Exodus 11, Ang Kamatayan ng mga Panganay na Lalaki sa Egipto

  Рет қаралды 47

Read the Scriptures

Read the Scriptures

Ай бұрын

Ang Kamatayan ng mga Panganay na Lalaki sa Egipto
EXODUS 11
1Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Padadalhan ko ng isa pang salot ang Faraon at ang Egipto. Pagkatapos nito, paaalisin na niya kayo. Itataboy pa niya kayo dahil gusto niyang makaalis agad kayo.
2Sabihin mo sa mga Israelita, lalaki man o babae, na humingi sila ng mga alahas na pilak at ginto sa mga kapitbahay nila na Egipcio.”
3(Niloob ng Panginoon na maging mabait ang mga Egipcio sa mga Israelita. At iginalang si Moises ng mga opisyal ng Faraon at ng mga mamamayan ng Egipto.)
4Kaya sinabi ni Moises sa Faraon, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Dadaan ako sa Egipto mga bandang hatinggabi,
5at mamamatay ang lahat ng panganay na lalaki sa Egipto, mula sa panganay ng Faraon na papalit sa kanyang trono, hanggang sa panganay ng pinakamababang aliping babae. Mamamatay din ang lahat ng panganay ng mga hayop.
6Maririnig ang matinding iyakan sa buong Egipto na hindi pa nangyayari kailanman at hindi na mangyayari pang muli.
7Pero magiging tahimik ang mga Israelita; kahit tahol ng asoʼy walang maririnig.’ Sa pamamagitan nito, malalaman ninyo na iba ang pagtrato ng Panginoon sa mga Israelita at sa mga Egipcio.
8Lahat ng iyong mga opisyal ay lalapit sa akin na nakayuko at magsasabi, ‘Umalis ka na at isama mo ang mga mamamayang sumusunod sa iyo!’ Pagkatapos nito, aalis na ako.” At umalis si Moises sa harapan ng galit na galit na Faraon.
9Sinabi noon ng Panginoon kay Moises, “Hindi maniniwala ang Faraon sa iyo, para marami pang himala ang magawa ko sa Egipto.”
10Ginawa nila Moises at Aaron ang mga himalang ito sa harap ng Faraon, pero pinatigas ng Panginoon ang puso ng Faraon, at hindi pinayagan ng Faraon na umalis ang mga Israelita sa kanyang bansa.
______________________________________________
#faith
#religion
#readthebible
#understandingscripture
Basahin, panoorin at pakinggan po natin para mas maunawaan natin ang mga Aral, Utos ng Dios ayon sa mga Banal na Kasulatan. (Pahayag 1:3)
Paalaala po, ugaliin po nating magbasa ng mga Banal na Kasulatan para po alam po natin ang mga pangyayari noong mga nakaraang Panahon ang Kasalaukuyang Panahon at ang Panahong Darating. At pagsikapan po nating tuparin, ganapin ang mga aral at utos ng Dios at panginoong JesuCristo sa tulong ng Espiritu.
Huwag din po nating Dagdagan at bawasan ang tekstong nakasulat sa nilalaman ng mga Banal na Kasulatan.
Pahayag 22:18-21
18Ako, si Juan ay nagbibigay babala sa lahat ng nakakarinig sa mga pahayag ng Dios sa aklat na ito. Ang sinumang magdagdag sa mga nilalaman ng aklat na ito, idaragdag ng Dios sa kanyang parusa ang mga salot na nakasulat dito.
19At ang sinumang magbawas sa mga nilalaman ng aklat na ito ay aalisan ng Dios ng karapatang kumain sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay. At mawawalan din siya ng karapatang makapasok sa Banal na Lungsod na nabanggit sa aklat na ito.
20Si Jesus ang nagpapatunay sa lahat ng nakasulat dito. At sinabi pa niya, “Talagang malapit na akong dumating!” Sinabi ko naman, “Sana nga po! Pumarito na po kayo, Panginoong Jesus.”
21Pagpalain kayong lahat ng Panginoong Jesus.
Disclaimer:
Ang mga video clip po na ginagamit dito ay ginamit para isadula ang ilang pangungusap. Ito po ay may pahintulot ng mga tauhan sa nasabing video clip na pagaari ng isang App.
Sumaatin nawa po ang Kapayapaan, Pagibig at Pagpapala ng Dios Ama at Panginoong JesuCristo.
Sa Dios Mananatili ang lahat ng Karangalan, kapurihan, Kaluwalhatian at Kapangyarihan Magpakailanman.
Read the Scriptures 06272024

Пікірлер
Best Toilet Gadgets and #Hacks you must try!!💩💩
00:49
Poly Holy Yow
Рет қаралды 23 МЛН
小蚂蚁被感动了!火影忍者 #佐助 #家庭
00:54
火影忍者一家
Рет қаралды 43 МЛН
DEUTERONOMO 1 TAGALOG AUDIO BIBLE
9:14
RYLEN04 TV
Рет қаралды 3,7 М.
Mga salita na puno ng Aral at Karunungan - 7
2:48
Grace Dasmarinas Galabin
Рет қаралды 6 М.
How to win a argument
9:28
ajaxkmr
Рет қаралды 433 М.
Ang tubig sa Bato, Natalo ang mga Amalekita
4:09
READ THE SCRIPTURES
Рет қаралды 59