Рет қаралды 94,119
Song: Gayuma
Artist(s): Abra ft. Thyro & Jeriko Aguilar
Lyrics:
Harana para sa dalaga
Na kung 'di dahil sa pag-ibig ay tinalikuran ko na sana
Dalaga na balak makasama
Mula sa simula hanggang sa magsipagtunugan 'yung kampana
Makasama ka na para bang tadhana
At kamatayan lamang ang nag-iisang pintuan kung wala ka
Ang tadhana, sadyang kahanga-hanga
Ibang mga babae sa mundo kinalimutan ko na para
Masabi lang sa 'yo na tapos na ang panggiginaw
Ng puso kong naghihikahos 'pagka't naliligaw
Ngayon, paos na paos na sa kasisigaw
Ng iyong pangalang laos na sa kalilitaw
Ngunit bakit parang maraming nakatitig sa 'tin?
At parang hindi sila sang-ayon sa pag-ibig natin
Mahal kita kahit may pagka-alanganin
'Pagka't sa 'tin, mas mukha ka pang lalaki kaysa sa 'kin (oh-woh-woh-woh)
Hindi ko maipaliwanag
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sapagka't)
Paggising ko, ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko (Ikaw lang at wala nang iba)
Ngunit hindi ko maipaliwanag
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sapagka't)
Paggising ko, ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko
Ang buhay parang dagat, na kung saan lahat tayo nagtipon
Sa dami ng isda, nakabingwit ako ng hipon
Hindi ka lang maganda 'pag hindi nakatalikod
Parang ipot ka ng ibon magpakipot
Hindi kanais-nais pero hulog ka ng langit
Nakakaadik kahit puro kuto ka sa anit
Kalait-lait pero kahit ubod ka ng pangit
Sa 'kin mas kaakit-akit ka pa kapag natuto kang mag-ahit
Hindi ka man napiling ikaw lang ang kapiling ko
Kahit hindi pilitin, ikaw ang pipiliin ko
Para kang Rebisco, ang sarap ng feeling ko
Ikaw ang namimiss ko, mismo
At kung kasama ka, parang naglakad ng aso, kaso 'di eh
'Pag galit si Son Goku, parang kamukha mo, babe
Pero ika'y bituin kapag sa langit nakadungaw
Kahit parang in between ka ng babae at bakulaw
Hindi ko maipaliwanag
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sapagka't)
Paggising ko, ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko (Ikaw lang at wala nang iba)
Ngunit hindi ko maipaliwanag
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sapagka't)
Paggising ko, ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko
Isang araw, dumalaw sa 'kin ang aking dating kasintahan
Ang sabi n'ya, "Uy! Mayro'n akong nabalitaan"
Nang ikwento n'ya, ako'y napaisip
Sabay napatahimik nang sinabing, "Hindi 'yan tunay na pag-ibig"
Ilang araw hinanap bago makita ang sagot
Kung tama ang hinala, ito'y mabisa na gamot
At nang aking inumin, saka ko lang naunawaan
Gayuma nga, 'lang-hiya, ako'y naloko lamang!
Nilinlang, dinaya, at inuto nang matindi