Dinakita | (c) Awi Columna x Agsunta | Official Music Video

  Рет қаралды 132,164

Agsunta

Agsunta

Күн бұрын

Awi Columna and Agsunta released the official music video of their first collaboration single "Dinakita", produced by Eleven Beats.
The music video is Directed by Alec Columna together with the up and coming production company, Katha Creatives.
Dinakita is a song about the POV of a person struggling as a result of falling out of love with their partner.
NOW AVAILABLE in SPOTIFY, APPLE MUSIC and other Digital Stores
link bit.ly/3xLWT5B
Dinakita Official Lyrics
Di na kita mahal tulad ng dati
Di na rin hinahanap pag
Wala sa 'king tabi
Di na kita makita
Sa pangarap ko sinta
At parang manhid na din ang puso
Pag nakasama ka
Ano pa ba ang dapat ko'ng gawin
Pano ko ba to aaminin
Salitang di ko na alam
Kung san ko hahagilapin
Nalilito na rin ako sa sasabihin
Masaya naman tayo nun
Naiwan ka na nga lang dun ngayon
Di ko rin akalain matutuyot ang damdamin
Nag-iba ihip ng hangin kahit
Wala ka namang maling nagawa
Pero biglang nawala
Ang aking nadarama
Di na kita mahal tulad ng dati
Di na rin hinahanap pag
Wala sa 'king tabi
Di na kita makita
Sa pangarap ko sinta
At parang manhid na din ang puso
Pag nakasama ka
Pinilit ko rin na ayusin to
Hinanap ko lang din ang sarili ko
Di ko sayo natagpuan
Aking pinagpaguran
Di pala ikaw ang dahilan
Yoko lang din maghanap pa
Ng panlinlang para sisihin ka
Wala ka namang maling nagawa
Pero biglang nawala
Ang aking nadarama
Di na kita mahal tulad ng dati
Di na rin hinahanap pag
Wala sa 'king tabi
Di na kita makita
Sa pangarap ko sinta
At parang manhid na din ang puso
Pag nakasama ka
Sadyang ganyan talaga ang tadhana
Siguro nga'y la nang pag-asa
Wala naman sa 'ting nagkasala
Nawala lang ng kusa
Kislap nating mga mata,
Tibok na ’yong nadarama,
Kahit na anong gawin
Di ka na masaya
Tumingin ka pabalik
Di mo ba nakikita
Na nadurog ako
Sa salitang iyong sinabi na
Kasi wala ka namang maling nagawa
Pero biglang nawala
Ang aking nadarama
Di na kita mahal tulad ng dati
Di na rin hinahanap pag
Wala sa 'king tabi
Di na kita makita
Sa pangarap ko sinta
At parang manhid na din ang puso
Pag nakasama ka
Laging pabalik balik
Sa isip paulit ulit
Naririndi na sayong
Mga salitang
Sana'y malimot na
#DinakitaMV #AwiColumna #TeamAgsunta #showsomeppllove

Пікірлер: 633
@dexteramestoso4637
@dexteramestoso4637 Жыл бұрын
Parang mabaliw baliw din ako nung nasa barko ako nun nung sinabi nya, "anong gagawin ko Wala na ko maramdaman" di ko Alam pano mag start ulit after Ng 5 years na sankanya Lang umiikot Mundo ko. ngayon masaya na ko at nakita nya na Yung totoong mag mamahal sakanya. oo masakit pa ngayon pero pinipilit ko na Lang maging masaya para sakanila.
@teptepbajacan2354
@teptepbajacan2354 Жыл бұрын
After that pre ikaw naman ang mag sasabi na dinakita makita.
@Pinktulips220
@Pinktulips220 Жыл бұрын
Masasanay ka rin. Magugulat ka nalang someday
@sara.4408
@sara.4408 Жыл бұрын
💔
@analizaestapia4014
@analizaestapia4014 Жыл бұрын
Bro nd ka nag-iisa. 9 years kami ng ex ko.. tibayan mo lang sarili mo... sadyang mapaglaro ang tadhana... ingatan mo sarili mo. Wag mo sayangin ang buhay mo sa isang tao. Alalahanin mo my nag aantay pa sayo. Mahal ka ng pamilya mo. Kung maramdaman mong wla nang nagmamahal sayo. Nagkakamali ka. Nangyari yan kasi may much better na nag aantay sayo sa future. God bless bro. From Rexon..☝
@krisdiaz9033
@krisdiaz9033 Жыл бұрын
Lilipas at kukupas din ating mraramdamang pagmamahal at sakit.Padayon lavan lang💪🏻😇
@awicolumna
@awicolumna Жыл бұрын
Sa mga nasasaktan, ipagdadasal ko na sana balang araw makahanap kayo ng tamang tao para sa inyo ❤‍🩹
@jonalique1718
@jonalique1718 Жыл бұрын
Soon😇
@davecarpo4459
@davecarpo4459 Жыл бұрын
Soon!
@paulloki2097
@paulloki2097 Жыл бұрын
💡🌱💛
@anabeleclores3730
@anabeleclores3730 Жыл бұрын
😭🙏
@babychief3725
@babychief3725 Жыл бұрын
Wala naman talaga tamang tao, pero may taong mag papahalaga Sayo ❤️
@BURONGRATTAN
@BURONGRATTAN Жыл бұрын
Solid to! Ang ganda ng kanta + grabe yung twist ng story sa video na to. Sana isa pelikula to.
@davidcajulao6002
@davidcajulao6002 Жыл бұрын
May taong mananatili sa puso, pero hindi sa buhay natin. That's life bro :'
@ailyndelacruz1733
@ailyndelacruz1733 Жыл бұрын
Padayon sa mga nasasaktan parin sa mga oras na ito, isang umaga gigising din tayo na wala ng sakit, malaya na tayo sa lungkot at trauma. Kapit lang!
