Ika-pitong Linggo ng Karaniwang Panahon

  Рет қаралды 17,152

Diocese of Kalookan

Diocese of Kalookan

Күн бұрын

ANG RADIKAL NA PAGIBIG
Homiliya para sa Ika-pitong Linggo ng Karaniwang Panahon,
20 Pebrero 2022, Lukas 6:27-38
Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin.
Mas madali ang gumanti, ang magnasa na ipalasap sa kaaway ang pagdurusang pinalasap niya sa iyo. Mas madali ang rumesbak, ang mamuhi, ang magpadala sa galit sa ginawa sa iyo ng kaaway. Ang manakit kapag tayo ay nasaktan, ang manghusga kapag tayo ay hinusgahan, ang mang-atraso kapag tayo’y inatraso, ang magtanim ng galit sa puso at magsabing, LINTIK LANG ANG WALANG GANTI, MAY ARAW KA RIN, MAKIKITA MO ANG HINAHANAP MO, GAGAPANG KANG PARANG UOD PAGDATING NG PANAHON. Sinasabi mo pa lang, hindi pa man nangyayari, parang masarap pakinggan, di ba?
Ganyan daw kasi talaga ang galaw ng mundo. Iyan ang tinawag ni Newton na THIRD LAW OF MOTION. Di ba minemorize pa nga natin iyan sa ating General Science sa elementary school? “For every action, there is an equal opposite reaction.” Paano ba sasabihin iyan sa Pilipino? “Ang bawat galaw ay may katumbas na pasalungat na galaw.” Ang opposite reaction ng taong binusabos ay mambusabos, tama? Mali, sabi ni Hesus.
Bakit? Hindi naman tayo materyal lang, tayo’y tao, tayo’y mga sumasakatawang-diwa, tayo’y mga espiritwal na nilalang, may likas na marangal dahil hiningahan tayo ng Maykapal, ayon sa Kasulatan, kalarawan daw tayo ng Diyos na lumikha sa atin.
Bakit tinuturuan tayo ng Panginoon na huwag magpadala sa udyok na gumanti sa kaaway? Dahil bumababa ka sa level niya pag ginawa mo iyon. Imbes na mabago mo siya, nababago ka niya, hanggang pareho na lang kayo. Walang natutuwa sa ganyang paraan kundi si Satanas dahil paraan niya iyan. Ayaw niyang matulad tayo sa Diyos. Gusto niyang matulad tayo sa kadimonyuhan niya.
Kapag nang-abuso ka dahil inabuso ka, parang tuluyan mo nang isinusuko ang anumang dangal na natitira sa iyo sa umabuso sa iyo. Nabiktima ka na nga, nadodoble pa ang pagka-biktima mo kapag ginaya mo siya. Iyan naman ang karaniwang pinanggagalingan ng mga “bully” sa mundo, binully din kasi sila. Kaya gawain ng mga bully ang mang-udyok, ang lumaban sa paraan nila, ang tumulad sa kanila.
At dito ina-apply ni Hesus ang traditional GOLDEN RULE. Di ba ginawang kanta iyon na pinasikat ni Rico Puno? “Kung ano ang di mo gusto, huwag gawin sa iba.” O sa simpleng salita, bakit ko gagawin sa kanya ang mismong bagay na ayaw kong gawin nila sa akin, o ang masama na ginawa sa akin?
Napansin ba ninyo, hindi naman sinabi ni Hesus “Huwag manghusga at hindi ka huhusgahan.” Ang sabi niya, “Itigil ang panghuhusga at hindi ka huhusgahan.” ITIGIL ITO. “Law of Motion” nga kasi iyan. Pag sinimulan mo, tuloy-tuloy na, nagiging perpetual motion-for every action merong equal opposite reaction, paikot-ikot, paulit-ulit, vicious cycle ang tawag sa Ingles. Ang sinaktan, mananakit. Ang binusabos gaganti. Ang namatayan ay papatay. Ganyan ang prinsipyo ng RIDO sa ilan sa mga tribal culture. Sinimulan mo iyan, edi ituloy natin hanggang magkaubusan na tayo ng lahi!
