Medyo malayo layo ang haba na ng nilakaran. Ang daming mga nakasalubong hindi alam pangalan, Mga nakatanguang naka apirang kasabay, Mga tropang tumalikod nung ako yung sumablay, Pero ayos lang kasi lalong tumalim, Lumabas pa lalo yung mga nakatagong galing, At puro positibo palagj yung baong enerhiya, Pamilya gasolina kapag ako nanghihina, Pero kahit na ganon alam mo laging safe lang, Pag tunog ko tagilid alam mo hanggang gate lang, Kung masaktan man ako siguro mga days lang, Hindi na para pa mang hate alam mo laging oks lang.