Рет қаралды 10
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat!
Samahan niyo po ako ngaung araw sa ating Daily Devotion.
Marcos 5:34 ASND
“Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Jesus, “Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa. Magaling ka na.””
Morning Devotion:
Pagpapalalim:
Ang kwento sa likod ng talatang ito ay tungkol sa isang babaeng may 12 taon nang dinaranas na sakit. Lumapit siya sa Panginoong Jesus na may matinding pananampalataya na kahit ang paghawak lang sa laylayan ng Kanyang damit ay makakapagpagaling sa kanya. At tama siya-pinagaling siya ng Pamginoong Jesus, hindi lamang sa kanyang pisikal na karamdaman kundi maging sa kanyang espiritwal na aspeto.Kapag lumapit tayo sa Panginoong Jesus nang may pananampalataya, may kapayapaan at kagalingan tayong matatanggap-hindi lang sa katawan, kundi sa ating puso at buhay.
Tanong sa Pagninilay:
Paano mo naranasan ang kapayapaan ng Diyos sa araw na ito?
May mga bagay pa ba na gusto mong ipagkatiwala sa Kanya bago matulog?