Рет қаралды 16,382
Sabayang Pagbigkas by the Grade 9-ST. ANDREW on July 19, 2018.
Links (Updated):
Sabayang Pagbigkas 9-ST. ANDREW 2019 - • KULTURA:Ang Pamana ng ...
--------------------------------------------
ELEHIYA PARA KAY RAM
Ni Pat. V. Villafuerte
Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay
Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula't simula pa'y pinatay ka na
Ng matitigas na batong naraanan mo
Habang nakamasid lamang
Silang nangakalahad ang mga kamay
Silang may tangang kahon ng kendi't sigarilyo
Silang may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo
Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo
Bunga ng maraming huwag at bawal dito
Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos
Ang maraming bakit at paano
Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping ikaw'y tao
At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo
Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili
Buhay na di mo matanggihan dahil nasa mga palad mo
Ang pagsang-ayon, ang pagtango at pagtanggap
Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang kapatid
--------------------------------------------
Video Editing Software: Wondershare Filmora