@albertorbe3183
@albertorbe3183 Жыл бұрын
LDR may result into this. Walang may gusto, walang pinalano biglaan mo na lang mararamdaman, magbabago yung pagtingin, mawawalan ng direksyon yung plano. Mahirap nang ipilit ang bagay na wala na, mas maige pang bumitaw kesa ipilit ang bagay na hindi mo na kaya pang hawakan. Parehas lang kayong magkakasakitan physically and emotionally bandang huli. Mahirap at masakit, pero yun ang tamang gawin! ❤️
@jennlevina7902
@jennlevina7902 Жыл бұрын
Yes tama ka. 4 years kaming live in. Then 6 mos palang na LDR because work nagbago na agad . Nafall na agad sa iba 😥
@dpool4572
@dpool4572 Жыл бұрын
💔💔💔💔 sakit sobra umikot mundo ko sa kanila ng anak nya nag pakatino ako. Naging tapat ako sa kanya bigay lahat sa kanya at para sa anak nya kasi alam ko dun sila magiging masaya pero hindi pa pala nalaman ko nitong taon lng. Sya pala nag loloko pinatawad ko pero paulit ulit parin pading ginagawa
@janceemoradillo6825
@janceemoradillo6825 Жыл бұрын
sa lahat ng iniwan o naiwan, hihilom ang lahat, don't settle for less guys u deserve better!! laban peeps!!!! may dadating talaga sa buhay mo na kumbaga lesson lang at para makita mo worth mo❤️❤️
@allycorpuz394
@allycorpuz394 Жыл бұрын
FALLING OUT OF LOVE IS A MYTH.If u genuinely love that person u will never run out of love. Love is not all about feelings , its also abt commitment.If u fall out love then, maybe hindi ganon kalalim yung pagmamahal na meron ka.
@micaellanerona884
@micaellanerona884 Жыл бұрын
Masarap magmahal, masarap sa pakiramdam ang mahalin. Yung pakiramdam na gigising ka sa umaga ng genuinely happy, nagiging productive ka dahil payapa ang isipan at puso mo dahil nagmamahal ka at minamahal ka. Yung pakiramdam na mahal mo talaga yung tao at makita mo lang siya na masaya, masaya ka na rin. Yung pinapahalagahan ka, yung pagmamahal na hindi lang pinilit, hindi nanlilimos, kusa lang binibigay dahil deserve mo. Pero hindi lang puro kilig, at saya ang relasyon. Darating ang mga araw na may mga pagsubok, pagbabago. Sa pag-ibig kahit gawin o ginawa mo na ang lahat, binigay mo na ang lahat. Hindi natin mapipilit ang isang tao na piliin tayo hanggang dulo, na kahit ano pa ang gawin mo para manatili sila sa buhay mo kung gusto na nila umalis sa piling mo, aalis sila at kailangan na lang natin tanggapin at palayain sila. Kahit sabihin sa atin ng taong mahal natin na "DI NA KITA MAHAL" dapat mas mahalin mo naman ang sarili mo, lagi natin tatandaan na mas mahal dapat natin ang ating mga sarili. Kapag alam mo sa sarili mo na binigay mo na ang lahat o ginawa mo na ang lahat, naging mabuti ka at alam mo na hindi ka naman nag kulang then set them free tulad ng gusto nila. Dahil ang pag-ibig hindi lang yan lagi tungkol sa pagmamahal at pagpapahalaga na binibigay mo sa ibang tao, kundi tungkol din ito sa pagmamahal at pagpapahalaga na binibigay mo sa SARILI MO. ❤
@SymbianizeLegend
@SymbianizeLegend Жыл бұрын
Salamat dito 💔 Mejo nakalimutan ko na nga din mahalin muna ang sarili ko..
@mawiyaparma5502
@mawiyaparma5502 Жыл бұрын
Thank you sa pag papaalala na mas kailngan palang mas mahalin ang sarili bago ang iba.🤧
@Tinybubbleszzz
@Tinybubbleszzz Жыл бұрын
Sabi na dapat sarili talaga inuuna 😢
@ardydimabuyu3091
@ardydimabuyu3091 Жыл бұрын
❤️‍🩹❤️‍🩹❤️‍🩹❤️‍🩹
@adamcosio636
@adamcosio636 Жыл бұрын
"Tamang tao, maling oras at pagkakataon" "May mga tao tayong makikilala pero magiging bahagi lang sila ng istorya natin"
@jessamula2417
@jessamula2417 Жыл бұрын
Grabeeeeee..... tinamaan ako ng husto sa mga salitang to. Ung feeling na maayos na kayo. Mahal nyo ang isat isa,nag pa plano na Kayo ng para sa future. pero hindi pala kayo pwede. Ung taong inakala mo na sasalba sayo sa pagkalunod at pagka wasak. Iiwan ka din ulit. Kahit naramdaman nyo na nasa tamang tao na kayo. Pero mali pa din ung oras. At hindi sa inyo ang pagkakataon. Naging Isa lang sya sa kwento sa pahina mo pero hindi nanatili hanggang dulo. 😔😔😔
@hazellevidanes9177
@hazellevidanes9177 Жыл бұрын
Parang nakakalungkot lang, at the same time nakakatakot. Parang kahit anong gawin or kahit wala kang gawing mali, kung di tlaga kayo para sa isat-isa, wala kang magagawa. Sa mga nasa ganitong sitwasyon, hindi natin alam yung pain na mayroon sila. But I hope someday mahanap nila yung peace and genuine love. Deserve natin lahat ng tunay na saya. ❤
@marcjohnmanuel4058
@marcjohnmanuel4058 Жыл бұрын
Strong lang lagi🤍🤍🤍
@angelamayangulo9486
@angelamayangulo9486 Жыл бұрын
Hello from the other side (almost 5yrs), ang bilis ng araw it's been 3yrs simula nung binalik mo ako sa family ko. Thankyou 🙂
@marwingernale8885
@marwingernale8885 Жыл бұрын
ANG PAGMAMAHAL SOBRANG LUPET, MASAYA O MASAKIT KUNG ANO MAN ANG PINADAMA SAYO NG PAG-IBIG KAILANGAN MO TONG TANGGAPIN AT INTINDIHIN, KAYA MAG "ALIW" WAG MABALIW, "MAGMUNI-MUNI" KASI PAG INIWAN KANA AT "DINAKITA" ANG PAG-IBIG HINDI MONA MAIBABALIK "MULI"ANG "DATI".
@CHORDSTV
@CHORDSTV Жыл бұрын
This song reminds me how mental health is very important. If someone is trying to destroy your inner peace or doesn't have any care for your mental health, it is better to end up your connection with them. Look for the right people who really cares and know your your worth as a person. But be wise. Baka kasi yung iba nagpapanggap lang na may care pero tinitake advantage ka na pala. Palagi mong tatandaan, mahalaga ka.
