағат бұрын
Blessed Virgin Mary please pray for us🙏💐🌹
@vilmaarmado928
@vilmaarmado928 14 сағат бұрын
Padre pio good morning po pls help my son michael jerry cox to solve their financial problem tulugan mo po sila padre matapusan nila ito financial gabayan mo po sila sa work pag uwi ng bahay amen
@rosemarietugonon6822
@rosemarietugonon6822 13 сағат бұрын
THANKS BE TO GOD,FOREVER…❤️🙏🏻❤️
@CoraRivera-q9m
@CoraRivera-q9m 12 сағат бұрын
Salamat sa Diyos 🙏🙏🙏💓
@vilmaarmado928
@vilmaarmado928 14 сағат бұрын
Padre pio pls help guide bless my grand daughter to graduate their collage pls help them to pass their final exam padre pio pls hel ese cesa to pass their board exam amen
@concepcionbesana-raglon9094
@concepcionbesana-raglon9094 3 сағат бұрын
Remove all anger from gary raglon amen thank you lord Amen God bless concepcion and gary for all your blessing lord and remove all our trials in our life amen thank you lord Amen God bless concepcion and gary for all your blessing lord and remove all our trials in our life amen thank you lord Amen God bless concepcion and gary 🙏
@CoraRivera-q9m
@CoraRivera-q9m 13 сағат бұрын
Thank you Lord 🙏🙏🙏
@felybalbacal7323
@felybalbacal7323 15 сағат бұрын
Mahal na poong Santo Padre Pio .. salamat po uli sa umagang ito .. ligtas po kami lahat kagabing nag daan .. iiwas nyo din po ang 2 anak manugang at mga apo sa lahat ng uri ng sakit .. ilayo nyo din po sila sa mga tao na nagawa ng masama sa kapwa … ipagkaloob nyo din po makamit nila lahat ang kanilang mga pangarap sa buhay … gabayan nyo din po lagi sila sa lahat ng oras at iligtas sa lahat ng klase ng panganib .. kayo na po ang bahala sa kanila … pagalingin nyo na din po ng tuluyan ang akng mga nararamdaman sa katawan .. lalo na po ang akng sikmura at hirap sa paghinga paminsan minsan … patigilin nyo din po ang mga nag aaway away na mga bansa .. at ang mga politiko dito sa bansang pilipinas .. manatili po uli kayo sa aming tahanan sa maghapong ito … AMEN…
@chrstopherachas3616
@chrstopherachas3616 13 сағат бұрын
Catechism must inform to all Catholic Church.. to receive the body of christ, follow the CARES of the church, confession, Adoration ,Rosary,Eucharist,Sacrament and sacramentals, and being in the State of Grace, Godbless us all.
@CoraRivera-q9m
@CoraRivera-q9m 13 сағат бұрын
Special intention for my healing Corazon Rivera
@MarilynGMaca
@MarilynGMaca 2 сағат бұрын
Amen!
@CoraRivera-q9m
@CoraRivera-q9m 13 сағат бұрын
Special intention for my Family Corazon Rivera
@littaaclan7093
@littaaclan7093 11 сағат бұрын
Magandang umaga pong muli sa inyong lahat mahal na panginoon mahal na ina ng laging saklolo mahal na padre pio mahal na poong jesus nazareno at lahat ng mga santo at santa narito po akong muli at humihingi ng tawad sa lahat ng aking mga kasalanan at ngayon po ay muli kaming nagpapasalamat at kami ay muling ginising sa umagang ito kaya po walang hanggang pasasalamat at kami ay muling nagising sa arawarawa at ngayon po ay muli akong humihingi ng gabay at patnubay sa inyong lahat na kami ay inyong gabayan para sa aming maganak lalo po ako na marami ng nararamdama ng sakit sa aking buong katawan kaya po hiling ko sa inyong lahat na ako ay inyong haplusin ng inyong mapaghimalang mga kamay ng sa gayon po ay mapalis ang lahat ng sakit sa aking buong katawan sa tulong po ninyong lahat ay mawala ang lahat ng sakit sa aking buong katawan pati na po itong aking companyo anak manugang apo at lahat ng mahal ko sa buhay at ngayon po ay muli akong humihingi ng gabay at patnubay sa inyong lahat para dito sa dalawa kong anak na sila ay inyong gabayan sa kanilang arawaraw na pagtatrabaho at paglalakbay ng sa gayon po sila ay makauwi ng ligtas sa kanilang pamilya at ito pong isa ay muli koring inihihingi ng gabay at patnubay sa inyong lahat na siya ay inyong gabayan para siya ay inyong mailayo dito sa kanyang masamang bisyo na ipinagbabawal na gamot ito po ay hiling at dalangin sa inyong lahat ng isang ina na nagsusumo at nagmamakaawa sa inyong lahat na ako ay inyong matulungan dito sa problemang ito sa aking anak na siya ay tuluyan na ninyong mailayo dito sa kanyang bisyong ito na ipinagbabawal na gamot kaya po mahal na ama ako po ay muli ring humihingi saiyo ng gabay at patnubay para ako ay iyo ring matulungan dito sa problemang ito sa aking anak na siya ay iyo ring mailayo dito sa kanyang kinasadlakang bisyo na ipinagbabawal na gamot kaya po hiling ko sa inyong lahat na siya ay inyong haplusin ng inyong mapaghimalang mga kamay sa oras na siya ay gumagamit ng sa gayon po siya ay mataohan na para siya ay tumigil na dito sa kanyang bisyo kaya po mahal na ama ako po ay walang sawang humihingi saiyo ng awa at walang sawang nagsusumo at nagmamakaawa na sana po ako ay iyong mapakinggang sa aking mga hinaing na ito para sa aking anak na siya ay tuluyan ng mailayo ninyong lahat sa kanyang bisyong ito at mailayo rin sa mga taong siyang naglululong sa kanya sa bisyong ito na ipinagbabawal na gamot kaya po mahal na ama ako po ay umaasa na sana po ay iyo ng maipagkaloob sa akin itong aking mga kahilingang ito sa akin at umaasa na aking makamit na ito alam kopo naman na hindi mo ako pinababayaan sa lahat ng aking mga problema at lagi kayong nasa aking tabi at laging handang tulungan sa orasoras arawaraw at handang ibigay ang iyong dalawang kamay sa lahat ng tulong na aking kailangan lalonglalo na sa aking mga financial na panggailangang kaya po ako ay walang hanggang nagpapasalamat sa lahat ng mga tulong na inyong na ipinagkaloob sa amin at sa aming mga natatanggap na tulong kaya po ako ay wala paring sawang humihingi ng mga biyayang ipagkakaloob sa amin ang biyayang siksik liglig at umaapaw na biyaya kaya po maraming marami pong salamat sa lahat ng biyayang aming natatanggap❤❤❤❤❤❤
@soledadabila7607
@soledadabila7607 11 сағат бұрын
AMEN
@bellatrinidad9710
@bellatrinidad9710 14 сағат бұрын
Padre PIO thanks you po Lord Amen 💞❤️❤️❤️❤️🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏
@reycabugnason6275
@reycabugnason6275 15 сағат бұрын
Gd am censya na po dapat isa lang po ang sumasagot hindi po sabay salamat po God bless
@dantemondano9210
@dantemondano9210 4 сағат бұрын
Mahal na St Padre PIO dingging mo Ang aming panalangin kaawaan mo kami
@elizabethsantos7452
@elizabethsantos7452 5 сағат бұрын
Salamat sa Diyos🙏
@felybalbacal7323
@felybalbacal7323 15 сағат бұрын
Mahal na poong Santo Padre Pio .. salamat po uli sa umagang ito .. ligtas po kami lahat kagabing nag daan .. iiwas nyo din po ang 2 anak manugang at mga apo sa lahat ng uri ng sakit .. ilayo nyo din po sila sa mga tao na nagawa ng masama sa kapwa … ipagkaloob nyo din po makamit nila lahat ang kanilang mga pangarap sa buhay … gabayan nyo din po lagi sila sa lahat ng oras at iligtas sa lahat ng klase ng panganib .. kayo na po ang bahala sa kanila … pagalingin nyo na din po ng tuluyan ang akng mga nararamdaman sa katawan .. lalo na po ang akng sikmura at hirap sa paghinga paminsan minsan … patigilin nyo din po ang mga nag aaway away na mga bansa .. at ang mga politiko dito sa bansang pilipinas .. manatili po uli kayo sa aming tahanan sa maghapong ito … AMEN…
@alexanderbartolome9510
@alexanderbartolome9510 6 сағат бұрын
Amen
@dantemondano9210
@dantemondano9210 4 сағат бұрын
Mahal na St Padre PIO dingging mo Ang aming panalangin kaawaan mo kami
SUNDAY FILIPINO LIVE MASS TODAY ONLINE II OCTOBER 6, 2024 II FR. JOWEL JOMARSUS GATUS
59:57
Mahimalang Panalangin kay PADRE PIO (Non-stop) • Tagalog Catholic Prayers
55:00
Awit at Papuri Communications
Рет қаралды 27 М.
Un coup venu de l’espace 😂😂😂
00:19
Nicocapone
Рет қаралды 4,1 МЛН
Incredible: Teacher builds airplane to teach kids behavior! #shorts
00:32
Fabiosa Stories
Рет қаралды 11 МЛН
哈莉奎因怎么变骷髅了#小丑 #shorts
00:19
好人小丑
Рет қаралды 56 МЛН
FILIPINO MASS TODAY LIVE HEALING MASS | OCTOBER 5, 2024 | Fr. Joseph Fidel Roura
45:28
CATHOLIC MASS  OUR LADY OF MANAOAG CHURCH LIVE MASS TODAY Oct 5, 2024  5:05a.m. Holy Rosary
1:38:26
MAHIMALANG PANALANGIN • Tagalog Catholic Prayer for Miracle
29:25
Awit at Papuri Communications
Рет қаралды 459 М.
Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  03 Feb  2024  7a.m
1:06:12
Catholic Mass Today Live (CMTL)
Рет қаралды 23 М.
EVERYTHING IS GOOD BUT MAY NOT ALWAYS BE BEAUTIFUL - Homily on EASTER VIGIL by Fr. Dave Concepcion
29:30
Fr. Dave Concepcion, EVERYTHING IS GRACE
Рет қаралды 207 М.
CATHOLIC CHURCH LIVE MASS TODAY || Oct  05  SATURDAY MASS  |  REV FR DOUGLAS BADONG
1:11:01
Catholic Mass Today Live (CMTL)
Рет қаралды 16 М.
Un coup venu de l’espace 😂😂😂
00:19
Nicocapone
Рет қаралды 4,1 МЛН