Kaya hindi kuntento si Hesus sa traditional golden rule. Kaya nga ginawa niyang positive ang formulation ng golden rule: “Do unto others what you want others to do unto you.” Iyun ang mas tamang law of motion-ang kabutihan na ginagantihan ng higit pang kabutihan. Gawin mo sa iba ang gusto mo ring gawin nila sa iyo.
Para kay Hesus, masyadong minimal ang negative golden rule. Kaya nga may mga taong ang katwiran ay, “Basta wala akong ginagawang masama, okey na iyon.” Okey iyon, pero hindi pa lubos na okey. Baka wala ka ngang ginagawang masama pero wala rin namang ginagawang mabuti. Wala pang motion doon.
Ano ang gagawin sa mga mamamatay-tao? Sa mga magnanakaw? Sa mga sinungaling? Ano ang ibig sabihin ng “mahalin sila?” Hahayaan na lang sila sa ginagawa nilang hindi tama? Hindi pagmamahal ang tawag doon, kundi pangungunsinti, pagiging enabler. Itigil ang pagpapatuloy ng galaw ng kasamaan hindi sa pamamagitan ng kasamaan, kundi sa pamamagitan ng kabutihan. Kaya nga pati ang penology ngayon o ang prinsipyo tungkol sa imprisonment ay restorative justice.
May isang libro na sumikat noon sa mga peace advocates, ang “Pedagogy of the Oppressed”. Isinulat ng awtor na Brazilian na si Paulo Freire. Ayon sa kanya, ang mga inaapi ay may tendency daw sila na gayahin ang umaapi sa kanya. Ayon sa kanya, walang tunay na paglaya o liberation kapag ang dating alipin ay siya naman ang mang-aalipin bukas. Di ba sinabi rin iyan ni Jose Rizal sa kanyang nobelang El Filibusterismo?
Nagiging lubos lang ang paglaya kung ang ititigil ng pinalaya ay ang mismong gawain ng pang-aalipin. Hindi tayo lalaya kung padadala tayo sa udyok ng galit at hinanakit, katulad ng nangyayari ngayon sa social media......................

Пікірлер: 34
@ophieyaleahsarmiento9374
@ophieyaleahsarmiento9374 2 жыл бұрын
Amen 🙏. Thanks be to God
@florpascual2694
@florpascual2694 2 жыл бұрын
Tama po.Bishop Ambo,salamat po sa mga paalala sa katotohanan,naway laging gabayan tayo lahat lalo na sa panahon na ito ng Panginoon sa ngaĺan ni Hesus Amen and Amen.!🙏🏻🙏🏻🙏🏻
@leticiabalitaan5924
@leticiabalitaan5924 2 жыл бұрын
Good evening ho,Bishop David. Huhuhu…so scared I can’ t be with our Lord Jesus….praying God will make a way, where there seem to be no way..lord, lord, no more anger in our heart, but the hurt is still felt.
@emilymahia2440
@emilymahia2440 2 жыл бұрын
Love not hatred.ang pairalin.
@avelinamanamtam967
@avelinamanamtam967 Жыл бұрын
Amen po Bishop Ambo 🙏❤️🌷🌺🙋🙋‍♂️🙋‍♀️Good morning po 🌻🌻🌻
@teresitamews8389
@teresitamews8389 2 жыл бұрын
Thanks Bishop Ambo for the nice Homily .God bless you always.
@erlysantos4946
@erlysantos4946 2 жыл бұрын
Amen amen
@erlysantos4946
@erlysantos4946 2 жыл бұрын
Amen po bishop Ambo god bless po
@julietahamoaynazif5203
@julietahamoaynazif5203 2 жыл бұрын
Thank you Bishop Ambo! Godbless 🙏
@grandmagrazia29
@grandmagrazia29 2 жыл бұрын
Thank you po Bishop Ambo sa pagtulong sa amin para magbagong Buhay mahirap po magmahal Lalo kung Ikaw ay nasaktan Ng mahal mo sa buhay.