@ciruelajudylynne7879
@ciruelajudylynne7879 Жыл бұрын
Alam mo yung masakit? Yung natapos kayo dahil hindi kana mahal. Hindi na niya maramdaman na mahal ka pa niya. Kahit sinubukan niyo naman, pero wala na talaga. Gusto ko matutunan niyang mahalin ulit ako. Hindi ko alam kung paano. Hindi na rin naman ako ang pipiliin niya kung sakali. Ang sakit lang. Kinulong ko kasi ang sarili ko sa kaniya. Bumuo ako ng pangarap na kasama siya pero ako na lang mag isa ang tutupad. Sana one day magising na lang din ako na hindi ko na siya mahal para hindi na masakit.
@xelamarlood1605
@xelamarlood1605 Жыл бұрын
masakit man tanggapin.. na di mo na ako mahal at mas pinili mo yung iba kysa ayusin ung atin.. kung saan ka sasaya.. masaya na rin ako
@bktraigo9304
@bktraigo9304 Жыл бұрын
Sa buhay natin meron tlgang darating para maging katulong natin sa pangarap natin, huhubugin tayo para mas maging handa sa lahat ng ating pgdadaanan, pero hanggang dun lang pala at hanggang dun lng tlga ang pwd. Sa lahat ng mga nasasaktan ngaun sige lng lang, in time may darating din na para satin tlga at mas deserve natin ng taong mas worthy sa pagmamahal natin. Laban lng ngitian lng natin yan ang buhay eh
@Dstn2404
@Dstn2404 Жыл бұрын
Di nako magugulat kung ikaw pa may ganang malungkot ngayon, sisihin mo man sarili mo wala nang mangyayari. Kaya ko to di na kita hahanapin, salamat sa wala.
@theprincessytaa2332
@theprincessytaa2332 Жыл бұрын
ang sarap magmahal. sa una nga lang masaya 💔
@dracyertv9829
@dracyertv9829 Жыл бұрын
Need deep rest for depression🙏☝ Ilalayo sayo nang panginoon ang mga taong sasaktan ka Lang, at papalitan nang mga taong makakabuti sayo That's what we called "god protection"
@petercar722
@petercar722 Жыл бұрын
masaya kana sa piling iba pero ako heto parin at mag isa nakakulong sa mga masasaya nating alaala.
@chrischanmaiso9249
@chrischanmaiso9249 Жыл бұрын
Kahit masaya kana sa Karelasyon mo ngayon, bigla ka nlg masasaktan pag pinanuod motong vid eh #EMOTIONALDAMAGE
@dangvillaruel2165
@dangvillaruel2165 Жыл бұрын
"di na kita mahal" sobrang sakit nung sinabe niya to sakin nag tiis ako ginawa ko siyang mundo nung time na yun at ngayon still waiting to her kahit malabo at kahit alam kong may bago na.
@royxen6514
@royxen6514 Жыл бұрын
Ganito nangyare saakin almost 1 month na nakalipas na gulong gulo ako sa sarili ko na para bang mabaliw sa kaniyang sinabi na, "May iba akong gusto". At, nalaman ko pa sa iba na may bf na pala siya. Nagsama kami halos isang taon na puno ng saya, kilig, pagmamahalan, at malalaman mo na lang na hindi na ikaw ang kaniyang minimithi pero heto ako, mag isang lumalaban para kalimutan ang isang bagay na pinagsamahan. Sobrang sakit lang.
@creq.mpuffs3408
@creq.mpuffs3408 Жыл бұрын
ang hirap na ung taong binuo mo ng taon, biglang mawawalan ng pakeelam sayo. gumising nalang ako isang araw di nya na ako mahal
@rannzeroone
@rannzeroone Жыл бұрын
I wish i can go back. Turn back time and pause to the time where i can still fix us.
@johnlawrenceanciano9369
@johnlawrenceanciano9369 Жыл бұрын
Share ko lang experience ko sa past relationship ko. I've been in a relationship in 7 years with my high school bestfriend and eventually became my partner. We are all goods, we struggle sometimes but we fix it together. Pass forward, I became part of the Ph. Navy training for Officer so I decided to pursue that career, masaya pero malungkot den kasi almost a year ako mag te training so maiiwan ko yung partner ko. Very supportive naman den talaga sya at nag set kami ng mga plans namin once na makapag tapos ako sakeng training at maging ganap na sundalo na. Nagdaan ang mga buwan, naging maganda naman sa simula ang journey ko sa loob pero nagkaroon ako ng problema, na fractured ko yung left arm ko so dahil don na pull out ako sa training center. Sobrang lungkit ko that time, halos gabi gabi nagkakaroon ako ng anxiety kung ano nang mangyayare saken. Pero may mas lalong nagpa lungkot saken. Yun ay nung malaman ko pag uwi ko may bago nang nakakasama yung taong mahal ko. Yung kaisa isang tao na inaasahan kong dadamayan ako sa pinagdadaanan ko ay wala na. Nangyare lahat nang yon ng dahil lang sa kagustuhan kong tuparin ang pangarap ko para sa sarili ko, para sa pamilya ko at para sa aming dalawa sana ng partner ko. Almost 2 years na ren ang nakakaraan, mahirap at matagal yung pag mo move on pero eventually naging okay naman den ang lahat. Special thanks sa mga friends ko na sinamahan ako, madami daming bote ng alak den ang naipon namin. HAHAHA At syempre sobra kong nagpapa salamat sa partner ko ngayon. Sya den talaga yung naging dahilan kung bakit masaya nako ngayon. 😊 Minsan talaga darating tayo sa point na akala naten sya na yung makakasama naten kasi sa dami ng pinagdaanan at mga binuong pangarap na magkasama. Pero susubukin talaga tayo nang pagkakataon kung saan makikita naten kung ano at kung sino talaga yung taong para saten. At lahat nang karanasan na yan ituturo o dadalhin tayo sa taong deserve naten. Hopefully, kung sino man yung partner ko ngayon sana sya na talaga kasi ready nako mag settle na sya ang aking makasama sa mga susunod pang mga taon. ✨
@darlenejoycetindoy1033
@darlenejoycetindoy1033 Жыл бұрын
Nakakabaliw talaga kapag Nakita mong may iba na sya.
