Рет қаралды 3
Masayang sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang panibagong linggo ng serbisyo sa isinagawang regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong araw, Enero 22.
Sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na pinamumunuan ni Ma'am Sonia Leyson, kanilang ibinahagi ang mga hatid na serbisyo ng bawat social workers.
Binigyang pugay naman ni Governor Doktora Helen Tan ang nasabing tanggapan sa parating pangunguna sa pamamahala ng mga programang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga Quezonian.
Samantala, ginawaran ng Provincial Government - Environment and Natural Resources (PG-ENRO) ang mga tanggapan na nagpakita ng wastong pamamahala ng kanilang mga basura.
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon