Рет қаралды 12,890
Kasama si Senator Kiko Pangilinan, binisita namin ang Braveheart Farms ni dating Governor Manny Piñol sa Kidapawan, Cotabato. Grabe, ang ganda ng farm nila!
Ibinahagi ni Gov. Manny ang limang nakakatuwang facts tungkol sa mga alagang hayop at mga tanim dito. Nakakatuwa ang pangalan ng farm, hango sa pelikulang "Braveheart" ni Mel Gibson. Fan kasi si Gov. Manny at may special meaning din dahil premature ang anak niya at laging sinasabihan na "have a brave heart."
Si Gov. Manny rin ang dating Secretary of Agriculture noong panahon ni Duterte, at talagang ipinakita niya sa amin ang iba't ibang aspeto ng sustainable farming - mula sa mga manok, tilapia, hanggang sa iba't ibang halaman. Bilang pangarap ko rin ang magkaroon ng farm at mamuhay nang simple, nakaka-inspire talaga ang Braveheart Farms.
Salamat kay Board Member Dr. Krista Piñol, anak ni Gov. Manny, na siyang naging tulay para sa visit na ito. Tara na’t tuklasin ang farm life!
👉 Like, Comment, Subscribe, at i-click ang bell para updated kayo sa mga ganap natin.
#BraveheartFarms #MannyPiñol #AttyChelDiokno #SenKikoPangilinan #FarmLife #Cotabato #KristaPiñol #FarmVisit #PhilippineFarms #SustainableFarming #SimpleLife