@thefest3433
@thefest3433 Жыл бұрын
Makabaliw promise pag wala na yung sinasabing mahal, kahit panlasa mo nawawala narin iiyak kanalang bigla bigla
@biscuit.tv2260
@biscuit.tv2260 Жыл бұрын
Biglang naalala ko ulit lahat. Yung sasabihin nya sayo na “nagising nalang sya ng isang umaga na hindi nya na ako mahal. Hindi na nya ako mahal katulad ng dati”
@anageminisadohiling989
@anageminisadohiling989 Жыл бұрын
Sabi nila ang babae kahit paulit ulit mong lokohin, Tatanggapin ka pa rin nya. Iba pala talaga kapag dumating na sa puntong napagod ka na. Naubos ka na. Hindi pala lageng okay ka lang sa ginagawa nya. Hindi rin pala laging tatanggapin mo sya. Nakakapagod din pla. Nakakaubos din ng pagkatao. Lalo na kung ibinigay mo naman lahat pero hindi parin sya nakuntento. Iisipin mo na lang, hindi ka naman nagkulang. 😢
@Anonimuz_Music
@Anonimuz_Music Жыл бұрын
Ilang beses ko na din narinig yang salitang "Di na kita mahal tulad ng dati" 😢
@akihirogaurino
@akihirogaurino Жыл бұрын
Wala nmn tlgang nakaka move on eh Lalo na pag greatest love mo Siya 😭🤧🥺
@sandrexmalicad5555
@sandrexmalicad5555 Жыл бұрын
Grabe, gusto ko maglabas ng loob. Pero hanggang dito lang talaga
@richellebelches4604
@richellebelches4604 Жыл бұрын
speechless wla akong masabi🥺bsta ang alam ko nasasaktan ako ngayon ..pero wlang lumalabas na emosyon ni umiyak ndi ko magawa puro lng ako sabi na "OKAY LANG AKo"pero deep inside ndi
@aery5737
@aery5737 Жыл бұрын
We gave ourselves space. Reason kung bakit ayoko talaga ng space is baka habang inaayos namin ang sarili namin bigla na lang din mawala ung feelings namin para sa isat isa. Baka habang hinahanap namin ang sarili namin, mawala naman ung "kami" at tuluyang maging "ako" at "sya" na lang...
@chrisel9586
@chrisel9586 Жыл бұрын
Siguro talagang dadaan lang sila sayo. Sa buhay mo.
@niceverde5522
@niceverde5522 Жыл бұрын
masaya naman yung reLationship namin ng asawa ko ngayun, happy🥰 pero ang sakit nung kanta nasaktan ako, naLuha🥺
@yosss4349
@yosss4349 Жыл бұрын
may mga bagay lang talaga na itinakda pero di itinadhana may mga tao lang talaga na kusang dadating sa buhay natin na magbibigay lang ng leksyon minsan sa sarili ko akala ko ay ito na ang makakasama tungo sa hangganan pero salamat sa kanya dahil naging bahagi siya ng buhay ko kahit di naging kami hanggang dulo
@sara.4408
@sara.4408 Жыл бұрын
Yung di mo pinahalagahan lahat ng mabuting nagawa ko sayo at paulit-ulit ka gumagawa ng mali. Ngayon naubos din ako wala ka ng babalikan.
@karenmanimtim6584
@karenmanimtim6584 Жыл бұрын
To the person I loved the most. It's been 2 years mula noong nag-hiwalay tayo pero pakiramdam ko kahapon lang. Mag-iingat ka mahal, masaya akong naging parte ka ng buhay ko, wala akong pinagsisisihan. Hanggang sa muli.
@hoseadandacillo1994
@hoseadandacillo1994 Жыл бұрын
Sometimes you just gotta let go so you can grow.
@michazerodreebaton4527
@michazerodreebaton4527 Жыл бұрын
Letting go , Honesty , Realizations - all in the wrong time will cause such pain.
@reinbertesguerra9116
@reinbertesguerra9116 Жыл бұрын
Sa mga nasasaktan at nasaktan hwag sana magsara yung mga puso niyo, gaya kung paano ko naisara yung sa akin. I’ve been in an abusive relationship. Hindi ko na isa-isahin. Pero lahat ng suntok at sampal, para akong sinasabihan kung gaano ako kawalang kwentang tao. Masarap magmahal, matagpuan niyo pa rin sanang lahat ‘yon. ❤️
@zaquin9551
@zaquin9551 Жыл бұрын
I fall out of love with my current live in partner, almost 4 years na kami, then suddenly nag hit yung postpartum depression ko, as in never syang napagod alagaan ako pag handaan ako ng pagkain gnun parin sya kung pano nya ko alagaan, then na nonotice ko na umiiyak nalang sya then wala akong pakialam hinayaan nya ko uminom mg isa, hang out with my friends. Sinabi na D ko na sya mahal. Pero tinulungan nya ko along thecway. Isipin nyo nalang kung gaano kahirap sa isang tao na ireject mi sya makita ka nya nahihirapan. And yet I'm so proud and happy sa asawa ko for not giving up, and now mahal na mahal ko ulit sya parang nag renew yung pagmamahal ko saknya. And whatever happens I know sasamahan nya ko palagi sa worst part of my mind, pinaka worst.. As in sasamahan nya ko kht ipagtulakan nya ko. Grabe tong kantang to and mv pinanood namin, sabi nya never tong mangyayari samin, never syang susuko. Pero grabe tong kantang to and mv sobrang gnto kmi dati.
@ciruelajudylynne7879
@ciruelajudylynne7879 Жыл бұрын
Hindi ko rin sinukuan yung sa akin pero mali na kaya tama na.
@bubbles.2003
@bubbles.2003 Жыл бұрын
That was powerful
@jeyjeyberganio1133
@jeyjeyberganio1133 Жыл бұрын
Bakit kaya kahit ang sakit sakit nung ginawa mo sakin, mahal pa rin kita paano moko nagawang lokohin? paano mo kinayang matulog na niloko mo yung taong walang ibang ginawa kundi mahalin ka. Sinuway ko yung magulang ko para sayo. Pinaglaban kita sa lahat
@kevxdd8544
@kevxdd8544 Жыл бұрын
Masarap magmahal, pero sobrang sakit kapag iniwan.
