Рет қаралды 3,768
HILINGIN NATIN ANG KAGALINGANG ESPIRITWAL HINDI LANG PISIKAL- Homily by Fr. Danichi Hui on Feb. 11, 2025
Paggunita sa Mahal na Birhen ng Lourdes
GOSPEL : Mark 7:1-13
Biblical: Palabas, para sa iba ito ay papanoorin at sa iba naman ito ay ugali. Ito ang nais ituro ni Hesus sa ating Ebanghelyo. Ang “palabas” ay hindi dapat inuugali.
Narinig natin na sinisita ng mga Pariseo ang mga alagad ni Hesus dahil hindi sila naghugas ng kamay bago kumain ayon sa turong minana nila.
“Ang mga Judio, lalo na ang mga Pariseo, ay hindi kumakain hangga’t hindi nakapaghuhugas ng kamay ayon sa mga turong minana nila sa kanilang mga ninuno. Hindi rin sila kumakain ng anumang galing sa palengke nang hindi muna ito hinuhugasan. At marami pang ibang minanang turo ang kanilang sinusunod, tulad ng tanging paraan ng paghuhugas ng mga inuman, ng mga saro, ng mga sisidlang tanso, at mga higaan.”
Pero magandang balikan, ito ay minana lang nila sa kanilang mga ninuno. Ito ay tradisyon kung baga at hindi Batas. Kaya’t malinaw na walang nilalabag na Batas ang mga alagad ni Hesus. Kaya nga sa halip ginamit ni Hesus ang pagkakataong ito para turuan ang mga Pariseo.
Reflection: Kuha ni Hesus ang kalinisan na gusto ng mga Pariseo. Pero sa nakita niya sa mga Pariseo, “pagpapaimbabaw” lang ang kanilang ginagawa. Ika nga “PALABAS”.
PALABAS dahil pakitang kalinisan lang ang kanilang tinuturo. PALABAS dahil ang mas mahalaga kung ano ang nakikita ng tao.
Kaya nga ang tawag sa wikang Filipino, Mapagpaimbabaw.
Ito ang nais itama ni Hesus, ang palabas na inuugali ng mga Pariseo. Kung kalinisan ang tinuturo, mas mahalaga ang kalinisan ng kalooban kaysa ano pa man.
Celebration: Ngayon ấy ginugunita natin ang Mahal na Ina ng Lourdes. Noong 1858 nagpakita ang Mahal na Ina sa isang grotto sa Lourdes France sa isang batang babae na ang pangalan ay Bernadette Soubirous. Sinabihan niya ang bata na maghukay ng isang bukal kung saan ang tubig ay nakagagaling na hanggang ngayon ay dinadayo ng marami.
Reflection: Marami są atin humihingi ng kagalingang pisikal. Ngunit kakaunti ang nakauunawa sa sakit na espiritwal. Ito ang sakit na hindi nabibigyan pansin pagalingin dahil kadalasan hindi ito nakikita ng marami. Ito ay madalas itinatago, na tinatawag natin kasalanan.
Walang ibang lunas sa sakit na ito kundi ang pagtanggi sa kasalanan at pagtanggap kay Hesus. Nawa hindi lang pisikal na sakit ang ating hilumin kundi ang sakit na tinatanggo natin at ginagawa natin ng paulit-ulit.
Mga kapatid, ang palabas hindi inuugali. Dahil ang tunay na ugali hindi mahalaga kung ano ang nakikita sa labas kundi kung ano ang totoo sa loob. Kung ano ang lumalabas sa puso.
#soledaddemanila #frdanichihui #soledadxv