Рет қаралды 121
July 18, 2024
Ating pakinggan ang mensahe ng ating City Nutrition Action Officer Dr. Julio P. Javier II ngayong Nutrition Month!
"Hindi na lingid sa atin ang iba’t-ibang programang pang nutrisyon na ating isinasagawa sa buong lungsod ng Las Pinas. Sumasailalim sa maayos na pagpaplano ang bawat proyekto na kabilang sa pagpapatupad ng Philippine Plan of Action for Nutrition o mas kilala sa tawag na PPAN.
Ang tema ng Nutrition Month para sa taong ito ay “SA PPAN: SAMA- SAMA SA NUTRISYONG SAPAT PARA SA LAHAT” Ating patuloy na pinapaigting ang kooperasyon at maayos na pagpaplano mula sa barangay level, mga stakeholders, local at national level. Collaborative effort, dedication at commitment, ang isa sa mga solusyon upang masigurado na naisasagawa
ang mga programa na akma sa pangangailangan ng ating mga
mamamayan.
Sa ating patuloy na pakikisa, masisigurado natin ang kalidad at
napapanahon na mga nutrition interventions para sa kalagayan ng mga buntis, nag-papasusong ina, bagong-silang na sanggol , mga bata, senior citizens at maging ang mga Person with Disabilities.
Malaki ang ating pag-asa na sa pamamagitan ng bawat isa ay maaagapan natin ang pangamba sanhi ng pagtaas ng malnutrition rate.
Ang inyo pong pakikiisa ay mag-sisilbing gabay at mag-papalakas ng serbisyo publiko mula sa ating Lungsod ng Las Pinas.
Muli, maraming salamat po at Happy Nutrition Month!"
#OurHome
#TuloyAngTapatAtProgresibongSerbisyo
Official Facebook Page:
/ cityoflaspinasofficial
Official Nutrition Facebook Page:
/ lpcnutrition