@Unown7
@Unown7 Жыл бұрын
Lupet ahh akala ko sa una yung lalaki yung ayaw na pero yung nasa huling part pala malalaman kung bakit ganun yung kilos ng lalaki grabe naman yun🤙🤙
@angelalim5140
@angelalim5140 Жыл бұрын
Sabi mo, sakin mo lang naramdaman yung sobrang saya yung sobrang saya ng puso mo yung huminto lahat na parang slow-mo nung mga panahon mag kasama tayo, pero bakit ngayon sakanya ka na masaya? Pano naman ako, mahal?
@chanpodz9696
@chanpodz9696 Жыл бұрын
Dito sa pinas hindi nabibigyan ng maraming views yung sobrang gandang kanta at mv. Sad
@jozzelsacriz5612
@jozzelsacriz5612 Жыл бұрын
Manhid na ei .. Di na tulad ng dati . dik na rin hinahanap pag andyan ok lang .mananatili sa puso pero hindi sa buhay natin...
@NoOne-wg6zh
@NoOne-wg6zh Жыл бұрын
mahalin mo muna sarili mo bago ka magmahal ng iba.
@pitikchubby6693
@pitikchubby6693 Жыл бұрын
Doon naman talaga makikita yung halaga mo eh. "Pag wala ka na"
@irinagladyspulumbarit4954
@irinagladyspulumbarit4954 Жыл бұрын
Hindi ko maiwasan na hindi masaktan sa tuwing naaalala ko pa din kung gano kasakit nung maghiwalay kami. Lahat ng paraan ng pagmamahal ginawa ko naman pero di ko pinagsisihan yun. Pinili ko na lang maging masaya para sa kanya kahit dumating yung araw na nagising na lang siyang di na nya ako mahal, isang araw nagbago na sya sakin at tuluyan nya na akong binalewala. Gigising ka na lang na parang hangin ang trato sayo ng taong minahal mo ng sobra.
@johnmariano1634
@johnmariano1634 Жыл бұрын
Yung taong nagmahal sayo ng sobra at umaapaw. Yung tipong parang malulunod ka na sa sobrang pagmamahal. Yung tao na nagparamdam sayo na napakasaya pala ang magmahal. Tapos isang araw bigla nalang niya sinabi, "Hindi na kita mahal. Wala na. Wala na kong maramdaman". Isa sa pinakamasakit na salita na maririnig mo sa taong minsan mong nakasama bumuo ng pangarap. Yung tao na naging parte ng mundo mo. Ay hindi, yung tao na minsan mo palang naging mundo. Sa mga taong nasaktan o nasasaktan. Sana maging okay din kayong lahat. Hanapin niyo kung saan magsisimula ulit. Laban lang. Nice one, Agsunta! Solid 💯🔥
@eleuferarais1601
@eleuferarais1601 Жыл бұрын
Nakakabaliw talaga yung pag ibig.
@joanabella1502
@joanabella1502 Жыл бұрын
Nararelate naman ako dto. Umalis cya para magwork from abroad... nung una ok pa naman kami..then after a month bigla na lang cya nanlamig.ramdam kong wala na pero walang nagbago sa akin.madalas pa rin ako manusta saknya pero cya wala na talagang paramdam.then nalaman ko na lang may iba na cya... masakit pero tinanggap ko na lang.pero ang tagal kong makarecover sa sakit.pero ngayon natuto na ako.at ok na ako.💜sana ganun din po kayo.laban lang ng laban.
@corneliollonorabadionganii1590
@corneliollonorabadionganii1590 Жыл бұрын
This beautiful piece of art depicts how being heartbroken really take a toll on someone's emotional and mental capacity. Sa mga taong naka experience ng ganito, alam ko mahirap, alam ko di madali pero wag niyo hayaan na lamunin kayo ng nakaraan at speak up sa mga taong pinagkakatiwalaan mo pero kung wala kang mapagkakatiwalaan kundi sarili mo, talk go God, ilabas mo lahat. He is listening, as always. May tamang tao para sayo ☺️
@queeniemedina3390
@queeniemedina3390 Жыл бұрын
saktong sakto to sa mga tao na may naging long term relationship pero nag end din at nakahanap ng iba. yung tipong tinuruan ka lang nung naging "relasyon" para mapunta sa totoong nakatadhana sayo. masakit. inihanda ka lang pala nya.
@christianmaefortaleza4151
@christianmaefortaleza4151 Жыл бұрын
Mas masakit parin yung "kayo pa Pero May knkwento na syang iba" kaht alam nyang andun ka at naririning mo pa. Kaya wala ka talagang choice kundi bitawan na sya.
@xtiandee7887
@xtiandee7887 Жыл бұрын
Nakakabaliw talaga ang pag-ibig, but okay lang kasi It's okay not to be okay.
@bryanocampo4813
@bryanocampo4813 Жыл бұрын
Totoo nga kapag nawala yun nararamdaman kusa nalang lalayo at hindi mo na makita na kasama mo siya sa pangarap na dapat kayong dalawa, nawala nalng kusa kahit ano gawin hindi na talaga masaya kaya mas pinili nalng na iwanan kasi nawala na un nadarama.
@megusta5439
@megusta5439 Жыл бұрын
Walang tamang Tao, nasa tao yan kung gusto nya maging tama para sayo.
@lhyncuadro8950
@lhyncuadro8950 Жыл бұрын
Mas masakit Yung tatlong araw palang napalitan ng bago Yung matagal na pinag samahan niyo.yung ilang araw palang kayong hiwalay pero Kung gaano kayo katagal ganun din kadali ka niyang pinalitan 😢
@babychief3725
@babychief3725 Жыл бұрын
Pinaka masakit Yung taong gusto mong makassma sa dulo Ng Buhay mo ay, WALA KANANG NARAMDAMAN PA 💔 nakakabaliw talaga
@albertorbe3183
@albertorbe3183 Жыл бұрын
Sometimes we have to accept the idea na hindi tayo yung pang matagalan, hindi man na tayo ang nasa kulay ng kanyang bahaggari, bagkus naging parte naman tayo ng kanyang pagbabago, at paghubog sa sarili nya para sa bagong mamahalin nya naway ang pagiging instrumento natin ay magbigay ng magandang tunog sa buhay nya habang tayoy hindi na KASALI PA. Fighting!
