Рет қаралды 3,320
Kung digmaan man talaga ang nasa isip ni Chot Reyes (chot reyes flag pin), sa dalawang laro sa ating home court, tila tayo'y bigo at nagapi. Gayunpaman, buti na lang at mayroon pa ring pag-asa. At ang mahalaga naman para sa kanya ay palaging mayroong natutunan. Tara, balikan natin ang naging tunggalian at magpulot na lang ng aral. #gilas #fibawc #puso
Ibaling na lamang natin marahil ang ating atensyon sa mga bagay na maaari nating ipagdiwang. Nandoon pa rin ang ating crowd na patunay kung gaanong ang basketball ay napakalaki at napakahalaga sa mga Pilipino. Isama mo pa ang mala-Kareem Abdul-Jabbar na hook shot nitong si Kai Sotto.
Ang pinaka-consistent natin na marahil na nagbibigay ng ambag para sa gilas ay itong sina Dwight Ramos, June Mar Fajardo at AJ Edu. Kahit pa puro katawang Zion Williamson pa ang kaharap, sila ang nanatiling matatag para sa gilas. Ginawa naman nila kung ano ang kinailangan mula sa kanila.
May go-to-guy na nga tayo, ngunit paano kung hindi siya kumokonekta? Bagaman tila inalat si Jordan Clarkson, at marahil dahil na rin sa kanya talaga nakatuon ang depensa, siya ay nakapagbigay pa rin naman ng puntos na dalawampu't isa. Tapos dagdagan mo pa ng pitong pasa na na-i-convert sa puntos ng mga kakampi niya.
Anong masasabi ninyo sa larong ito? Tila hirap talaga o napag-iwanan na nga ba ang Pilipinas sa international arena? Kung may dapat baguhin o papalitan, ano o sino sa tingin ninyo ang una sa listahan? Ilagay niyo lang sa comment section at babasahin natin iyan.
__________________________________________________________________________________
Manood ng live!
Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!