Рет қаралды 5,207
Demo Teaching for Filipino
Paksa : Paghahambing
📌Paghahambing
- ang tawag sa pang-uri kung ito'y naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangalan o panghalip.
* Mayroong Dalawang Uri ang Kaantasang Paghahambing*
1.Paghahambing na magkatulad.
2.Paghahambing na di - magkatulad.
📌Paghahambing na magkatulad
- ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas n katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing, sing, magkasing o kaya ay ng mga salitang gaya, tulad, paris, kapwa at pareho.
Halimbawa
1.Magkasingganda kami ni Angelina Jolie.
2.Pareho silang guro sa Cahagnaan National High School.
3.Kapwa sila matataba.
📌Paghahambing na di - magkatulad
- ginagamitan ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian.
*Mayroon itong dalawang uri:
1.Pasahol
2.Palamang
📌Pasahol
- kung ang hinahambing ay mas maliit, gumagamit ito ng mga salitang tulad ng lalo, di-gaano, di-totoo, di- lubha o di- gaasino.
Halimbawa
1.Lalo siyang gumaganda ng tumira sa America.
📌Palamang
- kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan , gumugamit ito ng mga salitang higit, labis at di- hamak.
Halimbawa
1. Di - hamak na maputi ako kay Mica.
2. Higit na matalino ang lolo ko sa lola mo.
Disclaimer : Di kami bihasa at kasalukuyan pa kaming nag-aaral.
Ito naman po ang panibago kong video tungkol naman sa demonstration teaching kung saan naantasan kami na gumawa nito.
#Demonstrationteaching #MajorinFilipino