No video

PAG-UUSAP NA NAKAPAGBABAGO (

  Рет қаралды 18,055

Diocese of Kalookan

Diocese of Kalookan

Күн бұрын

PAG-UUSAP NA NAKAPAGBABAGO
Homiliya para sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresm
Marso 13, 2022 | Lukas 9:28b-36
Ang ebanghelyo sa ikalawang Linggo ng Kuwaresma ay laging tungkol sa PAGBABAGONG-ANYO ni Hesus. Pero para sa ating reflection ngayon, pag-usapan natin ang tungkol sa konteksto ng PAGBABAGONG-ANYO-ang pakikipag-usap. Pag-uusap na nakapagbabagong-anyo.
Nasa tatlong ebanghelyo ang kuwentong ito, pero si San Lukas lang ang nagbibigay sa atin ng ideya tungkol sa sitwasyon o konteksto ng pagbabagong-anyo. Umakyat daw sa bundok si Hesus para manalangin. At habang nananalangin siya, nagbago ang anyo niya.
Madalas ilarawan ng mga ebanghelista ang pananalangin bilang mga okasyon ng pagdidili-dili para kay Hesus. Di nga ba’t ito ang mga pagkakataon na lumalayo siya sa maraming tao para makapag-isa? Pero sa totoo lang, ang mga sandaling ito ng pag-iisa ay mga sandali rin ng pinakamatinding pakikipag-usap ni Hesus, mga sandaling hindi siya nag-iisa. Sino ang kausap niya? Sa mata ng tagapanood-sarili lang niya ang kausap niya. Monologue ang tawag ng iba sa ganyan-pakikipag-usap sa sarili. Ganoon ba ang panalangin? Hindi.
May kausap talaga siya. At ito daw ang nasaksihan ng tatlong alagad-Pedro, Santiago at Juan. Ang unang nakita nilang kausap niya ay dalawang tao: si Moises at Elias, mga karakter ng Bibliya, kumakatawan para sa dalawang bahagi ng Banal na Kasulatan: si Moises, para sa Torah o Aklat ng Batas, at si Elias naman para sa Nebi’im o aklat ng mga Propeta. Pati ang topic ng pag-uusap nila ay mukhang narinig ng tatlong alagad-ang topic daw ay ang kanyang “eksodo” na magaganap sa Jerusalem.
May isang yugto na nakakatawa sa eksena, lalo na noong nakisawsaw sa usapan itong tatlong alagad sa pag-uusap ng tatlo: Hesus, Moises at Elias. Kung EKSODO ang pinag-uusapan nila, ano pa ang ibig sabihin nito kundi pag-alis o paglisan? Sabi siguro ng tatlong alagad, “Aalis na ba siya? Iiwan na ba tayo? Sinusundo na ba siya nitong dalawa?” Kaya biglang sumabat si Pedro sa usapan-“Guro, mabuti na lang narito rin kami. Kayo rin, dito lang muna kayo. Ipagtatayo namin kayo ng kubol, tig-iisa kayo.” Sa madaling salita, gusto nilang pigilan ang pag-uusap. Ang intindi nila, kinukuha na siya. Please po, huwag muna. Ayaw namin ang pag-uusap na iyan. Magkanya-kanya na muna tayo. Respetuhin na lang natin ang isa’t isa.
