No video

GOD THE FARMER

  Рет қаралды 5,571

Diocese of Kalookan

Diocese of Kalookan

Күн бұрын

GOD THE FARMER
Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon,
16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34
Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi.
Simulan natin sa una. Ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Ito rin naman ang binigay na paliwanag sa naunang talinghaga dito rin sa chapter 4 ni San Markos tungkol sa iba’t ibang klaseng lupa na binagsakan daw ng mga binhing inihasik ng isang magsasaka. Na katulad din daw ng iba’t-ibang klaseng tagapakinig ng Salita ng Diyos.
Binhi, lupa, paghahasik, pareho pa rin ang mga detalye ng kasunod na dalawang talinghaga na binasa naman natin ngayon, pero iba ang ipinupunto. Sa tingin ko para sa amin ang kuwentong ito, lalo na sa mga tagapangaral ng Salita ng Diyos. Na sa huling suma, ang tunay na magsasaka ay ang Panginoon. Nakikitrabaho lang kami. Ang tunay na magsasaka na nagpapalaki, nagpapatubo at nagpapabunga sa binhi ng salita ay hindi naman kami. Sabi nga ng talinghaga, matapos na maghasik ng binhi ang tagahasik, pwede na siyang matulog at maghintay.
Hindi naman kami kundi siya-ang Diyos mismo-ang nagtatayo ng kanyang kaharian o nag-aalaga sa pananim. Siya talaga ang magsasaka. May papel nga kami pero hindi rin pala kami dapat masyadong maging mapapel na para bang depende na ang lahat sa amin. Na ang tahimik at kusang pagtubo ng mga binhi at unti-unting pag-usbong at paglago nito ay hindi na sa amin nakasalalay. May nangyayaring proseso na lampas sa imahinasyon nating lahat. Ang trabaho namin bilang mangangaral, ay ang maghasik at umalalay.
Sabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa, “Ang mga lakad natin sa buhay ay dapat gabayan, hindi lang ng paningin kundi ng pananampalataya.” Kahit malinaw ang ating paningin, hindi lahat ay nakikita natin. Ang ibang mga bagay na magkakaroon ng kinalaman sa pagtubo at pagbunga ng naitanim, o sa maaaring ikasira nito ay lampas na sa atin. Hindi natin lubos na nakikita, pero napagmamasdan natin. Kung minsan ang sobrang pakikialam ay nakakasira din, nakakaistorbo at nakakapigil sa proseso ng pagtubo at pamumukadkad. Importante ang magkaroon tayo ng kababaang-loob na magmasid lang at tumanggap na hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay. Kasabihan nga natin, pag ginawa mo na ang lahat, ang kasunod ay ipagpasa-Diyos na natin.
Ngayon naman, ang pangalawang punto: tayo mismo ay parang mga binhi rin. Pagmasdan ang isang binhi. Ang nakikita natin ay ang pabalat, pero ang tunay na importante ay nasa loob-ang hindi natin nakikita. Katulad ng palay. Ang binhi ay ang bigas na nasa loob. Na pwede palang mangyari kung minsan na ang inaakala mong palay, na mukha naman talagang palay ay wala palang laman; ito’y ipa na lamang. Akala ko noon lahat ng butil na inaani ng magsasaka ay palay. Ang iba pala ay ipa, hindi nagkakalaman dahil nagkulang sa pataba at patubig. Kapag tinahip hindi babagsak sa bilao, ililipad ng hangin dahil nga walang laman. Sayang pala ang pagod ng magsasaka kapag hindi nagkalaman ang palay niya. Parang tayo din-pwedeng tumubong parang palay na hindi nagkalaman sa loob kung nabuhay na walang layunin.
Sa ating ikalawang pagbasa, sinabi rin ni San Pablo “Malakas ang loob natin na lumabas sa ating kinalalagyan, upang magkamit ng gantimpala.” Parang inilalarawan naman niya ang palay na nagkalaman. Na ang susunod na hamon ay ang makalabas ang laman na ito-ang iba para magpakain at magpabusog, ang iba naman, para matanim at magbunga ng mas marami pang makakain.
Ang naiisip ko dito ay ang sinabi rin ng Panginoon sa Juan 12, kung saan binigyan ng positibong kahulugan ang pagkahulog at pagkamatay: “Maliban lang kung ang butil ng trigo ay mahulog at mamatay, mananatili itong nag-iisa.” Ganyan nga naman ang misteryo ng pagtatanim. Ang pagkahulog at pagkalibing ng binhi ay bahagi ng proseso na kailangan mangyari para makalabas ang laman ng binhi upang tumubo, mamukadkad at magbunga. Sa una, tayong mga tao ay parang mga binhi rin, parang bigas na nakabalot ng ipa, nakakulong sa loob, nakatuon sa sarili. Ganyan naman ang tao sa una-naghahangad ng ikagaganap ng sariling kaligayahan, nagsusumikap na matupad ang pansariling layunin, makasarili ang dating. Hanggang sa matutong magmahal, maghangad ng layuning lampas sa sarili, natututong magparaya, magbigay, magbahagi, lumabas sa sarili. Kung kailan lumalabas sa sarili, mas lalong umuunlad ang pagkatao.
Dahil Father’s day ngayon, iugnay natin sa karanasan ng lahat ng mga nagsusumikap na maging mabuting ama sa kanilang mga anak. Parang magsasaka din ang mga tatay. Hindi natatapos ang gawain nila sa paghahasik ng binhi kung saan-saan. Hindi naman lahat ng biological fathers ay natututong maging mabuting ama. Ako nga binabati rin ng Happy Father’s day, kahit hindi ako biological father ninuman. Dahil father din ang tawag sa amin-mga alalay ...........