@myboo8508
@myboo8508 Жыл бұрын
Kitang kita ko ang lahat ng plano , kaso sa isang iglap lahat nagbago. Ganun ba yun? Anniversary na sana natin ngayon oh. Oct 1!!! 🥺🥺🥺 Binuo kita habang binabawasan ko ang sarili para ikabit sayo. Pero mas pinili mong bumalik sa taong sumira sayo. Sana maging masaya ka talaga. Sana, sana, Sana dumating din yung panahon na masabi kong dinakita. Mahal koooooo.
@bentacticsvlogs9469
@bentacticsvlogs9469 Жыл бұрын
2 years na pero ikaw arin yung standard ko, ikaw ang nagpasaya ng pandemic ko kahit alam kong maraming gulo na nangyayari sa mundo sana masabi ko rin to sa sarili ko na "DINAKITAMAHAL" alam kong masakit pero wag kang mag-alala ok na ko na ok ka masaya ako kung ano man ang mga achievements na natatamo ngayon your my Totga. Masasabi ko rin sa sarili ko na ok na tapos na salamat sa lahat salamat sa pagpapasaya salamat sa genuine love mahal kita LOVE.
@jhonmichaeldebuyan1590
@jhonmichaeldebuyan1590 Жыл бұрын
Ung parehas kayu nangarap sa isang pangarap ,pero mag isa ka nlng gumawa kc di kana mahal ng isa
@alanjose1112
@alanjose1112 Жыл бұрын
MAHAL MO. MAHAL KA. PERO NAGBAGO NA LAHAT
@JHo-cc9gp
@JHo-cc9gp Жыл бұрын
Sakto sa nararanasan ko ngayon. Almost 2years pero pinagpalit sa iba kasi daw ginagawa nung guy yung mga gusto niya. Bigla nalang niya sinabing wala na siyang nararamdaman sakin kaya hanggang ngayon sobrang sakit pa din
@jajawap9357
@jajawap9357 Жыл бұрын
Ganito tayo nung una. Parehas tayong magkasama sa lahat kahit ultimo yung mundo kinalimutan tayo. Sabay tayong lumakas pero nung parehas tayong ayos na bigla kang bumitaw at bumalik sa kanya. Hindi ako nagising sa mga sinabi mong hindi naman talaga ako yung nakikita mo sa bukas, pero pinilit ko sinubukan ko. Ngayon masaya kana habang ako eto bumubuo ulit ng sariling mundo. Mahal kita Shera
@gelogonzales4334
@gelogonzales4334 Жыл бұрын
I still remember her nung sinabi saakin ng taong sobrang minahal ko ng sobra pa sa sobra na nagbago na nararamdman niya saakin at nawala na yung pagmamahal niya saakin. Totoo nga pala yung sinasabi nila na kapag napalayo sayo yung taong mahal mo lalayo na din yung nararamdman niya sayo to the person that I loved the most mylen balmes alam kong minahal din natin ang isat isa kahit hindi naging tayo masaya ako para sayo sa kung anong Meron ka ngayon at masaya ako na dumating ka sa buhay ko❤️
@megusta5439
@megusta5439 Жыл бұрын
What If the person you loved right now, turnsout to be someones future. yung role lang pala niya sa buhay mo eh maging better person ka. pero sa iba talaga siya nakalaan.
@neillacandazo9503
@neillacandazo9503 Жыл бұрын
I was afraid of losing what we have started, di ko gusto mag simula ulit. Yung akala mo kayo na talaga, pero dahil sa hindi na pareho yung sched., di na namemeet yung gusto niyong dalawa. Kahit anong laban mo pa para sa relationship niyo, wala ring magagawa. "Wala ka namang nagawang mali" mahirap lang tanggpin dahil wala namang nag loko, dahil lang napagod, obligation, and school works na nag cause ng stress natapos lahat ng sinimulan niyo. Bumalik pa tayo, kaso "di na tulad ng dati". Pero thank you pa rin, kasi kahit pa'no nagkaka usap pa rin tayo. Sana mas maging successful ka pa sa buhay, ngayong wala na ako sa tabi mo. I'm rooting for you My Almost. ❤️😢
@cedrickdejesus3957
@cedrickdejesus3957 Жыл бұрын
Di ako makapaniwalang 5 mins can be so good.
@antonietteelliemarasigan4392
@antonietteelliemarasigan4392 Жыл бұрын
September 29, 2022 when she said to me " Mas happy ako mag isa " and that moment nagstop ikot ng mundo ko. I know may kasalanan ako, alam ko nasaktan ko siya at alam ko need ko iready yung self ko sa consequences. But hindi ko akalain na ganon. I hope shes happy sa decision niya at kung nasaan man siya ngayon at kung sino man nagpapasaya na sa kanya ngayon. Masakit pero ayokong ipilit kung jindi na ako. DINAKITA yes, DI NA NIYA AKO MAHAL.
@roneldemayo3602
@roneldemayo3602 Жыл бұрын
Wag mong hintayin na mawala yung taong lagi nandiyan para sayo. Kasi pag yan napagod ikutin mo man ang Mundo. Balibaliktadin mo man ang Mundo o kahit ano pa gawin mo pag yan sumuko asahan mo di na yan babalik sayo. Lumuhod ka man o lumuha nang dugo. Kaya ngayon habang andiyan siya pahalagahan mo na. Kasi pag yan natauhan baka mabaliw ka. At baka dun mo mapatunayan ang salitang "nasa huli ang pagsisisi"
@jordanvalladores4933
@jordanvalladores4933 Жыл бұрын
For 8 years. Through ups and downs magkasama tayo. Simula't sapul hindi nagbago ung rason ko kung bakit niligawan kita. Hindi ko alam kung san ako nag kulang o san ako nagkamali. Hindi ko alam bakit biglang isang araw. Gusto mong sarili mo nalang muna yung isipin mo. Biglang hindi kana handa makipag relasyon. Ang layo na ng narating natin pero bakit ngayon kapa sumuko? Andami kong pangarap para sating dalawa. Pero lahat yun wala na. Dahil di mo nako mahal tulad ng dati.. Hindi ko alam kung kelan ka babalik pero susugal ako. maghihintay ako.. kahit gaano katagal. Dahil mahalnamahalkita.