Sa sandaling iyon daw, habang nagsasalita si San Pedro, natakpan sila ng ulap. Biglang napalitan ng dilim ang liwanag na kanina lang ay naaaninaw nila. Pero may narinig silang tinig sa gitna ng kadiliman-ang tinig ng tunay na kausap ni Hesus, ang Diyos Ama. At may payo ang ama sa kanila kung ibig din nilang maranasan ang isang pakikipag-usap na makabuluhan at na nagpapabago sa ating pagkatao: MAKINIG MUNA.
Maraming klaseng pag-uusap. At alam natin na hindi lahat ng pag-uusap ay nagbibigay liwanag, o nakapagbabagong anyo. Minsan, ang pag-uusap natin ay walang katuturan, lalo na kung ito’y hindi nakabase sa katotohanan. Di ba may kasabihan tayo, “Ang maniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili?” Ang pag-uusap ng mga tao ay pwedeng mauwi sa tsismisan lang o sa nakaaaliw na pantasya. Kung minsan ang simpleng bidahan ay pwedeng mauwi sa kantiyawan. May mga usap-lasing na nauuwi sa barilan o saksakan. Sa amin sa Pampanga, ang salita para sa “AWAY” ay “PATE” na ang literal na kahulugan ay PAGPATAY. Advanced talaga kaming mga Kapampangan-away pa lang, patayan na. Siguro dahil alam namin na ang madalas na pagmulan ng patayan ay mga usap-usapang walang katuturan, na nauuwi sa pagtatalo, hinanakitan, hidwaan.
Kapag wala nang katuturan ang pag-uusap, talagang kailangan muna itong putulin, katulad ng ginawa ng Ama sa salita ni Pedro. Minsan kasi kailangan muna talagang lumayo at magdili-dili, para makapasok tayo sa mas malalim na pakikipag-usap, hindi sa sarili kundi sa Diyos. At kung minsan, nakakatulong sa pagbibigay-liwanag sa kalooban ng Diyos ang sinasabi ng Bibliya, o Banal na Kasulatan, ang sinasabi nina Moises at Elias, katulad ng ginagawa natin ngayon mismo.
Kung minsan may mga bagay na dahil ayaw pag-usapan ng kausap mo. Mga topic na kapag binuksan mo, ang sagot ay katahimikan. Ibig sabihin, dinedma ka. Katahimikan na ang ibig sabihin ay: “Ayokong ngang pag-usapan iyan.” Sa Ingles ang tawag sa ganyang mga topic ay CONVERSATION STOPPERS. At sabi nila sa maraming mga Pilipino ngayon, ang pulitika ay isang “conversation stopper.” Katulad ng ginawa ni San Pedro, sa pakikipag-usap ni Hesus kina Moises at Elias, ang suggestion ay, “Tama na iyan. Magkanya-kanyang kubol na lang kayo, kaysa magkalayo-layo tayo ng kalooban.”
Parang tama, pero mali. May advice ang tinig mula sa likod ng ulap ng kadiliman: tinig ng Ama na nagsasabing, “Makinig muna, bago magsalita.” Ito rin ang madalas ipaalala ni Pope Francis tungkol sa diwa ng SYNODALITY, ng pakikilakbay.