Пікірлер: 20
@mariamvillaver9510
@mariamvillaver9510 2 ай бұрын
Happy Father’s Day and pray for me Bishop Ambo 🙏🙏🙏❤️and for my family too!
@abegailbratoz4703
@abegailbratoz4703 2 ай бұрын
Amen❤❤❤
@carinaeaglin4175
@carinaeaglin4175 2 ай бұрын
Amen
@GaryDumandan
@GaryDumandan 2 ай бұрын
Happy happy fathers day po bishop ambo salamat po
@erlysantos4946
@erlysantos4946 2 ай бұрын
Happy fathers Day Bishop Ambo stay safe always love you po amen
@GaryDumandan
@GaryDumandan 2 ай бұрын
Salamat po narinig kurin po ang gusto kong marinig
@monte987villa
@monte987villa 2 ай бұрын
❤❤❤ ah ang ipagpa Diyos din po ba Bishop Ambo ay kagaya ng kasabihan na nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa.🎉🎉🎉
@josefinadalandan9043
@josefinadalandan9043 2 ай бұрын
Happy Father's day po, Bishop Ambo! GOD bless you always.
@merleescobar3998
@merleescobar3998 2 ай бұрын
God Bless po,Bishop Ambo💥💥💥Salamat po sa inspirational homily. “Our Father, the God the Farmer” yes, Bishop, I am more inspired to continue gardening. I feel closer to God when I am gardening, I have the time to pray the rosary with the help of my iPhone: rosary, act of Consecration to Our Sacred Heart; act of Reparation; and Litany of the Sacred Heart of Jesus,and other novena I love Now I understand, It is the will of God if my plants will grow…. Just like us….it is the will ofGod to grow with the Words we hear from our Lord, 🙏🏽🙏🏽🙏🏽
@leticiabalitaan5924
@leticiabalitaan5924 2 ай бұрын
Happy Father’s Day ,ho Bishop David…
@emilymahia2440
@emilymahia2440 2 ай бұрын
Happy Father 's Day sa lahat.
@GabrielDelorino
@GabrielDelorino Ай бұрын
❤ Salamat po Bishop ❤
@driggsbaylon4655
@driggsbaylon4655 2 ай бұрын
🈴🈴☮️☮️. HAPPY FATHER'S DAY,BISHOP AMBO AND TO ALL FATHERS. ☮️☮️🈴🈴
@leticiabalitaan5924
@leticiabalitaan5924 2 ай бұрын
Listening . Tom. Will write comment….interesing ho.
@florpascual2694
@florpascual2694 2 ай бұрын
Amen,thank you po Lord for your holy word and for.the.gift.of life.Salamat.po.Bp Ambo sa homily,so clear and meaningul..🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏
@driggsbaylon4655
@driggsbaylon4655 2 ай бұрын
🌍🍁🌎🌹🌏☮️🌄💐For Gaza Rafa Myanmar Ukraine Taiwan WestPhilippineSea Vatican SouthKorea Philippines Israel WashingtonDC NorthKorea Turkmenistan NewJersey Russia Beijing France Japan Florida🌴🌉🌉🍞🌾🍇🦚
pagkain ng buhay
20:11
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 4,1 М.
Huwebes ng Ika-12 Linggo  sa Karaniwang Panahon
10:57
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 2,6 М.
Underwater Challenge 😱
00:37
Topper Guild
Рет қаралды 39 МЛН
Kind Waiter's Gesture to Homeless Boy #shorts
00:32
I migliori trucchetti di Fabiosa
Рет қаралды 15 МЛН
The Giant sleep in the town 👹🛏️🏡
00:24
Construction Site
Рет қаралды 20 МЛН
طردت النملة من المنزل😡 ماذا فعل؟🥲
00:25
Cool Tool SHORTS Arabic
Рет қаралды 22 МЛН
2024 PCNE X Heart to Heart: The Synodal Experience.
1:46:56
Philippine Conference on New Evangelization
Рет қаралды 37 М.
VOCATION TALK CARDINAL LUIS ANTONIO TAGLE  2020
17:41
WORD EXPLAINED Fr. Andrew Recepcion
Рет қаралды 10 М.
Finding Hope In The Word of God #12 : Dina Bonnevie
11:18
Amy Austria-Ventura
Рет қаралды 69 М.
Bp ambo retreat 2024
1:27:59
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 12 М.
GO OUTSIDE!
8:47
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 2,5 М.
FEAR IS THE ENEMY OF FAITH - Homily by Fr. Danichi Hui on June 23, 2024
17:18
“What can we do on our toxic behaviors?”
21:37
ASF Radio Station 91.9 FM
Рет қаралды 58 М.
IT IS WHAT WE DO WITH WHAT WE RECEIVED - Homily by Fr. Dave Concepcion on July 28, 2024
20:46
Fr. Dave Concepcion, EVERYTHING IS GRACE
Рет қаралды 71 М.
Underwater Challenge 😱
00:37
Topper Guild
Рет қаралды 39 МЛН