@edselmedrano5931
@edselmedrano5931 Жыл бұрын
💔
@iriscstr
@iriscstr Жыл бұрын
Hoy wag. Pag ikaw iniwan wag mo hintayin.
@krisdiaz9033
@krisdiaz9033 Жыл бұрын
Tatlong taon ng pagmamahalan Biglang nauwi sa Hiwalayan. Sakit talaga na mrinig mo ang mga katagang Di na kita Mahal hindi na tayo tulad ng dati.Ganun tlaga May mga tao pinagtagpo ngunit hindi tinadhana.Ptuloy prin kitang mmahalin at ipapalangin na maging msaya ka at always Take Care
@cathypinon7920
@cathypinon7920 Жыл бұрын
Naaalala ko yung mga araw na masaya kami pero dumating talaga sa point na biglang nawala na yung love at yun pala sa iba na niya binubuhos yung pagmamahal na yun. 💔
@mikomarpuri1327
@mikomarpuri1327 Жыл бұрын
3yrs in a relationship hahaha tinatawanan kuna lang lahat ng nangyari..Ikaw Ang bumuo pero iba Ang nakinabang...DINA KITA MAHAL mga salitang pilit kung tinatatak sa isip ko step by step makakalimot din ako😊
@gleenart8614
@gleenart8614 Жыл бұрын
Ako yung nahanap niya, Ngunit hindi ako ang gusto niyang matagpuan.
@kenjiedelacruz9820
@kenjiedelacruz9820 Жыл бұрын
Yung ginawa lang ako pansamantala kase nag papakatanga ako sa isang relationship na hindi ko naman talaga alam gagawin pag nag kaka ganon siya ilang buwan naren kmi hiwalay pero hindi ko siya maalis sa isipan ko lalot nasanay nako na nasa tabi nya palagi ☹️
@esmaelpanda7749
@esmaelpanda7749 Жыл бұрын
Huwag kang magtanim ng GALIT sa minsan naging nagpasaya sayo, Tandaan mas masarap mabuhay sa mundo kung marunong tayong MAGPATAWAD ng tao, same tayo ng sitwasyon tol mas masakit yong akin dahil 8yrs na kami nagsasama pero nagawa nya ako lokohin, last year lang yon nung december, bago bago pa medyo matagal ko din syang pinatawad bago ko makamtam yong katahimikan. 6months ago nung pinatawad ko sya, nakakalungkot nga lang isipin dahil may isang anak kami, yong anak ko nakaranas ng broken fam, wala eh ganun talaga tol, may mga bagay bagay tlaga pinagtagpo pero hindi itinadhana. 😌 tandahaan diyos nagpapatawad tayo pa kaya tao lang?
@Broken-cs7fq
@Broken-cs7fq Жыл бұрын
Minsan mapapatanong ka nalang tlg sa sarili mo kung ano ba yung totoong pagmamahal. Eto ba Yung handa Kang ipaglaban Ang taong mahal mo o handa kang bumitaw para sa ikakaligaya ng taong mahal mo kahit Hindi sa piling mo. Nakakaloko magmahal nangyare sakin ginawa kong mundo Yung alam Kong tao lang. Kahit Anong pagmamahal Ang ibuhos mo kahit anong bait at karesponsable pag Hindi ka mahal Hindi ka pipiliin. Minsan kailangan lang natin tnggapin na may mga tao talagang para sa ibang tao. 7 years relationship nawala lang ng parang bula. Bigla Nalang nawala yung dating masasayang ngiti. Mahirap Lalo pag Hindi ka ready halos maguho Yung Mundo mo pero nasa Sayo Rin Ang solusyon kung pano mo makikita Yung positibong epekto nito Sayo. Ang mahalaga nagmahal ka ng buo at higit sa lahat natuto ka sa mga pagkakamali. Walang perpektong relasyon Tayo at Tayo parin Ang gagawa ng paraan para makontento tyo kung Anong meron Tayo sa ngayon kaya habang maaga pa habang nandyan pa Sila sa tabi nyo pahalagahan natin para pag dumating Yung araw na mawala man Sila atlis binigay mo Yung best mo at Wala Kang pagsisisihan. #movingforward
@nathanieljohnawa9269
@nathanieljohnawa9269 Жыл бұрын
THIS IS THE SONG THAT INDICATES THAT YOU WILL ONLY KNOW THAT YOU LOVE SOMEONE WHEN THEY ARE WITH THE RIGHT PERSON.
@ricocruz7304
@ricocruz7304 Жыл бұрын
May mga tao talagang mamahalin tayo ng tunay, pero hindi pang habang buhay nakakalungkot pero totoo😢
@elizabethlambino5966
@elizabethlambino5966 Жыл бұрын
How can I forget him when he is the only person that made me experience a lot of first time:
@jcdezosa3225
@jcdezosa3225 Жыл бұрын
Damn itong kantang to sobrang tagos sa puso parang yung nangyayare sakin todo mahal ka lahat binigay tapos dimo napapansin nauubos kana hanggang sa dumating yung araw na nag desisyon kana para mag pahinga at sumuko nalang, hanggang sa naiisip muna mali yung desisyon mo at tila dikana nag isip dahil nakain kana ng iniisip mo yung pakiramdam na maling mali yung desisyon na ginawa mo. Kaya sa mga nakakaramdam ng cold reply tapos parang wala na kayong maramdaman balikan nyo lang yung simula tapos ulit ulitin nyo hanggang sa dikayo mag sawa sa isat isa sainyo ko nalang sabihin kase ako diko nagawa sakanya yan eh.
@ilyn_30
@ilyn_30 Жыл бұрын
Sa loob ng 7yrs.. Dko alam, na nag karoon ka, ng Anak sa iba hanggang sa, nalaman ko ung totoo sa subrang sakit ng ginawa mo sa akin pero dko pa din magawang magalit sau hanggang sa, nag simba tau sa simbahan Kung saan tau unang nag kita tinatanung ko kay Lord Kung lahat ba ng relasyon pinag daanan ang ganito hanggang naiispan Kung I tuloy na lang pag abroad ko .. Ngaun nasa abroad ako nalulungkot ako dahil unti unti kana ng nawawala sa pangarap ko.. Dko alam pero si Lord na din siguro ang nag aalis sau sa buhay ko.. Dinakita mahal 😭ang sakit pero kailangan kasi dina tau tulad ng dati 😥💔
@thedarksside9643
@thedarksside9643 Жыл бұрын
diko man lng namalayan na di na pala ako ung mahal mo..lahat naman ginawa ko para maging masaya tayo bakit parang kulang parin.. minsan nasisisi kopa sarili ko kung bat parang ayaw mona saakin..diko man lng alm na ginagago mona pala ako
@danchristopher_
@danchristopher_ Жыл бұрын
Hindi araw-araw kaya mo syang mahalin, pero araw-araw kaya mo syang piliin
@aisyaa1560
@aisyaa1560 Жыл бұрын
gusto na mawala feelings ko sayo. ayoko na, ang sakit mo mahalin.