@monte987villa
@monte987villa 2 жыл бұрын
Mas masakit talaga basta mahal mo, pero mas mamahalin mo kahit na patuloy kang nasasaktan hanggang sa hindi na masakit ang masakit.
@madztouboul7487
@madztouboul7487 2 жыл бұрын
Thank you so much Bishop for this very beautiful and powerful message! I pray that everyone would hear and apply this in their lives.
@remediosreboja1837
@remediosreboja1837 2 жыл бұрын
Napakaganda naman po ng sinabi mo sa homily mo, Bishop Ambo! Kung ang lahat ganyan ang gagawing Law of Motion and Golden Rule, napakaganda po ng mundo natin . Nagtataka ako kay Tatay namin noon na mahilig gumawa ng kabutihan sa kapwa kahit doon sa mga taong di na nagbabayad ng utang at patuloy pa syang tumutulong. Lagi naman syang masaya at sa wallet nya ay may secret taguan doon na pag binubuksan nya ay sinisilip ko. Yun ay pera na pambigay nya sa mga lumalapit na nangangailangan. Sa aming paglaki nadala namin ang legacy nya at lahat kaming 6 na anak ay puro generous sa nangangailangan. The happiness I feel for doing good to the needy without expecting any return is a reward in itself. Kung hindi ako bigyan ng kapalit ng ginawan ko ng mabuti ay masaya pa rin ako. Iniisip ko bahala ang Diyos sa amin. Thank you, Bishop for mentioning what happened to EDSA. Di ko malilimutan dahil 5 th bday ng baby ko at marami kaming kakilala na nagkwento pati mga pari sa parish namin. They were there. Nakakaiyak nga po ang ganung eksena. Bilin ni Marcos sagasaan at patayin yung mga nasa EDSA pero nagrosaryo sila at nagbigay ng pagkain sa mga sundalo at sinabi ng mga sundalo na gutom na gutom na sila at pagkain ng mga kambing na lang ang kinakain nila. At natauhan sila sabi ng iba sundalo sa interview bakit si Marcos ang pinagtatanggol nila eh dapat mga taumbayan. Si Marcos ginutom sila samantalang itong mga nasa EDSA ay binigyan sila ng tinapay at mga bulaklak. Pano mo sasagasaan ng tangke ang mga ito? I always remember EDSA with tears and joy. Watching from San Diego, California. Stay safe po, Bishop Ambo! God bless you po.
@celiagelvez4581
@celiagelvez4581 2 жыл бұрын
Youre wrong
@elsaconcepcion2592
@elsaconcepcion2592 2 жыл бұрын
Thanks be to God Lord Jesus Christ To All Blessing EVERYDAY Amen
@monte987villa
@monte987villa 2 жыл бұрын
Itigil nga po pala ang panghuhusga para hindi ako husgahan ng Diyos.
@nktndzn1907
@nktndzn1907 2 жыл бұрын
Maraming salamat po bishop.
@monte987villa
@monte987villa 2 жыл бұрын
Totoo nga po Bp. Ambo, na ang tao ay may likas na dangal. Sana hindi ko po ipagpalit ang buo sa barya barya lang.
@leticiabalitaan5924
@leticiabalitaan5924 Жыл бұрын
Good morning cBishop David. Thank you for reminding us ,on how to deal with anger. Lord Jesus , help us., amen
@monte987villa
@monte987villa 2 жыл бұрын
Daigin po ng mabuti ang masama, mas dagdagan pa ang kabutihan at mahihimasmasan ang may puot at galit, papawiin ito ng pagmamahal.
@edenau9888
@edenau9888 2 жыл бұрын
Thank You Bishop Ambo🙏🙏🙏❤❤❤.