Пікірлер: 28
@rolandomacarang1674
@rolandomacarang1674 2 жыл бұрын
Thank you father..God I Good hallelujah
@erlysantos4946
@erlysantos4946 2 жыл бұрын
Amen gud day po Bishop Ambo stay safe Amen
@leticiabalitaan5924
@leticiabalitaan5924 Жыл бұрын
Good morning ho Bishop David. This episode of the Bible gives me strong faith in God..when I knew that nobody believes in my going to church, in our praying,I opened my Bible to make a prayer which I thought will touch the heart of our Lord.. this episode made a miracle in my life,…once , I read it, my faith deepens, and I trust Jesus, cuz our Heavenly Father said, THIS IS MY SON…so beginning that time , I believe, trust, adore and love God, the father, son and Holy Spirit…thank you Lord Jesus for the gift of faith….thank you for moving my kid’s life …thank you for loving us.we love you too….amen.
@leticiabalitaan5924
@leticiabalitaan5924 2 жыл бұрын
Good evening ho Bishop David. Enlightening homily..
@erlybalaguer7933
@erlybalaguer7933 Жыл бұрын
Hello po Bishop Ambo stay safe always god bless Amen
@avelinamanamtam967
@avelinamanamtam967 Жыл бұрын
Thank you po. Amenpo. 🙏🙏🙏❤️❤️❤️🌹🌹🌹
@teresitasarmiento2799
@teresitasarmiento2799 2 жыл бұрын
Thank You Bishop for your teachings by ur preaching the Word in a manner wc pierces pur mind and heart making us satiated. U speak both langauages. T nd e in beautiful way. God bless and more power! Tss
@stephaniegonzales9868
@stephaniegonzales9868 2 жыл бұрын
Stephanie🙏🥰
@doloresdeasis4163
@doloresdeasis4163 2 жыл бұрын
Thank you, Bishop sa liwanag , Amping lang Po!
@violetalorenzana2330
@violetalorenzana2330 2 жыл бұрын
I found Bishop Ambo of Kalookan accidentally while looking for a Pinoy Sunday mass online and I am very lucky I did. He is such an intelligent, well spoken, easy to understand and extremely beiievable priest/bishop/good human being.
@florpascual2694
@florpascual2694 2 жыл бұрын
Amen,thank you Lord for.Transfiguration.Praise for you Bishop.Ambo for homily.God Bless and ingat po lagi.Praying for Ukraine🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏💙💛💙💛💙💛🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏
@amandaguiam8962
@amandaguiam8962 2 жыл бұрын
Thank you Fr Ambo. I learn a lot listening to your homily.💗🌺💓💕💝💯🌸💞👍💐
@nelliegabatino553
@nelliegabatino553 2 жыл бұрын
To God be the glory! More power to you Bishop Ambo! Thanks for your homily.🙏❤️👏😇
@nellycomendador5968
@nellycomendador5968 2 жыл бұрын
Thank you bishop Ambo God bless po. Ingatz
@ophieyaleahsarmiento9374
@ophieyaleahsarmiento9374 2 жыл бұрын
Amen 🙏 Thank you Bishop Ambo for the beautiful homily. 🙏
@remediosreboja1837
@remediosreboja1837 2 жыл бұрын
Napakaganda naman po Bishop Ambo ng homily mo. Salamat po sa magandang paliwanag ng Gospel. Stay safe and God bless you more. Congratulations on your 39 th sacerdotal anniversary. Watching from California. Natuwa po ako sa Kapampangan translation ng away . Tama po kayo advanced ang mga Kapampangan. 😀
@adenlara785
@adenlara785 2 жыл бұрын
Napakagamda po pah tagalog na homilia intindido ng masa. Inulit ko pa ng matandaan ang napaka ganda nyong paliwanag.
@melliemedina8801
@melliemedina8801 2 жыл бұрын
Amen 🙏🙏🙏 Thank you Bishop Ambo.
@florpascual2694
@florpascual2694 2 жыл бұрын
Praise the Lord!🙏
@julietahamoaynazif5203
@julietahamoaynazif5203 2 жыл бұрын
Thank you Bishop Ambo! Godbless 🙏
@remymariano2131
@remymariano2131 2 жыл бұрын
9
@stephaniegonzales9868
@stephaniegonzales9868 2 жыл бұрын
StephanieRaeM.Mendoze34
@driggsbaylon4655
@driggsbaylon4655 Жыл бұрын
🍓🌈🌹🕊️🎁☔❤️🌍🌉⛪🈴🏞️🔥💑🐠Our Lady of the Poor UNTIER OF KNOTS never was it known that anyone who fled to your protection was ever left unaided, For Helene pls po.🀄🎀🌅🌴👒🌎🍇🪂🌾
@doloresdeasis4163
@doloresdeasis4163 2 жыл бұрын
Thank you, Bishop sa liwanag , Amping lang Po!
@naomebriones6463
@naomebriones6463 2 жыл бұрын
Orch
@naomebriones6463
@naomebriones6463 2 жыл бұрын
Tlfc
@luluserrano7155
@luluserrano7155 2 жыл бұрын
Amen ...ganyan po ang gusto naming marinig na homily, ung hango sa banal na kasulatan, hindi ung parang inuudyukan ang mga nakikinig para magalit sa kapwa...Thank u po bishop.
MAHIMASMASAN SA KAHIBANGAN (Unang Linggo ng Kuwaresma)
19:08
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 18 М.
PAKIKIHAWIG SA DIYOS
23:22
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 19 М.
Whoa
01:00
Justin Flom
Рет қаралды 41 МЛН
طردت النملة من المنزل😡 ماذا فعل؟🥲
00:25
Cool Tool SHORTS Arabic
Рет қаралды 22 МЛН
what will you choose? #tiktok
00:14
Анастасия Тарасова
Рет қаралды 5 МЛН
Unang Balita sa Unang Hirit: AUGUST 29, 2024 [HD]
16:59
GMA Integrated News
Рет қаралды 10 М.
ANG REGALO NG PAG-ASA (1st Day of Simbang Gabi)
28:47
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 14 М.
Ika-pitong Linggo ng Karaniwang Panahon
21:50
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 17 М.
MALIIT NA BAGAY, MALAKING BAGAY
15:11
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 9 М.
Pag uusap
21:06
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 10 М.
MATANG NAKADILAT (Ikatlong Linggo ng Kuwaresma)
20:32
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 11 М.