@rowienuera
@rowienuera Жыл бұрын
yung wala naman problema, sadyang pinili lang talaga niyang bitawan ka.
@ailyndelacruz1733
@ailyndelacruz1733 Жыл бұрын
Bumalik yung gabing sinabi niya sakin na fall out of love na siya, d na niya ko mahal, nagsawa at napagod na. Kasabay nito, may nakakausap na din siyang iba. Siya yung taong nakikita mo para spend yun buong buhay mo. Binigay at ginawa mo naman lahat ng gusto. Pero tila di padin naging sapat . Sinisisi kapa niya bakit pinili niyang mag loko. Hanggang ngayon, tinatanong ko yung sarili ko anong kulang, o baka sobra sobra na sguro. Nakakaubos. Napapatanong ako kung talaga bang nawalan ng pagmamahal? Kasi kung nawalan lng ng pagmamahal, sigurado ako mahal, magpapahinga ka lng, babalik ka lang sa umpisa kung saan tayo nagsimulang dalawa. O sadyang meron lang talagang iba, kaya eto ka nagbago na lng ng bigla. Mahal bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kailan nagsstart na tyo sa pangarap nating pamilya? Di ko to inaasahan, hindi ko to pinangrap pero nangyari na lng. Wag ka magalala mahal, nasa punto na ako ng pagbitaw, at pagkapit. Ayoko maging selfish dahil may anak tayo. Kaya kung sakali man babalik kapa, kakalimutan ko ang lahat, mabuo lang tayo ulit. Pero kung hindi na, pangako wala kong ibang ikkwento sa anak natin kundi magagandang alaala natin magkasama. Maiintindihan niya rin ito lahat pag nagkaisip na siya. Mahal kita, salamat sa halos 7 taon. My Greatest love. Ang sakit sakit mo na talaga agsunta sinamahan kapa ni awi 😭💔
@joselitobautista5981
@joselitobautista5981 Жыл бұрын
💔
@elrod3486
@elrod3486 Жыл бұрын
Keep holding on mas masakit magstay sa taong d ka mahal palayain mo na sya better future awaits you
@jovenabriam3634
@jovenabriam3634 Жыл бұрын
Ganitong Ganito.. ako 😔😔🥹
@draintones301
@draintones301 Жыл бұрын
ayus.. galing mo idol jericho
@markoliverbiating2741
@markoliverbiating2741 Жыл бұрын
Dumating sya sa di inaasahang pagkakataon at parang andaming nangyari sa loob ng maikling panahon pero ngayun di mo na alam gagawin mo dahil wala na syang maramdaman para sayo sa di malinaw rason....
@shishibah2594
@shishibah2594 Жыл бұрын
It has been a good 8 years.. Nilaban ko hanggang huli, hanggang maubos ako, hanggang sa point na napapabayaan ko na na lahat, yung trabaho madaling palitan yung pamilya hindi ka nmn iiwan pero pag sya yung nawala mahirap na maibalik eh kaso talo pa rin eh.. I did my best.. Pero masakit nung sinabi nya na fall out of love na sya, kahit alam ko, masakit na sa kanya nanggaling... I wish her the best. Masaya at malaki ang pasasalamat ko sa 8 years, hindi ko alam kung magiging katulad pa rin ako ng dati pero i will do my best. Pero sana maging ok sya.. Ibigay sana ng mahahanap nya yung hindi ko kayang ibigay at sana maabot nya yung pangarap nya. Thank you po sa lahat
@tonipet3lopez476
@tonipet3lopez476 Жыл бұрын
subrang apektado ako nito, ofw ako dto sa saudi ngayon 1 year live in partner ako sa pinas ng 12 years, on and off relationship dahil sa panibagong setwasyon namin ngayon at plano na sana namin magpakasal pag uwe ko nxtyear pero last month bigla nalang nawala lahat, mga pangarap at plano namin bigla nawala dahil nag iba na lahat,.
Nadarang | (c) Shanti Dope | #AgsuntaJamSessions ft. John Roa
5:09
English or Spanish 🤣
00:16
GL Show
Рет қаралды 16 МЛН
What does Satoru Gojo have? #cosplay#joker#Harley Quinn
00:10
佐助与鸣人
Рет қаралды 7 МЛН
У ГОРДЕЯ ПОЖАР в ОФИСЕ!
01:01
Дима Гордей
Рет қаралды 7 МЛН
Magic or …? 😱 reveal video on profile 🫢
00:14
Andrey Grechka
Рет қаралды 59 МЛН
Easy Lang - awi columna ft. Dudut (Official Music Video)
5:01
Awi Columna
Рет қаралды 1,3 МЛН
Kung 'Di Na Ako | (c) Agsunta | #AgsuntaOriginals
5:42
Agsunta
Рет қаралды 8 МЛН
DINAKITA - Awi Columna, Agsunta (Official Lyric Video)
4:34
Awi Columna
Рет қаралды 9 М.
Kung 'Di Na Ako - Agsunta (Music Video)
5:12
ABS-CBN Star Music
Рет қаралды 4,5 МЛН
Metallica: Nothing Else Matters (Official Music Video)
6:26
December Avenue - Saksi Ang Langit (OFFICIAL MUSIC VIDEO)
5:04
December Avenue
Рет қаралды 2,4 МЛН
"ALAM KO" - JOHN ROA | OFFICIAL MUSIC VIDEO
5:05
John Roa
Рет қаралды 16 МЛН
Skusta Clee - Lagi (Official Music Video)
4:11
Panty Droppaz League
Рет қаралды 128 МЛН
English or Spanish 🤣
00:16
GL Show
Рет қаралды 16 МЛН