@leticiabalitaan5924
@leticiabalitaan5924 2 жыл бұрын
Good afternoon ho Bishop David.Giving us good advice,on how to deal those who hurt us.. Lord Jesus, give me the wisdom to really give forgiveness to those who hurt us…yes I forgive ,,no more galit, but , until now , I can’t talk to them , nor … look at them directly, I need your help , to be with you in heaven…amen
@avelinamanamtam967
@avelinamanamtam967 Жыл бұрын
Thank you po Bishop Ambo 🌸🌻🍀🌹🙏🌷🌿
@monte987villa
@monte987villa 2 жыл бұрын
Ang gawin ko po sa kapwa ko na gusto kong gawin nila sa akin eh.
@melliemedina8801
@melliemedina8801 2 жыл бұрын
Amen🙏🙏🙏
@elsaconcepcion2592
@elsaconcepcion2592 2 жыл бұрын
Amen
@enaukara5535
@enaukara5535 2 жыл бұрын
Salamat padre 🙂
@monte987villa
@monte987villa 2 жыл бұрын
Galit sa kasalanan, ngunit hindi namumuhi sa nagkasala, masamang espiritu o si satanas ang kalaban po natin hindi ang tao na makasalanan o nagkasala.
@leonciobaylon7006
@leonciobaylon7006 2 жыл бұрын
☔⛲🌅💖For Jose Socorro Joson NARING MARQUEZ Clemente Estelita Rosario Camilo Stella Richard M Juan Jaime S Isabel Josephine Teresa Willy V Jorge M Sebastian Khouary and the souls in purgatory.
@driggsbaylon4655
@driggsbaylon4655 Жыл бұрын
🌍⛪🍇💑⛲🍀🌉🌅For Lebanon Philippines Taiwan Myanmar Ukraine Palestine Israel Russia China Hong Kong Mongolia Vietnam Vatican Nicaragua Koreas USA Oceania Amazonia the Sahel.🍓🌴🀄🍞🌏🕊️❤️🪂
@driggsbaylon4655
@driggsbaylon4655 Жыл бұрын
🈴🍞🌏🕊️❤️🪂🏞️👨‍👩‍👧‍👧 UNTIER OF KNOTS Our Lady of the Poor never was it known that anyone who fled to your protection was ever left unaided by your Son. Lord come to our assistance, make haste to help us!🇻🇦💐👒🌾🈴🌈🐠☔
@evelynignolosloso310
@evelynignolosloso310 11 ай бұрын
Pinupuri ka namin panginoong Hesukristo, tunay po ito din nangyari sa sking noon 2012 yong klase ng mga hayop isa na hayop na ongyango, kappri alyen,my tao,utak isip ko, at sino yong tao, na gumagalaw ng utak isip,grabe utak isip ko ginagalaw ng tao, kong ginagalaw niya ang utak isip ko, dahil yon din bigay sa kanya,or kanyang tungkolin, bago my nakikisaw2 ay ano na, ngayon sa iyong pakikisaw2 sa utak na my utak at isip,ang aking dito ay huwag kang makikisaw2 gumawa ka ng iyo,utang na loob,dahil kong tama, gumagalaw ng utak isip,ko ay tama,tama ay tama, bago nakikisaw2 ka ng mali naman ang mga ginagawa mo ano na,tayo ngayon, Mrs,Nakani sang daw kuno, ikaw mismo nagsabi sa akin noon, ma noon man at ma ngayon ay ako yon,2012 my sinabi ka sa akin noon, namy pinsan ka, sabi sa akin na pinapunta mo dito jan sa manila, galing Bacolod, sabi mo ay my hayop na,sumusunod sa kanya,ngayon masasabi ko ba ito kong ikaw mismo mrs, Nakani sang ay my sabi sa akin,ano itong hayop, na sumusonod sa pinsan mong lalaki,bakit mo alam, Normal ba talaga yang utak mo, na magmula na nagkakilala tayo ay nag hayop kana,kita ko nga yong pinsan mo na yon,nakatira ba sa bahay mo,kaya lang hindi kuna pinansin dahil ang utak isip ko noon,ay magulo, dahil doon nga sanapasukan kong trabaho, alam