Рет қаралды 13,111
Mayaman sa tula ang kabihasnang Pilipino. Mula noong unang panahon,
ang ating mga ninuno ay nabuhay sa mga tulang kanilang nabuo na kanilang
ipinasa sa mga tao sa paglipas ng panahon. Ang mga tulang ito ay nagtuturo at
nagbibigay-aral na siya ring sumasalamin sa mayaman nating kultura.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang: (a) makapaglahad ang sariling pananaw
at maihambing ito sa pananaw ng iba tungkol sa pagkakaiba-iba o pagkatulad ng
mga paksa sa mga tulang Asyano; (b) matukoy at maipaliwanag ang mga
magkakasingkahulugang pahayag sa ilang taludturan; (c) makasulat ng ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan; at (d) maipaliwanag
ang salitang may higit sa isa pang kahulugan.