Рет қаралды 7
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat!
Samahan niyo po ako ngaung araw sa ating Daily Devotion.
2 Corinto 1:4 ASND
Pinalalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, para sa pamamagitan ng kalakasan ng loob na ibinigay sa atin ng Dios ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap.”
Morning Devotion:
Pagpapalalim:
Sabi sa 2 Corinto 1:4, “Pinalalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, para sa pamamagitan ng kalakasan ng loob na ibinigay sa atin ng Dios ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap.” Ipinapakita ng talatang ito na ang ating mga pagsubok ay hindi lang para sa atin. Kapag naranasan natin ang kaginhawahan ng Diyos, nagiging instrumento rin tayo para ibahagi ang Kanyang lakas at pag-asa sa iba. Ang comfort na nakuha natin mula sa Diyos ay nagiging blessing para sa iba.
Tanong sa Pagninilay:
Sino ang pwede mong lapitan o damayan ngayon na nangangailangan ng lakas ng loob?