mo yon tunay na tunay, saiyo ko panga dinala yong mga Segarelyo, na galing doon kong saan ako nagkatrabaho na hindi ko alam ang mga tunay nilang trabaho, my mga lugar lang sinasabi my Devisoria jan sa manila my tutuban,condo sa makati, anong trabaho,wala akong alam sa trabaho nila, lahat ng mga gamit ko na iniwan ko sa iyo ay nagkawala2 subra ha, nasaan na yong pinsa mo sabi mo my hayop na sumosunod, anong clasing hayop yon,dahil ongyango grabe ang galaw niyo sa utak isip ko ha, lupa langit🙏langit lupa, Rosary, ko hawak ko,laban utak isip, deskarte ng Oras, ng makuha ang tamang tubig, tubig ng kalinisan sa bawat utak natin,hindi yong mga bagay na mga luma ng kalumaan ay kunin at gawing bago, sino kayo, sa luma na yon, huwag na ninyong pakialaman dahil luma na nga,ang gawa mo ikaw mismo ang baguhin mo,mga gawa mo, huwag yong mga bagay sa kalumaan ng mga kalumaan, tingnan na lang ninyo sa inyong mga ginagawa ang Birhen na kay SaySay, sino my sabi sa inyo na ipagmukha ninyo ng tao yon, Birhen bakit nagmukhang Ninuno ko, ano yang pinanggagawa ninyo ha, my tao lang din nakikisawsaw para lang yayaman, kong ano ano ng mga ginagawa kong ano pa ang ginawa ninyo sa mga Santo at Santa tao lang kayo,utang na loob masaki sa inyong mga ginagawa, papa Jesus chirst month ng Nov, noon at magpahangang ngayon Santo sila tao, lang tayo,sino tayo sa kaya nilang gawin sa ating, my magagawa ba tayo, luma ay luma, huwag ninyong gawing bago para saan yang mga ginagawa ninyo, Gumalaw kayo na tama, ayon ayon sa iyong binabasa, Homily January -2012🙏🌳🙏🌳🙏🌳🙏🌳🙏🌳
WITHOUT LOVE, I AM NOTHING (4th Sunday in Ordinary Time)
22:49
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 17 М.
MAHIMASMASAN SA KAHIBANGAN (Unang Linggo ng Kuwaresma)
19:08
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 18 М.
小丑家的感情危机!#小丑#天使#家庭
00:15
家庭搞笑日记
Рет қаралды 34 МЛН
Help Me Celebrate! 😍🙏
00:35
Alan Chikin Chow
Рет қаралды 88 МЛН
How I Turned a Lolipop Into A New One 🤯🍭
00:19
Wian
Рет қаралды 11 МЛН
KAMANLALAKBAY (Paglulunsad ng Sinodo Tungo sa Isang Simbahang Sinodal)
20:45
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 18 М.
Kapistahan ng Nuestro Padre Hesus Nazareno Homily
23:03
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 23 М.
Quiapo Church Live Mass Today - 22 October 2024 (Tuesday) HEALING MASS
55:52
Nazareno Online Mass PH
Рет қаралды 7 М.
HINDI PAGMAMATAAS ANG MANGARAP - Homily by Fr Dave Concepcion on Oct. 19, 2024 - Abu Dhabi, UAE
42:04
Fr. Dave Concepcion, EVERYTHING IS GRACE
Рет қаралды 53 М.
MGA GAWA NG MGA APOSTOL
3:13:48
READ SCRIPTURES
Рет қаралды 1,5 МЛН
Homily for the Feast of Santo Nino
24:14
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 28 М.
Homily for the Sixth Sunday of Easter
20:47
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 10 М.
WHAT GOD HAS JOINED, LET NO HUMAN SEPARATE - Homily by Fr. Dave Concepcion
17:46
Fr. Dave Concepcion, EVERYTHING IS GRACE
Рет қаралды 60 М.
小丑家的感情危机!#小丑#天使#家庭
00:15
家庭搞笑日记
Рет қаралды 34 МЛН